MoonLight Academy 99

12.2K 236 20
                                    

Play Arcade by Durcan Laurence

Moon POV

Nagulat ako ng sampalin ako ni Fly at biglang sakalin, kumunot ang nuo ko ng makita ko ang mukha niyang duguan at galit na galit.

"F-Fly..." Tawag ko sa kanya dahilan para mag bago ang awra niya at dahan dahan niya akong ibaba at tanggalin ang pag kakasakal sa akin.

"Moon.." Malumanay niyang tawag sa akin, kumunot ang nuo ko at napatingin sa paligid, anong nangyayare? bakit ang gulo ng paligid? nasa Moonlight ba kami? bakit ganito ang paligid? halos hindi ko makilala ang paligid sa sobrang gulo.

"Ikaw na ba yan?" Tanong ni Fly at tumingin sa likod niya.

"Rain.." dinig kong tawag niya sa pangalan ni Rain kaya napa tingin ako sa likod niya, napa atras ako ng makita ko si Rain na naka tingin dito habang naka luhod at may tumutulong dugo sa labi.

"Rain.." Tawag ko, dahan dahan niyang inangat ang kaliwang kamay niya at mula dito sa aking kina tatayuan ay nakita ko ang maliit na pendant ng kwintas na hawak niya at halatang basag ito.

Ngumiti siya sa amin ni Fly, sumunod kong tinignan ang dalawang taong nasa likod niya. Si Admin na madilim ang awra at si Red na nagulat at halatang walang alam sa nangyayare. Agad tumulo ang luha ko ng makita ko kung paano napahiga si Rain habang naka tusok sa kanyang likod ang dalawang spada.

"RAIN!" Sigaw ko at agad na kinumpas ang palad ko para ilayo si Admin kay Rain, sabay kaming tumakbo ni Fly papunta sa tabi ni Rain na nang hihina. Agad kong inalalayan si Rain at hinarap sa akin.

"Rain..." Tawag ko sa kanya saka inayus ang buhok niyang naka harang sa duguan niyang mukha, isang nang hihinang ngiti ang ibinigay niya sa akin saka hinawakan ang pisngi ko.

"Taposin mo na...Moon." Sabi niya at huminga ng malalim saka dahan dahang pinikit ang mata, umiling ako at sunod sunod na pumatak ang luha ko habang hawak hawak ang katawan niya.

"Rain... Rain ibukas mo ang mga mata mo." Sabi ko at niyakap siya.

"H-Hindi ko... sinasadya.." Gulat at umiiyak na sabi ni Red habang nanatiling naka tingin sa amin at sa katawan ni Rain.

"H-hindi ko alam kung... kung bakit may hawak akong spada.." Sabi niya at napa upo.

"R-Rain.." Nanginginig niyang tawag kay Rain at napa dapa sa lupa habang umiiyak.

"RAIN!" Napalingon kami sa tumawag ng pangalan ni Rain, si Star. Dali dali siyang nag tungo sa gawi namin at inagaw sa akin ang katawan ni Rain.

"Rain.. Rain gumising ka.." Sabi ni Star at mahigpit na niyakap si Rain. Napa tingin ako sa langit ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Rain.." Tawag ko sa pangalan niya saka napatingin kay Fly.

"Taposin na natin ito." Sabi ko kaya tumingin sa akin si Red at Fly, tumango si Fly at tumayo kaya naman tumayo na din ako at akmang mag lalakad ng biglang may umakap sa akin sa likod. Nanlaki ang mata ko ng makarinig ako ng limang sunod sunod na pag baril, mas lalong nanigas ang katawan ko ng humigpit ang pagkakayakap sa akin ng nilalang na nasa likod ko.

Tila nag slow motion ang lahat ng humarap ako sa yumakap sa akin, mas lalong nanikip ang dibdib ko ng biglang matumba si Red sa harap ko habang naka tingin sa akin.

"R-Red.."

"RED!" Napatingin ako sa taong gumawa non at nakita si Admiral na katabi ni Admin.

Agad kong naiyukom ang palad ko ng muli syang mag pakawala ng bala mula sa gawi ko, ngunit umilag lamang ako dito at dahan dahang lumapit sa kanila.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon