MoonLight Academy 47

12.5K 305 4
                                        

A/n: Play Snowman by Sia.

Napatigil ako sa pag takbo at napa upo saka ibinuhos ang sakit at sama ng loob na aking nararamdaman. Hindi ko wala kung nasasaan na ako, matapos ang pag uusap namin ni Zero ay tumakbo na ako palayo, hindi ko maintindihan kung bakit nais nya na hindi ko ipapanalo ang laro.

"May balak silang patayin ka Moon."

Muli kong naalala ang sinabi sa akin ni Star, napalunok ako at napasandal sa bato na nasa likod ko, masyadong madaming impormasyon ang pumapasok sa utak ko, hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko.

Kapag natalo kami sa laro ay papatayin ako, pero sabi ni Zero wag kong ipanalo ang laro, bakit?

Napaangat ako ng tingin at nakita ang nasa ibaba ng orasan, ilang minuto na lamang ay mag papalit na ang tema ng laro. Tumayo ako at sinimulang mag lakad, pinag masdan ko ang paligid.. Nasaan na ako?

Sa kakatakbo ko ay hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng aking mga paa. Nag patuloy na lamang ako sa pag lalakad hanggang sa biglang lumamig ang paligid, mula sa aking kinatatayuan ay natanaw ko agad ang kulay puting paligid na nasa aking harapan, ang mga puting parang alikabok din ay nahuhulog mula sa langit. Sa paligid ay may mga snowman na naka tayo.

Yelo? snow? winter? Bahagi ba ito ng maze? Akmang hahakbang ako papunta sa gawi ng snowman ng may natanaw ako sa di kalayuan na isang anino ng lalaki. Napatigil ako at agad na hinanda ang aking pana at palaso.

Muli kong pinag masdan ang nasa ibaba ng orasan at nakitang 25 Minutes pa bago mag palit ang tema. Agad akong nag lakad patungo sa likod ng snowman ng mapatigil ako sa nakita ko.

Ang anino ng lalaking iyon ay pamilyar, nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang sa maaninag ko na ang mukha at katawan ng nag mamayari ng anino na iyon.

Agad kong binaba ang pana at palaso ko ng makita si Zero. Anong ginagawa niya dito?

"Moon...." Tawag nito sa akin at napahinto sa harap ko, sinuri ko ang kanyang anyo, ano't tila nag iba ang kasuotan niya? ito ang unang beses na makita ko siyang iba ang suot maliban sa party noon.

"Zero..." Banggit ko sa kanyang pangalan, ngumiti siya sa akin pero hindi ito gaya ng ngiti na lagi kong nakikita sa kanya. Bakit parang hindi pamilyar ang mga ngiti niya?

"Moon, mahal ko...." Napatigil ako sa sinabi niya, agad na nag seryoso ang aking awra. Kelan niya pa ako tinawag na mahal ko?

May mali dito, iba ang pakiramdam ko sa Zero na kaharap ko. Hindi din bumibilis ang pag tibok ng puso ko.

"Hindi ka ba masaya na nasa harap mo ako mahal ko?"Tanong sa akin ni Zero. Ngumiti ako at lumapit sa kanya saka hinawakan ang pisnge niya. Malamig ang pisnge niya. Bagay na kahit kailan ay hindi ko naramdaman kay Zero, may takot na dumadaloy sa aking katawan pero hind ko ito pinansin. Hinwakan ko ang kanyang kamay at napalunok ako sa sobrang lamig nito.

"Masaya ako." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti din siya sa akin saka ako hinila palapit sa kanya at niyakap. Mas lalo akong nakaramdam ng takot ng maramdaman ko ang lamig ng kanyang katawan.

"Sumama ka sa akin mahal ko...." Sabi niya habang yakap niya ako. "Hindi ba nais mo na makasama ako?"Tanong niya.

"Kapag sumama ka sa akin ay mabubuhay tayo ng mapayapa at tahimik Moon...." Napa kunot ang nuo ko at dahan dahang kinuha ang patalim na naka tago sa aking bewang.

"Isipin mo ang mga bagay na gusto mong kasama ako, magagawa natin yun pag sumama ka sa akin Moon..."Saabi niya at kumalas ng yakap kaya mabilis kong tinago ang patalim na hawak ko saka tumingin sa kanya.

"Sasama ka ba sa akin?"Tanong niya habang naka ngiti sa akin. Tumitig muna ako sa kanyang mukha, alam kong hindi si Zero ang kaharap ko.

"Moon..." Tawag niya ng hindi ako sumagot.

"Ayawa mo bang---" Napatigil siya sa pag sasalita bagay na kinakunot ng nuo ko. Napalunok ako ng makita ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang labi. Napa atras ako ng makita ko kung paano tumulo ang dugo mula sa kanyang labi.

Unti unting nag babago ang kanyang anyo, ang maamong mukha ni Zero ay napalitan ng kulang asul na balat at kulay puting buhok ng babae.

Napaupo ito sa harap ko dahilan para makita ko kung sino ang nilalang na sumaksak sa kanya sa kanyang likod.

"Shadow..."Tawa ko sa lalaking nakatayo sa kanyang likod habang naka tingin sa babaeng kulay asul na wala ng buhay.

"Moon..." Sabi niya at agad na lumapit sa akin saka ako niyakap.

"Sabi ko sayo wag kang mag titiwala sa kung sino'man ang makakasalamuha mo." Sabi niya habang yakap yakap ako. Napa pikit ako, lumuwag ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay ligtas na ako dahil nandito si Shadow.

"Ayus ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Tanong niya at sinuri ako, ngumiti ako at umiling.

"Ayus lang ako, salamat." Sabi ko. Naka hinga siya ng maluwag.

"Kung hindi pa ako dumating ay malamang ikaw na ang napatay niya." Sabi niya habang nakatingin sa katawan ng babaeng taga Leviticus na ginaya ang anyo ni Zero. Sa paanong paraan niya nakilala si Zero?

"Aguazel ang pangalan niya." Napalingon kami sa nag salita, si Dark na naka upo malapit sa snowman. Agad akong hinila ni Shadow papunta sa likod niya at tinutok sa dereksyon ni Dark ang patalimna hawak niya.

Natawa si Dark at tinaas sa ere ang dalawang kamay.

"Kalma, ako lang ito." Sabi niya at tumayo.

"Anong ginagawa mo dito?"Tanong ni Shadow kay Dark.

"Nanunuod ng palabas? kung paano iligtas ni Romeo si Juliet sa kamay ni Aguazel na ginaya ang anyo ni Zero?" Tanong na sagot ni Dark.

"Kanina ka pa nanjan?" Tanong ko at kumunot ang nuo.

"Hindi, sakto lang. Sabay lang kami ni Shadow pero mas nauna lang siya ng ilang segundo." Sagot niya saka tumingin kay Shadow.

"Baka gusto mo ng ibaba ang hawak mo?"Tanong nji Dark kay Shadow pero hindi nakinig si Shadow.

"Kaya ka naming patayin kung nanaisin namin kaya umalis ka na." Sabi ni Shadow kay Dark kaya natawa si Dark.

"Shadow my friend, hindi ka ba na inform na hindi by pair ang tema ng laro natin?" Tanong ni Dark kaya sabay kaming napatingin ni Shadow sa taas at nakita na nag bago na ang tema ng laro. naging Trio na ang tema ng laro. Muli kong binalik ang paningin ko kay Dark at Shadow.

"Trio, means tatlo kaya ibaba mo na yan kase kakampi niyo ako."

"At sino namang nag sabi sayo na tatanggapin ka namin?" Tanong ni Shadow.

Tumingin sa akin si Dark kaya napa tingin din sa akin si Shadow.

"Mag tiwala ka kay Dark."

Muli kong naalala ang sinabi ni Zero sa akin na magtiwala ako kay Dark.

"Moon?" Tanong ni Shadow, huminga ako ng malalim saka hinawakan ang kamay ni Shadow na may hawak sa patalim.

"Hndi makakatulong sa atin kung mag aaway lang kayo." Sabi ko, narinig ko ang pag tawa ni Dark at lumapit sa amin ni Shadow.

"Grabe na miss ko maging Moonlight." Sabi ni Dark at inakbayan ako saka pang asar na tumingin kay Shadow na masama ang tingin kay Dark.

~~~

Tweet me @redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon