Moon POV
Tahimik lamang ako habang nakatingin kila Admiral at admin na nag uusap, pinag uusapan nila ang pag dating ni Hasreffa dito ngayun. Ngayun na ang araw kung saan kailangan kong gawin ang pinag usapan namin ni Admiral at admin.
Huminga ako ng malalim, ni hindi ko pa alam kung nasasaan sila Dark, ang sabi lamang ni Shadow sa akin ay padating na sila.
Speaking of Shadow, huling usap namin kahapon ay ang tungkol sa pag kuha niya sa pekeng ala ala niya at ang pag patay niya kay Vision, inamin niya sa akin na siya ang pumatay kay Vision dahil alam niya na ipapatawag ni Admiral si Vision para alamin kung sino ang kumuha ng ala-ala niya.
Isa daw kasi sa kapangyarihan ni Vision ay ang makita ang naganap sa nakaraan, kaya napilitan siyang patayin si Vision dahil kontrolado na din daw ni Admiral si Vision.
"Moon." Napukaw ang pag iisip ko at napatingin sa tumawag sa akin, si Admiral. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Handa ka na ba?"tanong niya, tumango tango ako.
"Ipapatawag ka nalang namin mamaya kapag dumating na ang sasakyan ni Hasreffa." Sabi ni Admiral kaya tumango ako at nag lakad palabas sa office nila. Huminga ako ng malalim ng isara ko ang pinto ng office nila saka nag lakad, nag tungo ako sa rooftop ng Building namin at doon ay nag muni muni.
Madaming pumapasok sa isip ko, kagaya na lamang ng paano kung mahuli sa pag dating sila Dark? Paano kung mautusan ko na si Hasreffa na buhayin si Zero? Alam kong gusto ng lumagay ni Zero sa tahimik na lugar, alam kong ayaw niya ng bumalik dito dahil sobrang gulo lamang.
"Kanina pa kita hinahanap." Napatingin ako sa nag salita, ngumiti ako sa kanya saka muling binalik ang paningin ko sa langit.
"Ilang saglit na lamang ay darating na si Hasreffa." Sabi ko, umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin.
"Sigurado akong may magandang plano sila Dark para matapos ang gulo na ito." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Anong pakiramdam?" Tanong ko kaya umiwas siya ng tingin. " Anong pakiramdam na makalaya ka sa pekeng ala-ala na binigay nila?" Tanong ko kay Shadow. Huminga siya ng malalim saka tumingin sa langit.
"Masaya,Malungkot at masakit." Sagot niya habang naka tingin sa langit. "Sa loob ng dalawang taon nabuhay ako sa maling ala-ala na binigay nila sa akin, sa loob ng dalawang taon napuno ang puso ko ng galit laban sa kakambal ko dahil sa ala-alang binigay nila sa akin." Sabi niya saka tumingin sa akin.
"Isa na akong halimaw Moon, nagawa kong sisihin ang kakambal ko sa isang bagay na hndi naman niya ginawa, nagawa ko siyang saktan at ninais na patayin dahil sa ginawa nila sa akin." Agad kong hinawakan ang kamay niya saka ngumiti sa kanya.
"Hindi ka halimaw Shadow, biktima ka lang din gaya ni Rain at Red, ganon na din ang ilang studyante dito." Sabi ko at huminga ng malalim habang hawak hawak ang kamay niya.
"You still my Moon, even if i'm not yours." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yan, lumingon siya sa akin na may ngiti sa labi.
"I know, this is not the right time para sabihin ito, pero habang papalapit ang mga araw na magaganap ang pinaplano niyo, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Hindi ko maiwasan na hindi mag alinlangan, na baka bukas hindi ko na masasabi ang mga salita na nais kong sabihin sayo." Agad akong kinabahan sa sinabi niya.
"Moon, i know that until now, you haven't finish the book you love the most." Naka ngiti niyang sabi at hinalikan ang kamay kong naka hawak sa kamay niya. "That's why i'm letting you go." Tumulo ang luha niya sa kanyang mata dahilan para maging emosyonal ako.

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...