"Moon, Gising na." iminulat ko ang aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Rain.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko ng makita ko na halos lahat sila ay nasa kwarto ko, agad na gumala ang paningin ko sa kanila at hinanap si Zero pero wala ito.
" Kanina pa kami katok ng katok sa pinto mo pero hindi ka nag reresponse, akala namin kung napaano ka." Sabi ni Shadow.
" Ang sabihin niyo, mga Oa lang kayo." Sabi naman ni Red.
"Bumangon ka na Moon, pinapatawag tayo ni Admiral, siguro ay tutulong tayo sa pag aayus ng venue para mamaya." Sabi ni Ice.
" Hindi ko talaga alam kung studyante pa ba tayo dito o mga katulong na eh." Singit ni Cloud.
"Kami studyante, kayong dalawa ni Hampas lupa mga katulong." Banat ni Red.
"Wag mo ko simulan ngayun babae." Sabi ni Cloud at inirapan si Red.
"Sige sunod nalang ako, maliligo muna ako." Sabi ko.
"Bakit parang namumutla ka Moon?" biglang tanong ni Star.
"Malamang kakagising niya lang, alam niyo ang ooa niyo. " Sabi ni Red at inirapan kami saka naunang lumabas sa kwarto ko.
"Sows, pero siya yung kanina pa tarantang taranta nong di mabuksan ang pinto." Sabi ni Rain habang nakatingin sa nilabasang pinto ni Red.
"Sige na, hintayin ka namin sa baba ah." Sabi ni Ice, tumango ako. Pinanuod ko silang lumabas sa kwarto ko. Nang makalabas na silang lahat ay tumayo ako at nag tungo sa salamin, pinag masdan ko ang refleksyon ko.
Sa totoo lang ay ang bigat ng pakiramdam ko ngayun, hindi ko alam kung bakit pero sobrang bigat nito, siguro ay napagod lamang ako sa mga training namin nong kelan?
Nang makaayus na ko ay bumaba na ako sa baba at nakita na kausap nila si Admiral.
"Nanjan na pala siya." Sabi ni Shadow at ngumiti sa akin, ngumiti ako sa kanya at binalik ang tingin ko kay Admiral na kasama pala si Fly.
"Good morning po." Bati ko, ngumiti lang si Admiral sa akin habang si Fly naman ay tumaas lang ang kilay.
"Bakit parang na mumutla ka Moon?" Tanong sa akin ni Admiral.
"Ganyan lang talaga ang kulay ng hampas lupang yan." Sabat ni Red.
"Ayus ka lang ba?" Tanong ni Admiral, tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Oh sige, kung ganon ay tayo na sa Main court, tutulong kayo sa pag aayus ng venue para sa gagawing anniversary party mamayang gabi." Sabi ni Admiral. May kung ilan pa siyang sinabi sa amin pero hindi ko maintindihan ang iba niyang sinasabi dahil pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko.
Ano ba ang nangyayare sa akin ngayun?
Ngayun lamang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam.
Habang nag lalakad kami papunta sa main court ng moonlight ay nag uusap usap sila habang ako naman ay tahimik lamang na nag lalakad, wala talaga ako sa mood ngayun. Pakiramdam ko ay masusuka ako pag nag salita ako.
"Oi, bat tahimik ka?" Tanong ni Shadow sa akin, tumingin ako sa kanya at ngumiti lang.
"Ayus ka lang ba? bakit parang sobrang tahimik mo ngayun?" Tanong niya.
"wala ako sa mood." sabay kaming napatigil ni Shadow ng walang boses ang lumalabas sa akin.
Napa hawak ako sa leeg ko at lumunok. Anong nangyare?
"Naririnig mo ba ako?" Tanong ko pero wala talagang lumalabas na boses sa akin, tanging pag galaw lamang ng bibig ko ang nagagawa ko.
"Anong nangyare sayo?" Tanong ni Shadow, napalunok ako at nag kibit balikat.
"Guys si Moon." Tawag niya sa mga kasama namin na nauna sa pag lalakad, naka tingin lamang sya sa akin.
Bakit nawala ang boses ko?
"Ano na namang kaarte-- ang panget mo." kunot nuong sabi ni Red sa akin bagay na nag pakunot sa nuo ko.
"Anong nangyare sayo?" Tanong ni Ice.
"May inaway ka ba Moon? yung mukha mo namamaga." Sabi naman ni Rain. Napakawak ako sa mukha ko at naramdaman ko nga ang pag laki ng pisngi ko.
"Wala rin boses ang lumalabas sa kanya." Sabi ni Shadow.
"May inaway ka ba?" Tanong ni Star sa akin, umiling ako.
"Sinong huli mong kasama kagabi?" Tanong ni Cloud sa akin.
"Si Zero." Sagot ko pero halatang di nila na gets yun dahil sa walang akong boses at tanging pag galaw lamang ng labi ko ang nagagawa ko.
"Admiral!" Sigaw ni Star kaya napalingon sa gawi namin si Admiral na kasabay sa pag lalakad si Fly.
"May sumpa si Moon!" Sigaw ulit ni Star dahilan para mapatingin ang mga studyanteng nag lalakad sa amin. Napalunok ako ng makita ko na papalapit si Admiral sa gawi namin habang naka kunot ang nuo.
" Ano bang-- Ms Moon, anong nangyare sayo?" Tanong ni Admiral.
"Wala din po siyang boses." Sumbong ni Star.
"Mukhang kilala ko na kung sino may gawa nito." Sabi ni Admiral at tumingin sa likod niya kung saan nag lalakad palapit sa amin si Fly, bigla siyang natawa ng makita ako.
"Grabe anong nangyare sayo?" Natatawang tanong ni Fly ng makalapit sa amin.
"Fly." Ma awturidad na tanong ni Admiral.
"What? " tanong ni Fly. Tumaas ang kilay ni Admiral.
"Wait, pinag bibintangan niyo ba ako na ako ang may gawa niyan kay Moon?" Tanong ni Fly.
"Sino pa ba sa atin ang may kakayahang mag bigay ng sakit eh ikaw lang naman ang may kaya non?" Tanong ni Red.
"Wait teka lang ha, oo kaya ko mag bigay ng sakit pero hindi ako ang may gawa niyan. ni hindi ko pa nga siya nahahawakan kaya paano ko siya bibigyan ng sakit?"Tanong ni Fly na nag pakunot sa nuo ni Admiral.
"Saka hindi lang ako ang nag iisa ah, si Ze--"
"Dalhin nyo siya sa office ko, ipapatawag ko ang healer para malaman kung sino ang may gawa niyan." Sabi ni Admiral. Tumingin sa akin si Shadow.
"Tara na." Sabi nito at inalalayan ako sa pag lalakad.
~~~
Tweet me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasiAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...