MoonLight Academy 97

10.1K 182 9
                                    

Dahil sa utos ni Moon, buong Leviticus ay napilitang makipag away sa mga Moonlight na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Moon.
Naka pasok na ako sa Moonlight, at gaya sa labas ay magulo na din dito.

Hinahanap ko ang pekeng ala ala na nilagay nila kay Moon, malamang ay nasa MR Yun o nasa Admiral's office. Pero kailangan ko ng tulong ni Fly para mabuksan ang MR, siya lahat alam niya kaya kailangan ko munang hanapin sila.

Agad akong tumakbo patungo sa dereksyon ng Moonjail. malapit na ako makarating don ng matanaw ko sila na papunta sa gawi ko habang kasama si Shadow, napa ngiti ako ng makita ko ang kakambal ko kaya napatakbo ako at sinalubong ng yakap ang kakambal ko.

"Shadow!" Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit na para bang bata, halatang nagulat siya sa ginawa ko. Pati ako nagulat eh, kaya naman kumalas na ako sa yakap at tumingin sa kanya na nagulat sa ginawa ko.

"HEHEH, pasensya nadala lang ako ng--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng yakapin niya ako dahilan para matigilan ako.

"I'm sorry." Biglang namuo ang luha ko ng marinig ko ang malambing na boses ng kakambal ko, isa lang ibig sabihin nito. Naka wala na sya sa pekeng ala-ala na nilagay nila Admiral sa kanya. Napa ngiti ako at niyakap siya.

"Akala ko sasapakin mo ko ulit." Biro ko kaya napatingin siya sa akin at pinunasan ang mumunti niyang luha na tumulo mula sa kanyang mata.

"Wala na tayong oras, kailangan nating hanapin ang pekeng ala-ala na nilagay nila Admiral kay Moon." Sabi ko kaya kumunot ang nuo ni Shadow.

"Nilagyan nila ng pekeng ala-ala si Moon, hindi pwede yun. Baka utusan niya tayo na patayin ang isa't isa." Sabi ni Shadow.

"Kaya nga, nag kakagulo na sa labas at unahang bahagi ng Moonlight, kaya na nila Hasreffa ang sarili nila, Fly kailangan nating makapasok sa loob ng building ng mga Steler at basagin lahat ng mga pekeng ala-ala na nandon." Sabi ko, tumango siya at nag simulang tumakbo, napatingin ako kay Shadow na akmang susundan na si Fly ng hawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit?" Tanong niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Ipangako mo na lalabas tayong dalawa na mag kasama at babalik kila mama." Sabi ko kaya napa ngiti siya at tumango, ngumiti ako at sabay kaming tumakbo para sundan si Fly.

Naka dating kami sa pinto ng building ng mga Steler, Agad nabuksan ni Fly ang pinto dahil sa alam niya ang code nito, agad kaming tumakbo papunta sa MR room at agad namang binuksan ni Fly ang pinto ng MR, natigilan kami ng makita naming walang laman ang MR. Nagka tinginan kami.

"Sigurado ba kayo na dito nakalagay ang mga pekeng ala-ala?" Tanong ni Rain.

"Oo." Sabay naming sagot ni Shadow kaya nagka tinginan kami.

"Malamang ay nilipat nila ito ng lagayan." Sabi ni Fly at tumingin sa amin.

"Kailangan nating mag Hiwalay sa dalawang grupo, Shadow at Rain, pumunta kayo sa office ng admiral at tignan kung naruruon ang pekeng ala-ala ni Moon, Dark lilibutin natin ang buong building ng mga Steler." Sabi ni Fly kaya tumango kami.

Tumingin akon kay Shadow.

"Mag iingat kayo." Sabi ko sa kanya kaya ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.

Nag simula ng mag hiwalay ang grupo namin ni Shadow, nag lakad kami ni Fly para halughugin ang mga kwarto dito sa unang palapag ng building ngunit wala kaming nakitang bakas ng mga pekeng ala-ala. Sa pangalawang palapag naman ako nag simulang mag halughog at si Fly naman sa pangatlo para mapabilis ang trabaho.

Ngunit naka abot na kami sa pang anim na palapag ay wala parin kaming nakikitang mga pekeng ala-ala.

Pagod akong umupo sa tapat ni Fly na naka tayo at naka tingin sa kawalan.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon