Nang hihina ako ng lumabas kami ni Dark sa portal, hindi pa masyadong gumagana ng maayus ang aking pag iisip matapos ang mga nakita, nadinig at natuklasan ko habang nasa portal kami. Hindi ko lubos akalain na kaya niyang gawin yun, na kaya niyang patayin si Zero.
"Protektahan mo si Moon.."
Napaupo ako ng maalala ang sinabi ni Zero kay Dark, agad na tumulo ang luha ko habang nakaharap sa portal.
"Zero..."
"Moon, kailangan niyo ng umalis jan. Papunta sa building sila Admiral kasama si Shadow at Red, Mukhang alam nila na pumunta kayo jan." Dinig kong sabi ni Fly mula sa radio.
"Moon tara na." Dinig kong sabi ni Dark na nasa likod ko, tumingin ako sa kanya at halata sa kanyang mata ang lungkot.
"Nong... Nong araw na niligtas mo ako mula sa kamay ni Red, nong huling araw ng Laro sa MLA. Yun yung.. dahilan mo kaya kaya humarang at ikaw ang nasaksak ni Red... Tama ba?"tanong ko. Unti unting nag sara ang labi ni Dark at tumango tango.
"Wala na tayong oras Moon, kailangan na nating umalis dito."sabi niya kaya tumayo ako at tumingin sa kaya.
"Salamat." Sabi ko at tumingin sa pinto ng kwarto kung saan naruruon ang portal.
Binuksan na ni Dark ang pinto at tinignan ang labas saka tumingin sa akin.
"Tara na."sabi niya kaya sumunod ako sa kanya.
"Sa kanan kayo pumunta, nasa daan na papunta sa portal room sila Admiral." Dinig kong sabi ni Fly kaya naman agad kaming lumiko sa kanan.
"Bilisan niyo, mag tago muna kayo sa isa sa mga pinto na nanjan."sabi ni Fly kaya tumingin kami sa mga pintong nasa gilid namin.
"Ito." Sabi ko at kinuha ang radyo na hawak ni Dark.
"Nasa harap kami ng pinto na may naka lagay na MR."sabi ko.
"Code number 6." Sabi niya kaya agad inenter ni Dark ang code, agad naman itong nag bukas kaya agad din kaming pumasok sa loob.
Nakahinga ako ng maluwag ng maka pasok kami sa loob.
Tumingin ako sa paligid at kumunot ang nuo ng makita ang nasa harap namin.
"Ano ito?"tanong ko habang nakatingin sa harap.
"Hindi ko din alam."sabi ni Dark habang naka tingin sa harap. Nag lakad ako para lapitan ang mga ito.
Malawak ang paligid, kasing lawak ito ng parking lot ng Moonlight, ngunit may mga shelf ito at sa shelf na ito may mga nakalagay na bilog na umiilaw, sa bilog na ito ay may mga lumalabas na larawan.
"Ito yung nakita kong hawak ni Admin nong isang gabi, ganito ang nakalagay sa kahon."sabi ko at tinignan ang isang bilog.
Sa loob ng bilog na ito ay mag isang studyante ng Moonlight sa harap niya nakatayo ang isang matanda at sinasakal ang isang bata. Kumunot ang nuo ko.
Nag simula akong libutin ang paligid, hanggang sa makarating ako sa isang shelf kung saan may nakalagay na MLA.
"Dark."tawag ko sa kasama ko, tumingin siya sa akin kaya sumenyas ako na lumapit siya sa akin.
"Tignan mo ito."sabi ko habang naka tingin sa isang bilog na nakita ko. Lumapit siya sa akin.
"Shit." Bulong niya habang naka tingin sa bilog kung saan naruruon si Shadow at nasa harap niya naruruon si Dark na pinapatay ang magulang nila.
"Ganito ang paraan na sinabi sa akin ni Shadow, kung paano mo patayin ang magulang niyo."sabi ko at napatingin sa kanya, nakita ko ang pag yukom ng kanyang kamao. Tinignan ko pa ang isang bilog na katabi ng kay Shadow at nakita ko si Red.
Si Red na may kaharap na isang matandang may malubhang sakit.
"Buhay ng lolo ko ang nakataya dito." Muli kong naalala ang sinabi ni Red sa akin noon sa sasakyan ng pauwi na kami galing sa laro.
Itong matandang ito, ang lolo niya?
Sa tabi ng bilog ni Red ay naruruon ang bilog ni Ice na may kasamang bata at halatang masaya silang dalawa, ngunit yung batang kasama niya ay pinatay ng isang lalaki.
Dumapo ang tingin ko sa bilog kung saan nakita ko si Star na nakatayo sa puno, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang sarili ko natumatakbo palayo sa kanila.
Ito yung araw na nag practice kami at tumakas ako para makita si Dark.
Bakit ito nandito?
Sa tabi ng bilog ni Star ay naruruon ang bilog ni Rain, napalunok ako sa nakita ko. Kinuha ko ang bilog at pinagmasdang maigi.
"Hindi ko alam kung para saan ang mga ito."dinig kong sabi ni Dark na nasa tabi ko. "Nong naririto pa ako ay hindi namin nakikita ni Zero ito." Dagdag niya.
Napahigpit ang hawak ko sa bilog kung saan naruruon si Rain.
"Moon umalis na kayo jan!" Dinig kong sabi ni Fly mula sa Radio.
"Moon tara na." Hinila ako ni Dark paalis dahilan para mabitawan ko ang bilog na hawak hawak ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kong may lumabas na itim na usok doon.
"Moon..."
"Anong ginagawa niyo dito?" Sabay kaming napatingin ni Dark sa nag salita. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Admiral at Admin kasama sila Red at Shadow.
Walang emosyon ang mukha ni Red at Admin habang si Shadow ay nakatingin sa akin na may lungkot sa kanyang mata.
"Admiral..."sabi ko at napatingin sa nabasag na bilog.
"What the hell!" Sigaw ni admin at lumapit sa harap ko, tumingin ako sa kanya na nakatingin sa bilog na nabasag. Tumingin siya sa lagayan ng bilog saka tumingin sa akin.
"Hanapin niyo si Rain ngayun na!"sigaw ni Admin, agad namang sumunod sila Red at Shadow. Isang malakas na sampal ang nakuha ko mula kay Admin.
"Moon!" Malakas na tawag ni Dark sa akin kaya napalingon ako sa kanya.
Hawak hawak na siya ng ilang studyante ng Moonlight na sa tingin ko ay kakapasok lamang.
"Dark..."tawag ko sa kanya.
"Bitawan nyo siya!" Sigaw ko kay Admiral na nakatingin lamang sa akin.
"Sabi na nga ba't sisira ka na naman sa usapan Moon."sabi ni Admiral at huminga ng malalim.
"Dalhin sa Moonjail si Dark."utos ni Admiral sa mga studyanteng nakahawak kay Dark.
"Hindi... Dark!" Tawag ko kay Dark, isa na namang malakas na sampal ang nakuha ko mula kay Admin.
"Ang linaw ng usapan Moon."sabi ni Admiral.
"Uutusan mo si Hasreffa at papatayin mo si Dark, bakit ka sumira sa usapan Moon?"tanong nito sa akin."Mga hayop kayo..." Bulong ko.
"Ayaw ko sanang gawin sayo ito ngunit pinilit mo akong gawin ito sayo."sabi ni Admiral at tumingin kay Admin.
"Dalhin mo siya sa Control Room, gawin mo ang nararapat para maging maamo ulit siya sa atin."sabi ni Admiral kaya napatingin ako kay Admin.
"Hindi, hindi ako sasama sa inyo!" Sigaw ko at pilit na tinulak palayo sa akin si Admin ngunit bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking likod ng hampasin ako ng matigas na bagay ni Admiral.
"Pasensya na Moon." Huli kong natatandaan bago dumilim ang aking paligid.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasíaAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...