"Listen Students, you only have 30 minutes to do you task, and your only task is to destroy one base. isang base lang ang kailangan sirain, walang kampihang magaganap sa pagitan ng tatlong paaralan." Sabi ni Admiral sa amin, tumango kaming lahat.
"I suggest, ang Leviticus ang sirain niyo. Total pangatlo naman sila." Sabi ni Admin, napatingin ako sa gawi ni Dark na kausap din ang admiral nila.
"Always remember, gamitin ang talino, liksi at kapangyarihan sa bawat hakbang na isasagawa niyo." Sabi ni Admiral sa amin.
"All students of three prestigious schools, you may now go inside of simulator." Announce ng computer. Muli na naman akong napatingin sa gawi ni Dark na ngayun ay naka tingin sa akin, napangiti siya kaya napaiwas ako ng tingin.
Nag simula na kaming mag lakad papasok sa simulator.
"Good luck." Napatingin ako sa nag salita, si Dark. Nasa likod ko siya at naka tingin sa akin, napahinto ako sa pag lalakad.
"Oh? aawayin mo ba ako? sinabi ko lang goodluck." Sabi niya at natawa.
"Wag mong kakalimutan ang usapan natin Moon." Sabi niya.
"Usapan?" Napatingin ako sa nag salita sa likod namin, si Shadow na naka tingin sa aming dalawa.
"Anong usapan?" Tanong ni Shadow at tumingin ng seryoso kay Dark. Ngumiti lang si Dark saka ako kinindatan at nag tungo sa pwesto niya. Napatingin ako kay Shadow na nakaktingin kay Dark.
"Anong usapan ang sinasabi niya Moon?" Tanong niya sa akin, nag kibit balikat lang ako.
"Tara na." Sabi ko saka hinawakan ang kamay niya at hinila siya papunta sa pwesto namin.
Nang makapasok na ang lahat ay nag sara ang simulator, bumuhos ang makakapal na usok, muli akong napatingin sa dereksyon ni Dark na naka ngiti habang naka tingin sa akin. Dahan dahang nag bago ang paligid at nawala ang mga kasama namin, napatingin ako sa inaapakan namin. Yelo.
"Mabuti naman at naisipan nilang ilagay tayo sa malamig na lugar." Sarkasitikong sabi ni Red at tumingin sa akin.
" Anong plano?" Tanong niya, napatingin din ang mga kasama namin sa akin.
"Leviticus ang wawasakin natin." Singit ni Shadow habang hawak ang sandata niya.
"Yelo, apoy, kakahuyan." Sabi ni Cloud habang naka hawak sa tinatapakan namin. Napatingi kami sa kanya.
"Nasa atin ang yelo, nasa kaliwang bahagi natin ang apoy at nasa kanan ang kakahuyan." Dagdag niya saka tumayo ng maayos.
"Sigurado akong nasa apoy na bahagi ang base ng Leviticus." Sabi ni Ice.
"Kung ganon, tara na."Sabi ni Rain.
"Ice, palibutan mo ng makakapal na yelo ang buong base, tutunawin ko ang kalahating bahagi ng lugar natin, Rain, Mag lagay ka ng patibong sa tubig at Shadow, padilimin mo ang gitnang bahagi ng lugar naten para mahirapan sila." Sabi ni Red. Tumango sila at ginawa ang plano, habang ako ay pinapanuod ko lamang sila. Napalunok ako at nag isip ng paraan kung paano mapapalayo sa kanila.
May usapan kami ni Dark, kung gusto kong malaman kung nasan si Zero ay dapat ko siyang sundin.
Kailangan magkaruon ng Clash sa pagitan ng Moonlight at Castro para makalayo ako sa mga kasama ko.
"Hihintayin kita sa gitna ng lugar namin."
Napapikit ako ng maalala ko ang sinabi ni Dark sa akin kahapon.
"Moon." Napatingi ako kay Star. " Ayus ka lang ba? kanina pa kita kinakausap." Sabi niya, napatingin ako sa ibang kasama namin na ginagawa ang plano.
"Sorry hindi kita narinig, ano bang sinasabi mo?" Tanong ko.
"Kung may plano ka ba na kalabanin ang Castro? paniguradong tayo ang puntirya nila." Sabi niya. Napatingin ako sa unahang bahagi ng lugar namin.
Saang bahagi ba sila pwedeng kalabanin.
"Kakalabanin natin sila." Sabi ko at tumingin kay Star.
"Paano?" Tanong ni Cloud.
"Ambush." Sabi ko kaya napatingin ang mga kasama namin sa gawi namin.
"Sinong may mapa sa inyo?" Tanong ko, agad namang nilabas ni Ice ang mapa na dala niya. Kinuha ko yun at kinuha ang ballpen na dala ko.
"Nandito tayo sa North, ang Leviticus ay nasa South habang nasa east ang Castro. Para makapunta sa Leviticus, kailangan nating madaanan ang Castro. Paniguradong may plano sila para puntahan tayo kaya itatrap natin sila." Sabi ko at tinuro ang Unahang bahagi ng lugar namin.
"Doon natin sila aambusin, aabangan natin sila na makatapak sa teretoryo natin, pag nahuli sila sa patibong natin ay kukunin natin ang mga armas nila at susugatan para maawala sila sa laro, pagtapos non ay hahanapin natin ang mga leviticus at susugod sa base nila." Sabi ko at tumingin sa kanilang lahat.
"Payag ba kayo sa plano ko?" Tanong ko, tumango sila at napatingin sa isa't isa.
"Kung ganon ay tara na, kailangan natingin padilimin ang buong nasasakupan natin bago pa nila tayo masugod." Sabi ko.
Dahil kontrolado ni Shadow ang dilim ay pinadilim niya ang buong lugar namin.
"Rain, mag tago ka sa punong yun."Sabi ko at tinuro ang puno sa labas ng lugar namin. "Star doon ka sa kabilang bahagi, Red mag tago ka sa dilim kasama sila Cloud, Ice at Shadow.sa oras na makatapak sila sa guhit na yun." Sabi ko at tinuro ako guhit na nasa pagitan ng lugar namin at labas. "Mula sa puno ay tatalon ka para ma set ang clash."Sabi ko kay Star. "Kapag nakatalon na si Star saka kayo lalabas sa pinag tataguan niyo para labanan sila at ikaw naman Rain, susugatan mo silang lahat." Sabi ko.
"Paano pag nanlaban sila at nakatakas?"Tanong ni Shadow.
"pupwesto ako sa daan kung saan sila tatakas, ako na ang bahala sa kanila." Pag sisinungaling ko. tumango silang lahat at gaya ng plano ay nag tungo na sila sa mga pwesto nila at inabangan ang Castro.
Huminga ako ng malalim bago tumakbo papunta sa di kalayuan sa kanila para abangan ang mga taga Castro, sa oras na maga clash ay tutungo na ako sa Leviticus para puntahan si Dark. Practice palang naman ito kaya hindi dapat ako matakot.
Tumingin sa gawi ko si Star, sumenyas ako ng tahimik ng may maring akong mga kaluskos, Nag tago ako sa malaking bato at sinilip ang harap. Nandito na ang mga taga Castro, Napatingin ako sa Gawi ni Star na nag hahanda, sinundan ko ng tingin ang mga taga castro hanggang sa mapatigil sila sa pag lalakad.
"Akala ko ba yelo ang kanila? bakit puro itim ang nakikita ko?" Dinig ko.
"Tara na, paniguradong sinugod ng mga taga Moonlight ang Leviticus." Sabi ng captain nila, nakita ko kung paano tumapak ang captain nila sa linya na tinuro ko habang ang mga kasama niya ay nasa laikod hawak hawak ang kanilang sandata.
Gaya ng plano ay na set ng maayus ni Star ang clash at sinugod nila Red ang mga Castro, pero gaya ng tanong ni Shadow ay nanlaban ang mga ito kaya sumugod na si Rain.
Napalunok ako at dahan dahang umatras at tumakbo palayo sa kanila.
Gagawin ko ito para kay Zero, kailangan kong malaman kung nasaan siya.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasíaAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...