MoonLight Academy 55

12.8K 278 6
                                        

"Ayun sila." Sabi ni Star at tinuro ang isang puno. Agad akong naka ramdam ng galit ng makita ko si Rain na naka sabit sa puno habang walang malay, sa ibaba niya ay si Ice na duguan at wala ding malay.

"Tangina, anong ginawa nila sa kanila?"galit na tanong ni Red. Nag tatago kami sa malaking damo habang naka tingin sa isang malaking puno kung saan naka sabit ang dalawa.

Walang nag babantay, kaya kataka taka.

"Hindi tayo pwedeng sumugod agad."sabi ko kaya tumingin sa akin si Shadow.

"Anong plano?"tanong niya, tumingin ako sa paligid at talagang walang bantay, kataka taka ang tahimik na paligid.

Hindi basta basta iiwan ng mga Castro ang bihag nila maliban nalang kung may plano sila.

"Siguro akong may plano ang mga Castro kaya wala silang bantay."sabi ko. Saka sinuri ang paligid.

"Maaaring may trap sa paligid, hindi din natin alam ang mga kakayahan nila."sabi ko, tumingin sa akin si Red.

"Kung ikaw kaya maging pain namin?"tanong nito sa akin na kina kunot ng nuo ko.

"Pumunta ka don sa harap tapos kapag lumabas sila mag pahabol ka, aabangan kita sa lugar na yun."sabi ni Red at tinuro ang isang kakahuyan. "Habang sila Star at Cloud papakawalan nila sila Rain, si Shadow naman pag nag paapoy na ako, ikukulong niya sa dilim ang mga taga Castro."sabi ni Red, napa lunon ako at napa tingin sa mga kasama ko na halatang sang-ayon sa desisyon ni Red.

Tumango ako bilang pag payag sa nais ni Red, kahit na may nararamdaman akong takot sa gagawin naming plano.

"Bilisan mo tumakbo, pupwesto na kami."sabi ni Red saka tumalikod.

Tinapik ni Shadow ang balikat ko.

"Galingan mo."sabi nito at ngumiti saka sumunod kay Red. Tumingin ako kila Star at Cloud na naka tingin sa akin.

"Ready ka na?"tanong ni Star, tumango ako saka tumayo at normal na nag lakad palapit kila Rain.

"Rain.." tawag ko, naramdaman ko ang pag galaw ng paligid ko, pero hindi ko ito pinansin.

"Rain..." Patuloy na tawag ko kay Rain at akmang lalapitan ito ng lumitaw mula sa harap ko ang isang lalaking taga Castro saka ako sinuntok. Napa daing ako sa sakit pero hindi ko ito masyadong ininda, lumaban ako sa bawat pag suntok niya ng may lumitaw ulit na isang taga Castro sa likod ko at hinampas ako ng hawak nitong kahoy.

Agad akong nanghina dahil sa lakas ng pagkaka hampas nito sa akin, napatingin ako kila Star na akmang pupunta dito pero agad akong umiling para sabihin na wag silang tumuloy.

"Ang captain ng Moonlight."naka ngising wika ng isang babaeng kararating lamang kasama ang isa pang kasamahan nila. Apat silang taga Castro ang nasa harap ko, pag kakataon na ito para ilagay sila sa Trap.

Buong lakas akong tumayo at mabilis na tumakbo papunta sa tinuro ni Red.

"Wag nating pakawalan!"sigaw ng captain nila kaya naman gaya ng nasa plano, ang apat ay hinabol ako. Kahit masakit ang katawan ko dahil sa nakuha kong bugbog sa dalawa kanina ay pinilit ko paring tumakbo ng mabalis.

Nasaan na ba sila?

Napa talon ako ng bigla na lamang sumabog ang lugar sa likod ko. Napa upo ako at nakita si Red na kinulong sa bilog na malaking apoy ang apat habang si Shadow naman ay pinadiliman ang loob ng bilog.

"Tumayo ka jan Bilisan mo."sabi ni Red kaya naman pilit akong tumayo, nagulat kami ng biglag maging kulay asul ang apoy ni Red at lumabas don ang captain ng Castro.

"Tangina."mura ni Red saka nag bato ng malaking apoy sa gawi ng captain ng Castro pero bigla itong nawala.

Napa iwas kami ng biglang binalik sa amin ng captain ng castro ang ginawang pag bato ni Red sa apoy.

"Kailangan na nating umalis, nakawala na sila."sabi ni Shadow kaya napatingin ako sa bilog na ginawa ni Red at nakitang wala na ito, nakalabas na ang tatlong kasamahan ng captain ng castro.

Akmang tatakbo na kami ng bigla kaming umangat sa ere at naramdaman ang pag sikip ng pag hinga.

"H-ayop!"sigaw ni Red at pilit na kumawala, napatingin ako sa kumokontrol sa amin at nakita ang lalaking sumuntok sa akin kanina.

"Mukhang mawawala pa sa laro ang Moonlight ah." Naka ngising sabi ng isang babaeng kasama ng Captain nila.

"Hindi ko mautusan ang kapangyarihan ko."sabi ni Shadow.

"Sa paanong paraan niyo nais mamatay?"tanong ng isang lalaking kasama ng sumuntok sa akin kanina.

"Pakawalan niyo sil--"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mula sa likod ng mga Castro ay dumating sila Dark na agad sinugod ang mga Castro. Nahulog kami sa baba ng mawala sa konsentrasyon ang komokontrol sa amin kanina.

Kinuha ko ang pagkakataon na ito para panain ang dalawang lalaking bumugbog sa akin kanina, sabay sa pag baon ng palaso sa katawan ng isang lalaki ang pag baon ng hawak na patalim ni Dark, napatingin sa akin si Dark habang naka ngiti saka kumindat.

Nag patuloy sa pakikipag basag ulo ang Leviticus at Castro, habang kaming tatlo ay hinahabol parin ang hininga namin.

"Sa likod mo!" Sigaw ko kay Dark at agad na kinumpas ang kamay ko dahilan para biglang sumabog ang katawan ng lalaking taga Castro na may balak saksakin si Dark.

Napa lunok ako ng mag kalat ang lamang loob ng lalaking iyon. Napatingin ako sa kamay ko at sa mga kasama ko na nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

Natigil ang kaguluhan ng mapatay ng mga Leviticus ang ilan sa mga castro, tumingin sa akin si Dark na may talsik ng dugo sa mukha.

"Kadiri yun ah."sabi ni Dark at inalok ang kamay niya sa harap ko para tulungan akong tumayo. Kukunin ko na sana ito ng tutukan ni Shadow ng spada si Dark, agad naman naalarma ang mga kasama ni Dark at sabay sabay na itinutok kay Shadow ang mga hawak nitong sandata.

Natawa si Dark at sumenyas sa mga kasama niya na ibaba ang hawak nila.

Mag isa akong tumayo at tumingin kay Shadow na naka tutok parin ang spada kay Dark.

"Ibaba mo yan." Sabi ko, napatingin sa akin si Shadow.

"Pagkakataon na natin para patayin sila Moon."sabi ni Shadow kaya napa kunot ang nuo ko.

"Tinulungan nila tayo."sabi ko.

"Kaaway parin sila."dagdag ni Red na naka handa ang apoy.

"Kung di dahil sa kanila malamang ay patay na tayo."sabi ko.

"Kinakampihan mo ba sila Moon?"tanong ni Shadow, napatingin ako kay Dark na swabe lang ang awra. Umiling ako at huminga ng malalim.

"Tatatlo lang tayo, anim sila, kapag pumalag tayo, talo tayo. Sugatan pa sila Rain at Ice, sa tingin nyo ba kaya nila Star ang dalawa?"tanong ko. Asar na binaba ni Shadow ang hawak nitong spada saka tumingin kay Dark.

"Hindi ako mag papasalamat sa inyo."sabi ni Shadow at tumalikod.

"Eh di Don't." Pang aasar ni Dark kaya agad ko siyang siniko, sumunod si Red kay Shadow habang ako ay naiwan kasama sila Dark.

Tumingin ako sa mga kasama niya na nakatingin sa akin.

"Salamat."sabi ko, ngumiti sila.

"Totoo nga yung sinabi ni Dark."sabi ng isang babae na may kulay kahel na buhok.

"Malakas ka nga." Dagdag nito kaya natawa ako.

"Kailangan ko ng sumunod sa kanila."sabi ko at tumingin kay Dark na nakatingin sa akin habang naka ngiti.

"Kinikilig ka ba sa swabeng pag liligtas ko sayo?"tanong ni Dark, napa irap ako.

"Quits na tayo."sabi ko saka siya sinuntok sa dibdib at nag lakad palayo sa kanila.

"Yung sugat mo gamutin mo!" Sigaw ni Dark kaya napatigil ako sa pag lalakad at tumingin sa kanya, naka ngiti siya ganon din ang mga kasama niya.

"Bukas yung zipper mo."sabi ko kaya agad siyang napatingin siya Zipper niya at napa takip ng mukha. Natawa ako at muling nag lakad palayo sa kanila.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon