MoonLight Academy 46

12.7K 308 3
                                        

Napadaing ako ng maramdaman ko ang sakit ng pagkaka bagsak namin ni Dark mula sa itaas ng puno. Pero agad akong napa tayo ng makita ang halimaw na naka tingin sa amin.

Nanlaki ang mga mata ko at tinulungan si Dark na tumayo saka tinuro ang tatakbuan niya.

"Takbo na!" Sigaw ko at tumingin sa gawi ng halimaw na papalapit sa amin. Sabay kaming napatakbo at nagkahiwalay para lansihin ang halimaw.

Binilisan ko pa ang pag takbo ko ng makita na ako ang hinahabol ng halimaw. Madilim at tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nag sisilbing gabay ko.

Kung minamalas ka nga naman, isang halimaw ang hunahabol sa akin. At ang tanging kapangyarihan ko lamang ay mag basa ng isip. Ano ang magagawa nito sa halimaw na gusto akong patayin?

Lumiko ako sa kanan ng may makita akong daan, napa tingin ako sa likod ko at nakitang naruruon parin ang halimaw. Kinapa ko ang palaso na nasa likod ko at kinuha ang pana ko, habang tumatakbo ako ay inasinta ko ang aking pana sa likod ko saka pinakawalan ang palaso, umilaw ang palaso ngunit hindi ito pinansin ng halimaw kaya mas lalo kong binilisan ang pag takbo.

Muli akong lumiko ng may makita akong daanan, napapagod na ako. Muli ay lumiko ako sa kanan at napatingin sa likod ko, naruon parin ang halimaw. Napatingin ako sa harap ko at napa lunok. Walang ibang daanan dito. Na trap ako. Lintik!

Agad akong humarap sa likod ko at inasinta ang pana ko sa gawi ng halimaw na dahan dahang lumalapit sa akin.

Katapusan ko na ata, ni hindi ko manlang nalalaman kung nasaan si Zero.

Napa lunok ako at pinana ang halimaw ngunit parang bale-wala lang sa kanya ang pana na tumusok sa kanyang braso.

Dahan dahang itong lumapit sa akin, napa sandal ako sa pader ng maze at napa pikit. Kung may iba lang sana akong kapangyarihan. Lintik talaga!

Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang malakas na pag ungol ng halimaw na nasa harap ko. Katapusan ko na.

Ilang minuto ang lumipas ng wala paring nangyayare sa akin, dahan dahang kong binuksan ang aking mata.

Nakatigil ang kamay ng halimaw sa ere na handa na akong kuhanin, napansin ko ang kulay violet na usok na lumulutang sa kanyang ulo. Napakunot ang nuo ko at napatayo ng maayus sabay titig ng maayus sa halimaw.

Anong nangyare sa kanya?

Nilibot ko ang tingin sa paligid para alamin kung may iba bang nilalang sa paligid pero wala.

"Ayus ka lang ba?" Napalingon ako sa nag salita, napa lunok ako at halos manghina ng makita ko kung sino ang nasa likod ng halimaw.

"Z...Zero..." Tawag ko sa pangalan ng taong nasa likod ng halimaw. Ngumiti siya sa akin at tumingin sa halimaw.

"I-ikaw ba ang may gawa niyan?"tanong ko, tumingin lang siya sa akin. "S-salamat..." Sabi ko.

"Umalis ka na Moon." Sabi niya. Agad akong umiling.

"Hindi ka ba sasama sa akin? Tara na, bago pa bumalik sa dati ang halimaw."sabi ko. Umiling siya bagay na nagpakunot ng nuo ko.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang dalawang kamay ko saka hinalikan.

"Hindi ako kasali sa laro, kaya wala akong karapatan na sumama sayo."sabi niya. Nag uunahang tumulo ang luha ko. Iiwan na naman niya ako.

"Pero sabi ko kasali ka." Sabi ko, umiling siya at niyakap ako.

"Umalis ka na, at hanapin si Dark."sabi niya.

"Bakit si Dark? Hindi siya taga Moonlight."sabi ko, umiling siya.

"Pag katiwalaan mo siya Moon, kailangan mong mag tiwala sa kanya. "Sabi niya na mas lalong nag pakunot sa nuo ko. "Ngayun umalis ka na." Agad akong umiling.

"Hindi ka ba nag sasawa Zero?"tanong ko habang naka tingin sa kanya ng seryoso, hindi ko na kayang kimkimin ang mga saloobin ko.

"Nababaliw na ako, sa panaginip ko nandon ka lagi. Pero sa personal at physical lagi kang wala." Tumulo ang luha ko at napayuko. "G...gusto ko lang naman na makasama ka pero bakit lagi kang umaalis?"tanong ko. Naka tingin siya sa akin na may lungkot sa mata.

"Mahirap bang pag bigyan ang hiling ko na makasama ka? Zero ang daming katanungan sa isip ko, kung bakit wala ka sa laro kung bakit natanggal ka at kung saan ka nag pupunta? Bakit bigla bigla ka nalang lilitaw at sasabihin saking mahal mo ako pero lagi mo ding pinaparamdam sakin na hindi tayo pwede." Umiiyak kong sabi habang naka tingin sa kanya.

Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng sabihin ko yan.

Akmang hahawakan nya ang pisngi ko ng lumayo ako sa kanya. Tumingin siya sa akin ng malungkot.

"Gusto kong sumama ka sakin Zero at sabihin lahat ng dahilan at kasagutan sa tanong ko." Seryoso kong sabi. Yumuko siya at dahan dahang umiling bagay na nag padurog sa puso ko.

"Gustong gusto kong sabihin sayo ang lahat Moon." Sabi niya habang naka yuko, muli siyang tumingin sa akin.

"Pero hindi pa ako handa." Dagdag niya kaya napa pikit ako.

"Nag sasawa na ako Zero." Sabi ko, umiling siya at lumapit sa akin saka ako niyakap.

"Pangako, sasabihin ko sayo ang dahilan. Basta ipangako mo sa akin ang dalawang bagay Moon. Na makakaligtas ka sa laro na ito at pag kakatiwalaan si Dark. At pag natapos ang laro ay sasabihin ko sayo ang lahat. "Sabi niya. Hindi ako sumagot, tanging pag iyak lamang ang nagawa ko habang yakap yakap niya ako.

"At ano ang isa?"tanong ko. Kumalas siya sa pag kakayakap sa akin at lumapit sa akin saka ako hinalikan sa nuo at tumingin ng seryoso sa aking mga mata.

"Wag mong ipanalo ang laro."

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook:Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon