MoonLight Academy 79

11.2K 254 10
                                    

Tumigil kami sa isang pinto ni Dark, Napatingin siya sa akin kaya kinuha ko ang radyo na nasa bulsa ko saka pinindot ang button nito.

"Nasa tapat na kami ng pinto." Sabi ko habang nakatingin sa kulay itim na pinto na may nakalagay na 'pýli '

"Yung pang apat na code sa papel ang ienter niyo." Sabi ni Fly kaya tinignan ko si Dark na naka tingin sa papel saka sinimulang ilagay ang code. Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto at mula sa kinatatayuan namin ni Dark ay natanaw ko ang kulay asul na bagay na umiikot ikot habang naka dikit sa pader.

Pumasok kami sa loob ng kwarto kung nasasaan ang portal, sinara ni Dark ang pinto saka tumingin sa akin.

"Isipin mo kung saan mo nais mag punta." Sabi niya. "Pero dahil wala ka sa panahong naganap yun, ako nalang ang mag iisip." Sabi niya at nilahad sa harap ko ang kamay niya.

Tinignan ko ang kamay niyang naka lahad sa harap, dahan dahan ko itong hinawakan, tumingin siya sa portal saka kami sabay na nag lakad papasok sa bagay na iyon. Napapikit ako ng mata ng lamunin kami ng liwanag hanggang sa may kakaiba kaming narinig na inagy, binuksan ko ang mata ko at napatigil ng makita kong nasa isang gubat kami. Ito ang lugar na nakita ko sa panaginip ko noon habang nasa laro.

"Dark bilis!" Napatingin kami sa nag salita, bigla akong nang hina ng makita ko si Zero na tumatakbo habang nasa likod niya ang pana na ginamit ko sa MLA.

"Teka lang, napapagod na ako eh." Napatingin naman ako sa nag salita mula sa likod namin, si Dark na may hawak ding pana. Napatingin ako kay Dark na katabi ko, nakatingin siya sa akin. Muli kong binalik ang paningin ko kay Dark na nasa likod namin, nagulat ako ng mag lakad siya palapit sa amin at ng tumagos lamang siya sa katawan namin ni Dark na ansa tabi ko.

"Wala ng humahabol sa atin." Sabi ni Dark ay Zero at umupo sa isang bato, tumingin si Zero kay Dark na naka upo sa bato.

"Malapit ng mag end ang game." Sabi ni Zero kay Dark.

"Hayst, anong balak mo?" Tanong ni Dark na nag labas ng pagkain.

"Hindi dapat tayo manalo Dark." Sabi ni Zero kay Dark, Lumapit si Zero kay Dark.

"Hindi sila papayag." Sabi ni Dark na nakaharap kay Zero. "Kilala mo ang mga kasama natin, hindi sila tumatanggap ng pagkatalo." Dagdag ni Dark kaya napatayo si Zero.

"Kailangan nating palabasin na aksedente ang pagkatalo naten." Yan din ang saktong sinabi ni Zero sa panahinip ko. Kung ganon, ang panaginip ko noon ay hindi lamang isang basta bastang panaginip, isa itong memorya kung saan kasama si Zero.

"Si Fly kailangan nating kausapin---"

"Zero, hindi natin alam kung papayag ba siya sa plano natin. Baka mamaya ay nalason na din ang isip niya kagaya nila Shadow." Sabi ni Zero.

"Kailangan nating gawin Dark, kung hindi ay mananalo na naman ang Moonlight at alam mo kung ano ang mangyayare." Sabi ni Zero. Napatingin ako kay Dark na nasa tabi ko, sobrang lungkot ng kanyang mata.

"Zero may kalaban." Sabi ni Dark na kaharap si Zero, nakita ko kung paano pag tulungan nila Zero at Dark ang pag patay sa kalaban.

"Sa likod mo!" Sigaw ni Dark kay Zero, agad namang pinana ni Zero ang nasa likod niya.

Agad na pinatay ni Dark ang kalabang malapit kay Zero, napakunot ang nuo ko ng matandaan kong ito na ang oras kung saan may lalabas na dugo mula sa labi ni Zero.

"Zero!" Siga ko at mang pupunta sa likod ni Zero ng hilahin ako pabalik ni Dark kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ka pwedeng mang alam Moon." Sabi ni Dark na nasa tabi ko. Nang hina ako at agad na tumulo ang luha ko. Ito na ang oras para baguhin ang nangyare sa laro 2 years ago, pero wala akong kakayahan para gawin yun.

"Zero..." Tawag ni Dark na siyang nasa likod niya at may hawak ng isang pana at palaso. Napa upo ako habang nakatingin sa kanilang Dalawa.

"Zero!" Agad na sigaw ni Dark at binitawan ang hawak niyang palaso at pana saka sinalo ang katawan ni Zero na nang hihina. Mas lalong kumirot ang puso ko ng makita ko ang ngiti sa labi ni Zero.

"S-sabi ko na nga ba.... D-dating ang araw na... na gagawin niya sakin ito.." Nang hihinang sabi ni Zero habang nakatingin kay Dark.

"Zero.."Tawag ko kahit na alam kong hindi niya ako maririnig.

"Bro.. Bro saglit kukunin ko yung kit sa bag ko, wag kang pipikit kahit na anong mangyare naiintindihan mo ba?" Sabi ni Dark habang salo salo ang katawan ni Zero. Inilapag ni Dark si Zero sa lupa at akmang kukunin ang bag niya ng pigilan siya ni Zero.

Nakatingin lamang si Zero sa langit habang nakangiti.

"Tignan mo yung buwan." Mahinang sabi ni Zero kaya napatingin si Dark sa buwan, maging ako ay napatingin sa buwan.

"Lagi kong.... pinag mamasdan ang kagandahan ng Buwan..." Nang hihinang sabi ni Zero, napatingin ako sa kanya. Naakita ko ang pag tulo ng luha niya.

"M-may nakikita akong.... babae sa panaginip ko." Kwento ni Zero habang nakahawak kay Dark. Tumingin si Dark kay Zero at kitang kita ko kung paano tumulo ang mga luha niya.

"Maganda siya, mabait at kapag ngingiti sya mawawala ang problemang meron ka.... " sabi ni Zero habang naka tingin parin sa buwan.

"H-Hindi ko alam kung.... kung nag eexist pa siya... kung totoo ba siya... p-pero isa lang ang alam ko...." Sabi ni Zero at ngumiti.

"G-gusto kong... makita siya.." Nahihirapang sabi ni Zero.

"Yun naman pala eh." Umiiyak na sabi ni Dark. "Bitawan mo na ako.... kukunin ko yung kit sa bag ko tapos.. tapos gagamutin kita... tapos pag katapos ng laro hahanapin natin sa labas ng Moonlight yung babaeng nasa panaginip mo." Sabi ni Dark at pinunasan ang luha niya.

Ngumiti si Zero sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Dark,nakita ko kung paano mag habol si Zero ng hininga niya, bagay na mas nakapag pasakit sa akin.

"M-mangako ka saken..." Sabi ni Zero habang naka pikit.

"K-kapag nakita mo siya... p-proprotektahan mo siya..." Sabi ni Zero at minulat ang mata nya.

Ang lungkot sa kanyang mata, yan din ang lungkot na nakita ko sa kanya nong huling kita namin.

"Zero.." Bulong ko.

"Pro-protektahan mo si Moon.." natigilan ako sa sinabi ni Zero. Napatingin ako sa kanya, may ngiti siya sa labi habang lumalabas doon ang dugo.

"Moon ang pangalan niya... M-Moon Laureen.... Venomous.."

" Moon tara na, nag bukas na ang portal." Sabi ni Dark na katabi ko, nanatili ang tingin ko kay Zero na ngayun ay wala ng buhay. Halos mawalan ako ng hininga sa huling sinabi niya.

"Moon.." itinayo na ako ni Dark at pilit na hinila, napatingin ako sa likod ni Dark na nasa tabi ni Zero. Kumunot ang nuo ko ng makita ang anino ng isang nilalang na nasa taas ng puno.

Buong pwersa kong tinulak si Dark at akmang lalapit sa nilalang na iyon ng tumingin ito sa gawi ni Zero na wala ng buhay . Agad na yumukom ang palad ko ng makita ko kung sino ang taong pumatay kay Zero.

"Moon tara na!" Sigaw ni Dark kaya napatingin ako sa kanya at muling binalik ang tingin sa nilalang na nasa puno.

Hayop ka...


~~~

Tweet me

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon