Rain POV
Last Game of MLA, 2 years Ago.
"Napapanaginipan mo parin siya?" Dinig kong tanong ni Hydro kay Zero.
"Oo."naka ngiting sabi ni Zero. "Pakiramdam ko lahat ng panaginip ko ay totoo, walang araw na lumipas na hindi ko siya napapanaginipan."sabi ni Zero.
"Hmm, ang weird, sabi mo hindi mo pa nakikita yung babaeng yun sa personal pero nasa panaginip mo."sabi ni Hydro. Kinuha ko ang pana ko at inayos ang sarili ko.
"Sa palagay ko ay may nais ipahiwatig ang panaginip ko."sabi ni Zero, lumingon ako aa gawi ni Zero at pinag masdan siya.
Sa paanong paraan kita mapapatay Zero? Naiyukom ko ang kamay ko ng muli kong maalala ang pang bababoy niya sa akin.
Hindi matatapos ang laro na ito ng hindi kita napapatay.
"May mga kalaban!" Sigaw ni Dark na papalapit sa amin.
"Papunta dito ang ilang myembro ng Velandra."sabi niya kaya agad na tumayo si Zero at tumingin sa amin.
"Kailangan nating kumilos." Sabi ni Zero.
"Hindi sapat ang bilang natin."singit ko kaya napatingin sila sa akin.
"Walo ang papunta sa atin, tayo ay apat lamang."dagda ko saka tumingin ng nag aalala kay Zero.
"Kailangan na natin tumakas." Sabi ko kaya napatingin si Hydro kay Zero.
"Tama si Rain, kailan nyo ng umalis." Napatingin kami kay Hydro.
"Anong Nyo? Tayo kamo."sabi ni Dark at kinuha ang gamit niya.
"Susundan lamang tayo ng mga kalaban kapag sumama ako, kailangan may isa sa atin ang maiwan para linlangin ang kalaban at ako na ang gagawa non." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ni Zero.
"Pero Hydro--"
"Nais mong makita ang babaeng nasa panaginip mo hindi ba?" Tanong ni Hydro kay Zero na hindi sumagot.
"Kailangan mong mabuhay para makita siya Zero, kaya sige na, umalis na kayo. Ako na ang bahala sa kanila." Sabi ni Hydro.
"Hydro..."
"Tara na, malapit na sila." Sabi ko kaya tumingin sila sa akin saka muling binalik kay Hydro ang paningin nila, ngumiti si Hydro kay Zero saka ito niyakap.
"Hanggang sa muli kaibigan." Sabi ni Hydro, kinuha ko na ang gamit ko saka nilingon sila Dark at Zero.
"Kailangan nating mag hiwalay." Sabi ni Dark.
"Sasamahan ko si Zero, Rain sa kanan ka dumaan." Sabi niya kaya tumango ako at agad na nag lakad papunta sa dereksyon na sinabi ni Dark, pero agad din akong napatigil upang mag tago sa malaking puno, nakita ko pa kung paano tumakbo palayo sila Dark at Zero kay Hydro. Naiyukom ko ang palad ko ng makita ko si Hydro na naka ngiti sa nag lalakad palayong si Zero.
Bakit ba mahalaga para kay Hydro na iligtas si Zero? Isang masamang nilalang si Zero, binaboy niya ako.
Pikit mata akong nag tago sa likod ng puno habang naririnig ko kung paano dumaing si Hydro sa sakit na ginagawa ng mga kalaban namin. Tinakpan ko ang aking labi upang pigilan ang pag gawa ng ingay, patuloy sa pag tulo ang aking luha.
I'm sorry Hydro.
Dahan dahan kong sinilip ang dereksyon ni Hydro at mas lalong nanikip ang puso ko ng makita ko ang katawan niyang naka hilata sa lapag habang ang mata niya ay naka bukas at parang naka tingin sa akin.
"Sorry..." Bulong ko sa hangin habang naka tingin kay Hydro. Nang maka alis ang kalaban namin sa lugar kung nasasaan ang katawan ni Hydro ay agad akong lumapit at umiiyak na pinikit ang mata ni Hydro.
"I'm Sorry." Sabi ko habang hawak hawak ang kamay ni Hydro. Huminga ako ng malalim at napatingin sa dereksyon kung saan dumaan sila Zero at Dark.
"Kasalanan ni Zero kung bakit ka namatay."Sabi ko at tinignan ang katawan ni Hydro.
Huminga ako ng malalim saka tumayo at agad na trumakbo papunta sa dereksyon kung saan nag tungo sila Zero, ilang minuto ang lumipas ay tumigil din ako sa pag takbo ng makita ko sila Zero at Dark na may kinakalaban na kalaban.
Agad akong umakyat sa puno at inasinta ang pana ko.
Tinignan ko muna si Zero na abala sa pakikipag laban kasama si Dark.
"Binaboy mo ako." Sabi ko sa sarili ko at binanat ang bow string ng pana ko saka tinutok sa dereksyon ni Zero ang palaso.
"Patayin niyo si Zero kung sakaling may balak siyang gawin para maipatalo ang Moonlight."
Mas lalong sumidhi ang galit na nararamdaman ko kay Zero ng maalala ko ang sinabi ni Mr Steler.
"Pasensya na, pero kailangan mo ng mawala." Pag kasabi ko non ay binitawan ko ang bow string at pinakawalan ang palaso sa gawi ni Zero. Nakita ko kung paano ito bumaon sa likod ni Zero patagos sa kanyang dibdib. Agad kong naiyukom ang aking palad ng makaramdam ako ng awa at pag sisisi.
"Zero!" Dinig kong sigaw ni Dark at sinalo ang katawan ni Zero, sa hindi ko alam na kadahilanan ay bigla na lamang tumulo ang luha ko habang naka tingin kay Zero.
Bakit hindi ako masaya na pinatay ko si Zero? Naipag higanti ko si Hydro at naipag higanti ko ang sarili ko sa ginawa niyang pambababoy sa akin. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Imbes na sumaya ako ay nalulungkot ako.
"Inunahan mo kami." Lumingon ako sa nag salita, sa likod ng puno na kinatatayuan ko ay naka tayo sila Shadow at Red.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Red, agad kong pinunasan ang luha ko at muling tumingin kay Zrero na nag aagaw buhay.
"Hindi ko alam." Sabi ko habang nakatingin kay Zero, muli kong binalik ang tingin ko sa dalawa.
"Tama lang ang ginawa mo." Malamig na sabi ni Red. "Makakasagabal lang siya sa pag kakapanalo ng Moonlight." Sabi niya saka ngumiti sa akin.
"Nakokonsensya ka ba?" Tanong ni Shadow sa akin, hindi ako sumagot.
"Paano kapag nalaman nila Admiral, Admin at Mrs Steler na pinatay ko si Zero?" Tanong ko. Tumingin si Shadow sa likod ko.
"Hindi naman nila alam na inutusan tayo ni Mr Steler na patayin si Zero." Dagdag ko. Tumingin sa akin si Shadow.
"Wala kang kasalanan." Sabi ni Shadow.
"Pero ako ang pumatay--"
"Hindi ikaw ang pumatay kay Zero." Putol ni Shadow sa sasabihin ko.
Natigilan ako habang nakatingin sa kanya.
"Si Dark ang pumatay kay Zero." Naiyukom ko ang palad ko sa sinabi niya.
"Kapatid mo si Dark, bakit siya--"
"Pinatay niya ang magulang namin, Rain"Sabi niya at tumingin sa akin.
"Kaya siya ang sisisihin natin sa pagka matay ni Zero."Sabi ni Shadow kaya muli akong napatingin sa gawi nila Dark at Zero, nakita ko kung paano iyakan ni Dark si Zero. Muli na naman akong kinain ng konsensya ko habang nakatingin sa kanya.
I'm Sorry.
~~~~~
Tweet me
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...