MoonLight Academy 75

12K 256 23
                                    

Moon POV

"Hanggat hindi pa sinasabi ni Admiral na pwede mo na siyang patayin ay hindi mo pa siya pwedeng galawin." Sabi ni Shadow sa akin, naka tingin lamang ako sa kanya. Kaming dalawa lamang ang naririto sa corridor, kakatapos lamang ng aming klase. Tumingin siya sa akin.

"Bakit?" Tanong niya ng mapansing titig na titig ako sa kanya.

"Kaano ano mo si Dark?" Tanong ko na nag patigil sa kanya, Biglang nag bago ang awra niya, naging malamig ang kanyang mga mata at napayukom ang kanyang palad.

"Ayus lang naman kung hindi mo sasabihin." Sabi ko at ngumiti sa kanya, Tumalikod ako para sana mag lakad na papalayo sa kanya ng mag salita siya.

"Kakambal ko siya." Sabi niya na nag patigil sa akin, tumingin ako sa kanya at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa malayo.

Kakambal niya si Dark? kung ganon, bakit payag siya na patayin si Dark? Bakit malaki ang galit nya kay Dark?

"Simula pagka bata siya na ang pinaka magandang nangyare sa mata nila mama at papa." Sabi niya at kitang kita ko ang selos sa kanyang mata. "Para sa kanila siya ang pinaka magaling at pinaka malakas, lagi nila akong pinag kukumpara sa kanya." Sabi niya kaya napalunok ako.

"Pero hindi yun sapat na basehan para sumang ayun ka na patayin si Dark." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Alam ko." sabi niya at umiwas ng tingin. "Pero pinatay niya ang magulang namin Moon." Sabi niya dahilan para mapatitig ako sa kanya. Pinatay ni Dark ang magulang nila? Imposible.

"Kitang kita ko kung paano niya gilitan sa leeg ang ama namin." Nakita ko ang pag tulo ng luha niya, "Kitang kita ko kung paano niya paslangin ang magulang namin Moon." Sabi niya, kaya lumapit ako sa kanya para yakapin siya.

"Hindi ko maintindihan, bakit para sa kanya parang wala lamang ang lahat ng iyon." Dagdag niya at nag patuloy sa pag iyak.

"Lahat, ginawa ng magulang namin para palakihin kami ng maayus, pero hindi ko alam kung bakit niya ginawa ang lahat ng iyon Moon." Sabi niya, tumingin ako sa kanya at pinunasan ang luhang tumutulo sa kanyang mata, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko lubusang akalain na kayang gawin ni Dark ang mga sinasabi niya.

"Kaya ganon na lamang ang aking galit sa kanya Moon." Sabi niya at tumingin sa akin. "Simula ng masaksihan ko ang lahat ng iyon.... itinakwil ko na siya bilang kapatid ko." Dagdag niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para sa hindi na siya maging malungkot, ito lamang ang unang beses na makita ko siyang naging ganto. Ito lamang ang unang beses na masaksihan kong lumuha siya. At maski ako ay hindi makapaniwala na kayang patayin ni Dark ang mga magulang niya.

Ganon na lamang ba kasama si Dark? pati sarili niyang magulang ay nagawa niyang paslangin, pati si Zero nagawa niyang patayin. Mas hayop pa siya sa hayop dahil sa ginawa niya,

"Tahan na." Sabi ko habang pinupunasan ang luha ni Shadow.

"Ipag hihiganti natin ang mga magulang mo." Sabi ko habang nakatingin sa kanya, napatingin siya sa akin. "Bibigyan natin ng katarungan ang pagka matay ng magulang mo." Dagdag ko at tumingin sa malayo, mag babayad si Dark sa mga ginawa niya.

Kinagabihan ay pinatawag ako ni Admiral para kausapin tungkol sa plano.

"May ilan tayong babaguhin sa plano Moon."sabi ni Admiral habang naka upo.
Naka tingin lamang ako sa kanya, nasaan si Admin?

"Ang inaasahan nating pag dating ni Hasreffa ay na delay kaya naman, babaguhin natin ang plano."sabi ni Admiral at tumayo saka nag lakad palapit sa akin saka tumabi sa tabi ko at ngumiti.

"Sa lingo ang dating ni Hasreffa dito, kaya naman ang plano nating utusan siyang buhayin si Zero ay imomove natin sa Tuesday, dadating sila Mr and Mrs Steler para makasama sila sa gagawing pag buhay kay Zero." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi mo pwedeng galawin si Dark hanggat hindi pa nabubuhay si Zero Moon."

"Okay."yan lang ang sinabi ko sa kanya saka tumayo, tumingin siya sa akin.

"Nasaan si Admin?"tanong ko. Nag kibit balikat siya.

"May inaayos."sago niya.

"Mag papahinga na ako."sabi ko at tumalikod sa kanya.

"Moon." Napatigil ako sa pag lalakad ng tawagin niya ako.

"Hindi ka naman sisira sa usapan hindi ba?"tanong ni Admiral, napapikit ako at lumingon sa kanya.

"Pinatay ni Dark ang magulang nila ni Shadow."sabi ko kaya nag katinginan sila. "Hindi ako sisira sa usapan dahil ipag hihiganti ko si Zero at ang mga pinaslang ni Dark."dagdag ko saka muling tumalikod sa kanya.

Nag patuloy ako sa pag lalakad palabas ng office niya, nang makalabas ako ay nag simula ako mag lakad papunta sa dorm ngunit napatigil din ako agad ng makita ko ang building ng mga Steler.

Nakatitig lamang ako sa pinto nito, may kung ano sa akin ang nag sasabi na pumasok ako doon pero napailing ako at huminga ng malalim.

Kila admiral lamang dapat ako maniwala, malamang ay nililinlang lamang ako nila Dark at Fly.

Tinalikuran ko ang building na iyon at akmang mag lalakad ng muli akong mapatigil.
Agad akong nag tago sa likod ng puno ng makadinig ako ng mga yabag papunta sa entrance ng building ng mga Steler

Napakunot ang nuo ko ng makita ko si Admin na may hawak na isang kahon at sa loob nito ay may umiilaw, dahil sa may salamin na suot si Admin ay nakita ko ang ilang emahe na lumalabas sa ilaw.

Mas lalong napakunot ang nuo ko ng makita ko ang sarili ko na nandoon habang kaharap si Zero, lumabas ako sa pinag tataguan ko ng makalayo sa akin si Admin, akmang susundan ko na siya ng may humila sa akin pabalik sa puno.

Kunot nuo kong pinag masdan kung sino iyon, agad ko itong tinulak palayo sa akin.

"Hindi mo siya pwedeng sundan."sabi ni Dark habang nakatingin sa akin. Tumingin ako kay Admin na pumasok sa loob ng building ng mga Steler.

Masama kong tinitigan si Dark.

"Bakit mo ako pinigilan?"galit kong tanong.

"Dahil trespassing ang gagawin mo at isa sa batas ng Moonlight ang bawal pumasok sa loob ng building ng mga Steler." Sabi niya agad ko siyang sinugod at sinakal, tila nagulat naman siya sa ginawa ko kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya.

"Pinatay niya ang mga magulang namin Moon."

"M-Moon." Nang hihina niyang sabi.

"Pinatay niya si Zero."

"M-moon.."

"Hindi mo pa pwedeng galawin si Dark hanggat hindi pa nabubuhay si Zero."

Marahas kong binitawan si Dark saka lumayo sa kanya, kita ko ang takot sa kanyang mga mata bagay na nag palunok sa akin.

"Ginagawa ka nilang halimaw Moon."

Napatingin ako sa kamay kong nanginginig, saka ko muling tinignan si Dark.

"B-balak mo akong patayin... Tama ba?" Malungkot niyang tanong. Hindi ako sumagot, tumalikod lamang ako sa kanya at akmang mag lalakad na palayo sa kanya ng mag salita siya.

"Tama nga si Fly..."sabi niya na nag patigil sa akin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, para akong aatakihin habang nakatalikod kay Dark.

"Ginagawa ka nga nilang halimaw." Naiyukom ko ang aking palad sa sinabi ni Dark.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon