"Zero..." Tawag ko sa lalaking nakatayo sa aking harapan, nakatingin lamang siya sa ibang dereksyon. Kumunot ang nuo ko ng hindi niya ako pinansin.
"Zer--"
"Hindi dapat tayo manalo Dark." Napa tingin ako sa kausap ni Zero, si Dark. Ginala ko ang paningin ko sa buong lugar at nakita na nasa laro kami, ngunit ibang lugar.
"Hindi sila papayag." Napatingin ako kay Dark na naka harap kay Zero. "Kilala mo ang mga kasama natin Zero, hindi sila tumatanggap ng pagka talo."sabi ni Dark kaya napa tayo si Zero.
"Ano bang pinag uusapan niyo?"tanong ko ngunit parang hindi nila ako nakikita.
"Kailangan natin palabasin na aksedente ang pagkakatalo natin."sabi ni Zero kaya lalo akong naguluhan.
"Si Fly, kailangan nating kausapin at--"
"Zero, hindi natin alam kung papayag ba siya sa plano natin. Baka mamaya ay nalason na din ang isip niya, kagaya nila Shadow." Kumunot ang nuo ko, si Shadow?
"Kasama niyo si Shadow?"
"Kailangan nating gawin Dark, kung hindi ay mananalo na naman ang Moonlight at alam mo kung ano ang mangyayare." Sabi ni Zero. Hindi ko maintindihan ang mga pinag uusapan nila, anong mangyayare? Anong--
"Zero may kalaban." Napa ayus ako ng tayo at akmang kukunin ang pana ko sa likod ko ng maramdaman kong wala ito, napatingin ako kay Zero at nakitang hawak hawak niya ang pana na pag mamay-ari ko.
Sa bawat pag papakawala niya ng palaso ay natatamaan ang mga kalaban na papalapit sa kanila, nagagawa nyang kontrolin ang pana at palaso na para bang sarili niya ito.
"Zero!" Sigaw ko ng may papalapit na kalaban sa kanya pero agad itong pinatay ni Dark. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang namatay ang lahat ng kanilang kalaban, pero napa kunot ang nuo ko ng makita ko ang pag tagas ng dugo mula sa kanyang damit.
"Z-Zero..." Nanginginig na tawag ko. Kitang kita ko kung paano kapain ni Zero ang tyan niya, tinignan ko ang likod niya at doon nakita ko na may nakatusok na pana sa kanyang likod. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa taong nasa likod niya.
"Zero..." Tawag ni Dark na siyang nasa likod niya at may hawak ng isang pana at palaso.
"Zero!" Sigaw ko at napa upo, hinabol ko ang hininga ko at napa hawak sa ulo ko ng maramdamang sumakit ito.
"Moon, ayus ka lang ba?" Napatingin ako sa nag salita. Si Star.
"Guys, gising na siya." Tawag ni Star at muling tumingin sa akin.
"Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?"sunod sunod na tanong ni Shadow ng makalapit sa akin. Naka tingin lamang ako sa kanya at hindi nag salita.
"Zero, hindi natin alam kung papayag ba siya sa plano natin. Baka mamaya ay nalason na din ang isip niya, kagaya nila Shadow." Naalala ko ang sinabi ni Dark kay Zero sa panaginip ko.
Nakita ko ang ilang pag pasok ng mga kasama ko ngunit wala sila Ice at Rain.
"A-ayus lang ako." Sabi ko. Napalunok ako, anong klaseng panaginip yun?
"Kung ganon, kumain ka na. Hahanapin pa natin sila Rain at Ice."sabi ni Red at inirapan ako. Inabot sa akin ni Star ang pagkain ko. Tahimik lamang akong kumain habang sila ay nanunuod sa ginagawa ko.
"Nakakailang."sabi ko.
Nag siiwas naman sila ng tingin.
"Look, hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa mo kahapon."sabi ni Red kaya napatingin ako sa kanya.
"Totoo bang nakaya mong kontrolin ang isip naming tatlo pati ang mga kapangyarihan namin?"tanong ni Cloud. Napatingin ako kay Shadow.
"Sinabi ko sa kanila."sabi ni Shadow at napaiwas ng tingin.
"Paano mo nagawa yun Moon? Akala namin ay kaya mo lamang mag basa ng isip?"tanong ni Star. Binaba ko ang hawak kong pagkain saka umiwas ng tingin.
"Hindi ko alam."sabi ko.
"Imposibleng hindi mo alam Moon."sabi ni Red at nag cross arms.
"Wala akong matandaan."sabi ko.
"O baka naman tinago mo sa amin na may iba kang kapangyarihan." Napatingin ako sa sinabi ni Red.
"May balak ka bang ipatalo ang laro?"tanong ni Red kaya kumunot ang nuo ko.
"Pwede ba, hindi ito ang oras para mag away."sabi ni Shadow at tumingin kay Red.
"Maging si Moon ay nabigla sa ginawa niya, ni hindi niya din alam na may ganon siyang kakayahan."sabi ni Shadow at tumingin sa akin.
"Isa pa, kilala ko si Moon. Hindi siya gagawa ng bagay na ikaka disappoint natin. Hindi ba Moon?"tanong ni Shadow habang naka tingin sa akin.
"Wag mong ipanalo ang laro."
"Hindi dapat tayo manalo Dark."
Naalala ko ang sinabi ni Zero sa akin at sa panaginip ko. Ayaw niyang manalo. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay may malalim itong dahilan.
"Mananalo tayo."sabi ko at napa lunok.
Ngumiti si Shadow sa akin saka kinuha ang kaliwang kamay ko at hinalikan. Naka titig lamang ako sa kanya at napatingin sa iba naming kasama na naka tingin sa amin.
Desperadong manalo sila Shadow at Red, hindi ko alam kung bakit pero si Zero parin ang susundin ko. Alam kong may ibig sabihin ang panaginip ko at ang sinabi sa akin ni Zero.
At yun ang aalamin ko pag nakita ko si Dark.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...