Moonlight Academy 11

19.7K 542 16
                                    

Nagulat kami sa pag babago ng lugar kung saan kami ay nakaupo lamang kanina, ngayun ay napapalibutan na kami ng mga tubig at ang tinatapakan namin ay isang nag yeyelong tubig.

"Naituro na namin ang mga skill ng armas na hawak niyo, ngayun. Susubukan niyong manalo sa larong inihanda namin sa inyo kung saan ia-apply niyo ang mga tinuro kong tamang pag gamit ng mga sandata niyo." Boses iyon ni Admiral. Hindi namin sila makita, tanging ang mga kasama ko lamang ang nakikita ko at hindi sila Admiral at Admin.

"Tandaan niyo, samahan niyo ng talino ang bawat galaw na gagawin niyo. Isa kayong studyante ng Moonlight at dapat niyong isapuso ang kung ano 'man ang inyong ginagawa." Boses naman iyon ni Admin. Ilang minuto matapos mag salita ni Admin ay natanaw namin sa kabilang dako ng aming inaapakan ang mga kamukha namin.

Napalunok ako dahil kulay itim ang mga mata ng aming kamukha at parehas ng aming sandata ang kanilang dala dala.

"Mamamatay ba tayo dito?"tanong ko.

"Ikaw lang, wag mo kaming idadamay." Sabi ni Red at inirapan ako.

"May matalino ba sa atin dito? Bakit parang wala naman." Sabi ni Star.

"Pag katapos ng laro na ito, mag uusap kami ni Admiral. Bakit kulay Puti ang kulay ng buhok ng kamukha ko?"tanong ni Red kaya napa tingin ako sa sinasabi niya at tama siya. Puti ang kulay ng buhok ng Red na nasa kabila.

"Isa lang masasabi ko." Sabi ni Star at tumingin sa amin.

"Tumakbo nalang kaya tayo?"tanong ni Star. Agad kaming naalarma ng ang Shadow na nasa kalaban ay biglang nag hagis ng beyblade sa gawi namin at biglang tumalon ang Star na nasa kalaban sa gawi namin.

"Anak ng pating start na ba?"tanong ni Star habang nilalabanan ang kamukha niya.

"Wag nga kayong tumunganga jan! Mamamatay na ko dito lumaban naman kayo!" Sigaw ni Shadow kaya bumalik kami sa katinuan at lumaban. Nag lagay ako ng palaso sa aking pana at pinana ang Kamukha ni Star pero nabigo ako dahil hindi umabot ang palaso sa gawi ng dapat sana ay papatamaan ko.

"Bobo." Sabi ni Red at inangat ang canyon na hawak niya saka ginamit ang first skill pero agad niyang nabitawan ang kanyon na hawak niya dahilan para ang lupa ang matamaan.

"Bakit hindi sinabi ni Admiral na bumibigat pala ang kanyon na yan?!"iritang sabi ni Red at biglang nag bato ng apoy sa dereksyon ng mga kalaban, ngunit agad na bumalik sa gawi namin ang hinagis na apoy ni Red kaya naman napa upo kami hanggang ang tubig ang tamaan ng apoy.

"Ako na nga!" Sigaw ni Rain at kinontrol ang mga kable na naka kabit sa kanyang bewang saka lumipas papunta sa gawi ng mga kalaban ngunit hindi pa man nakakalapit si Rain sa kalaban ay nahulog na siya mula sa itaas.

"Bwiset."

Naalarma kaming lahat ng biglang sumugod ang Rain ng kalaban kaya naman gumawa ng isang shield na yari sa yelo si Ice saka tumingin sa amin.

"Wala ba kayong plano?"tanong ni Ice.

"Mukha bang may plano tayong mabubuo kung nag pa surprise death sila admiral?" Inis na tanong ni Red. At tumingin sa gawi ng mga kalaban.

"Hoi, diba tank kayong dalawa? Ba't lalambot lambot kayo?"inis na tanong ni Red kila Star at Shadow.

"Oh sige ikaw mag tank oh." Sabi ni Star at inilahad ang hawak na armas.

"Isa ka pa Moon, titira ka na nga lang ng pana di mo pa natamaan. " Baling ni Red sa akin.

"Ikaw nga sa baba mo tinira eh." Sabat naman ni Cloud at tumingin kay Red.

"Wag niyo nga isali si Red, tara tayo nalang mag sama sama." Sabi ni Cloud at inirapan si Red.

"Ang lakas din naman talaga ng loob mong kupal ka na sumagot sagot." Pikon na sabi ni Red at akmang susugurin si Cloud ng biglang mag labas ng baraha si Cloud.

"Oh sige lumapit ka."

"Tangina, nahihirapan nako dito baka gusto niyo kong tulunga?" Sabi ni Ice na halatang nahihirapan na sa pag buhat ng shield na yari sa yelo niya.

"Yung Red ng kabila tinutunaw yung Shield! Mag sihanda!" Sigaw ni Rain kaya naman naalerto kami ng biglang masira ang Shield na gawa ni Ice.

"Susugurin ko umatake kayo." Sabi ni Star at ginamit ang Flicker niya, sumunod si Shadow sa pag sugod ni Star.

Agad kong inayos ang pana ko at tinira ang Red ng kabila pero lumihis iyon, nakakainis. Bakit ba ayaw ng palaso na yun na makisakay sakin kahit ngayun lang.

"Star!" Napatingin kami sa gawi ni Star at nanlaki ang mga mata namin ng makita na nasaksak sya ng Rain ng kabila.

"Tulong!" Napunta naman ang paningin namin kay Shadow na pinag bababaril ni Ice ng kabila.

"Tara na!"tarantang sabi ni Rain kaya naman sabay sabay kaming sumugod lahat sa gawi ng kalaban. Pilit kung pinatatamaan ang mga kalaban ngunit hindi talaga sumasangayun ang aking palaso.

Mukhang mailap pa sa akin ang palaso kaya naman kinailangan ko ng konsentrasyon upang mapa amo ang palaso ngunit huli na ako.

Napa tingin ako sa likod ko ng maramdaman kong may bumaon sa akin mula sa likod at doon, kitang kita ko si Rain na mula sa kalaban ay sinaksak ako gamit ang dala niyang sandata.

Iminulat ko ang mga mata ko at ang una kong nakita ay sila Admiral at Admin na mukhang disappointed.

"Kung nasa tunay na laro kayo malamang ay patay na kayo." Sabi ni Admiral kaya napahawak ako sa tyan ko kung saan kitang kita ko kanina na tumagos ang samurai ni Rain.

"Bakit kasi biglaan?" Nabaling ang tingin ko kay Red ng mag salita siya.

"Pwede bang mag time freeze sa araw ng laro Red?"pangbabara ni Admiral kay Red. Inirapan lang ni Red si Admiral saka tumayo.

"Bukas ay uulitin natin ang pag sasanay. Ngayun ay mag handa na kayo dahil may pasok pa kayo." Sabi ni Admin.

"Dalhin niyo ang mga sandata niyo sa inyong kwarto, at bukas ng umaga ay muli tayong mag sasanay." Dagdag ni Admiral bago tumalikod sa amin.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon