"Dalawang beses ng nakatakas si Dark ng dahil kay Moon." Iritang sabi ni Red.
"Yun nga ay dahil sa niligtas kayo nila Dark, malamang mag kakaruon ng utang na loob si Moon sa kanila dahil sa ginawa nila."sabi naman ni Rain na ngayun ay gising na.
Kanina pa sila nag uusap lahat. Ako lang ang hindi sumali dahil alam kong lalaki ang gulo pag nag paliwanag pa ako, narito kami sa tabi ng sapa, tanging apoy at si Red lamang ang nag sisilbing ilaw namin dahil sa kumagat na ang dilim.
Isang oras na lamang ay mag papalit na naman ang tema ng laro, hindi ito maganda dahil gabi na at mangangapa kami sa dilim.
"Ang point ko, laro ito. Survival. Wala akong pakealam sa utang na loob na yan, ang mahalaga dito ay manalo tayo."sabi ni Red.
"Bakit ba gigil na gigil ka manalo?"singit ni Cloud. "Kung di dahil kila Dark malamang patay na kayong tatlo." Dagdag nito.
"Wala akong pakealam, kalaban parin natin sila. Tignan niyo, wala ng mga Castro tanging Leviticus na lamang ang natirang kalaban natin. Kung pinatay namin kanina sila Dark malamang panalo na tayo." Sabi ni Red.
"Hindi ka ba nag iisip Red?"tanong ni Cloud.
"Kaya nga survival diba? Kahit na patayin niyo ang Leviticus kung hindi pa tapos ang oras wala paring ididiklara na panalo, dalawang araw pa bago matapos ang laro Red. Kung pinatay niyo ang Leviticus kanina malamang sa loob ng natitirang mga araw tayo tayo ang mag papatayan."inis na sabi ni Cloud na kinatahimik ni Red.
"Ang hirap sayo babaeng apoy, puro mali ni Moon ang nakikita mo. Look, ginagawa niya ag lahat para maging ligtas tayo. Ginagawa niya ang best niya para mapanatiling walang maiiwan satin pero ikaw, unting galaw lang na mali ni Moon papansinin mo na."iritang sabi ni Cloud at huminga ng malalin.
"Hindi ko siya kinakampihan, wala akong kinakampihan sa inyo, sadyang may point lang si Moon at ginagamit niya ang isip niya."dagdag nito.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka lumapit sa kanila, napatingin sila sa akin.
"Wag na kayong mag away. Walang patutunguhan kung mag aaway lang kayo."sabi ko saka tinuro ang isang puno di kalayuan sa kinauupuan nila.
"Naruon lang ako sa puno na iyon, kung sakaling mag bago ang tema ng laro pwede nyo kong iwan o puntahan." Sabi ko saka walang emosyon na nag lakad papunta sa puno na tinuro ko.
Umakyat ako sa taas at ng makakita ng magandang pwesto ay umupo na ako saka sinandal ang likod ko sa sanga ng puno, pinag masdan ko ang buwan. Maliwanag ito at kulay dilaw.
"Parang buwan ang pag mamahal ko sayo Moon." Nakangiting sabi ni Zero habang naka tingin sa buwan. "Mahal kita, kahit minsan ang layo mo saken. Kahit minsan hindi ka buo. "
Napapikit ako ng maalala ko ang sinabi ni Zero sa akin. Napalunok ako, muli na naman akong nangungulila sa kanya. Pero kailangan ko munang tapusin ang laro para malaman ko kung nasaan ba talaga siya.
"Bilisan niyo!" Napatingin ako sa mga kasama ko sa baba, napakunot ang nuo ko ng makitang kinukuha nila ang mga bag nila.
"Anong nangyayare?"tanong ko, agad na binato sa akin ni Red ang bag ko saka tinuro ang kaninang inuupuan nila. Napatingin ako sa dereksyon na yun, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dalawang halimaw na naruon.
"Kailangan na nating lumayo."sabi ni Red kaya agad akong bumaba sa puno at muling tinignan ang mga halimaw.
"Nasan sila?"tanong ko.
"Hindi ko alam, tara na."sabi niya, muli akong napalingon sa dereksyon ng halimaw.
"Red takbo!" Sigaw ko ng makitang nakatingin sa gawi namin ang isang halimaw. Sabay kaming tumakbo ni Red habang ang halimaw ay sumusunod sa amin.
Lumingon ako sa likod at tama ang hinala ko, naka sunod ang isang halimaw sa amin.
"Anong plano?!"tanong ni Red habang tumatakbo.
"Hindi ko alam!"sigaw ko at patuloy sa pag takbo.
"Hindi tayo pwedeng mag hiwalay!"sigaw niya habang tumatakbo.
"Kailangang ang halimaw ang humiwalay sa atin!" Sabi ko at habang tumatakbo ay kinapa ko ang pana ko at palaso, agad kong inasinta ang pana ko at gaya nong nakaraan na may nakaharap kami ni Dark na halimaw ay inutusan ko ang pana ko na umilaw at libangin ang halimaw.
"Hindi yun mag tatagal! Kailangan nating makalayo!" Sabi ko habang patuloy sa pag takbo.
"Moon! Ang isang halimaw ay sumusunod sa atin!"sigaw ni Red kaya napatingin ako ulit sa likod at nakitang may isa pa ngang halimaw na sumusunod sa amin.
"Wag tayong tumigil."sabi ko at nilibot ang tingin. Masyadong madilim kaya hindi ko makita kung saan kami pwedeng mag tago.
Napatingin ako kay Red at mukhang alam ko na kung bakit kami sinusundan ng halimaw.
"Red, patayin mo ang ilaw mo."sabi ko kaya napatingin siya sa akin.
"Anong ilaw?"naguguluhan niyang tanong habang patuloy sa pag lalakad.
"Yung apoy mo sa katawan!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa sarili niya.
"Red madadapa ka!"sigaw ko ngunit huli na ng maka ilag siya, tuluyan siyang nadapa at sabay non ang pagkawala ng kanyang apoy sa kanyang katawan.
Napatigil ako sa pag takbo at tinulungan siya upang mag tago sa malaking puno. Halos huminto ang pag hinga namin ng makita ang dalawang halimaw na papunta sa dereksyon kung saan nadapa si Red.
Napa lunok ako at pinigilan ang pag hinga upang hindi kami marinig ng halimaw. Muli kong sinilip ang dereksyon kung saan nakatayo ang halimaw kanina, nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na sila don. Napatingin ako kay Red.
"May sugat ka."sabi ko, tumingin siya sa akin.
"Wag mong hawakan baka ma infection."sabi niya, natawa ako.
Parang kanina lang ay para siyang maamong tupa.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...