Kinabukasan ay maaga kaming nagising upang mag handa ng mga gamit na aming dadalhin sa Arena, Limang araw na lamang ay Laban na namin ngunit pinapapunta na agad kami sa Arena upang doon ay makilala namin ang mga makakalaban namin at upang makapag ensayo ng maigi.
"Ayus na ba ang lahat?" Tanong ni Admiral sa amin ng makalabas kami sa elevator. Tinulungan ako ni Shadow sa pag labas ng bag ko sa elevator.
"Nasan nga pala si Star?" Tanong ni Rain. Napatingin kami sa hagdan ng may marinig kaming takbo pababa.
"May multo sa kwarto ko!" Kinakapos sa hiningang sabi ni Star. Napakunot ang nuo namin at natawa dahil sa itsura niya, halatang bagong gising palang siya at mukhang di pa niya naaayus ang gamit niya.
"Anong multo pinag sasabi mo Star, walang ganon dito."sabi ni Ice.
"Totoo nga!" Takot na takot na sabi ni Star at hinawakan pa ag kamay ko, malamig ang kanyang kamay at kabado.
"L-lumutang bigla yung gamit ko sa taas, hindi ko alam kung bakit!" Tarantang sabi niya.
"Panaginip lang yun Star. Tignan mo nga sarili mo, hindi ka pa nakaka ayus. Iiwan ka na namin." Sabi naman ni Shadow.
"Nga naman, halatang bagong gising ka lang."sabi ni Cloud. Natawa nalang kami kay Star na halatang hindi mataanggap na hindi namin siya pinapaniwalaan. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala ang sinabi niya. Imposible na magkaruon ng multo dito.
"Ano pang ginagawa mo Star, umakyat ka na sa kwarto mo at mag bihis."sabi ni Shadow. Napa lunok siya at napa tingin kay Admiral.
"Admiral p-pwede po bang ganito nalang ako?"kabadong tanong ni Star. Umiling si Admiral dahilan para manghina si Star.
"Mag ayus ka na para ka namang bakla."sabi ni Red.
"Samahan niyo ko." Parang batang sabi niya kaya mas lalo akong natawa.
"Tara samahan na kita." Sabi ko, nakita ko naman ang pagiging komportable ng kanyang mukha. Nauna akong mag lakad papasok sa elevator kasunod siya, bago mag sara ang elevator ay bigla niya akong kinausap.
"Napanaginipan kita."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero, wag na wag kang lalayo kay Shadow sa araw ng game."sabi niya bagay na kina kunot ng nuo ko.
"May isang.... Isang tao akong nakita na hindi naman kasali sa game pero makikisali sa laro." Dagdag niya.
"Kabaliktaran lahat ng mangyayare sa panaginip Star."sabi ko, tumingin siya sa akin.
"Nakakausap mo pa ba si Zero?"tanong nya bagay na kinatahimik ko. Hindi ko na siya nakakausap simula ng umamin ako sa kanya.
Umiling ako at tinuon ang tingin sa harap ng elevator. Napuno ng katahimikan ang elevator, hanggang sa pag labas namin ay tahimik lamang kami.
Natigil kami sa pag lalakad ng makatapat na namin ang kwarto niya.
"Mauna kang pumasok, alam ko na hindi ako namamalik mata sa kanita ko kanina."sabi niya puno ng takot ang mukha. Natawa ako at binuksan ang pinto saka pumasok sa loob.
Nilibot ko ang tingin ko at tinalasan ang pakiramdam upang malaman kung may kasama ba kami pero wala.
Tumingin ako sa gawi ni Star.
"Maligo ka na, hihintayin kita dito."sabi ko. Natatakot parin siyang pumasok kaya natawa ako.
"Star, pumasok ka na. Walang multo dito."sabi ko pero namumutla siya habang naka tingin sa likod ko kaya napatingin ako doon pero wala naman akong nakita.
Muli kong binalik ang tingin ko kay Star.
"Star, pumasok ka na. Mahuhuli tayo niyan, dadating na ang sundo natin."sabi ko kaya naman dahan dahan siyang pumasok at nilibot ang tingin.
"Walang Multo Star, maligo ka na. Hihintayin kita dito, ako na ang mag aayus ng gamit mo."sabi ko. Tumango tango naman siya at agad na kinuha ang gamit saka nag punta sa cr ng kwarto niya.
Agad ko namang kinuha ang maleta niya at inayus ang ilang gamit na naka patong na sa higaan niya.
"Moon." Napatingin ako sa likod ko ng marinig ang isang pamilyar na boses pero pag tingin ko don ay walang tao. Agad na kumabog ang dibdib ko dahil iisang nilalang lamang ang gumagawa nito.
Gaya ng inaasahan ko ay may dalawang beses na kumalabit sa balikat ko at pag tingin ko don, agad na tumulo ang luha ko ng makita si Zero na naka tingin sa akin ng seryoso. Ang mga maya niya ay puno ng lungkot bagay na mas nag paiyak sa akin.
"Zero...." Akmang yayakapin ko siya ng bigla siyang lumayo sa akin. Napatingin siya sa purselas na suot ko kaya napatingin din ako dito.
Ano bang meron?
"Moon?" Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Star at nakita si Shadow na naka ngiti.
Muli kong nilingon si Zero pero halos manghina ang tuhod ko ng makitang wala na sya doon.
"Moon, ayus ka lang ba?"tanong ni Shadow habang papalapit sa akin. Agad kong pinunasa ang luha ko at nakangiting tumingin sa kanya.
"Bakit parang umiyak ka?"tanong niya, umiling ako at natawa.
"Tears of joy." Pag sisinungaling ko. Natawa siya at pinakita sa akin ang hawak niya.
"Nakita ni Ice sa sala kanina, naiwan siguro ni Star kaya ako na nag dala dito."sabi niya at nilapag ang favorite na kwintas ni Star.
"Nasan na si Star?"tanong niya.
"Naliligo na." Sabi ko at pinag patuloy ang pag aayus ng gamit ni Star.
Napatingin ako sa bintana ng kwarto ni Star kung saan may katapat itong puno. Napalunok ako ng makita na naruruon si Zero nakaupo habang nakatingin sa akin ng malungkot.
Gusto kong basahin ang iniisip niya pero hindi ko mapasok ang isipan niya, gusto kong basahin ang emosyon niya pero may kung anong pumipigil sa akin para gawin yun.
Zero, bakit ka ba lumalayo sa akin?
Pinapahirapan mo ko. Pinapahirapan mo ang sarili mo. Pinapahirapan mo ang tayo.~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...