MoonLight Academy 72

11.6K 225 5
                                    

Moon POV

Tumingin ako sa reflection ng salamin na nasa harap ko at ngumiti ng makitang maayus na aking awra, huminga ako ng malalim bago kinuha ang hoodie ko saka lumabas sa kwarto ko, nag lakad ako palakad sa Rooftop kung saan ako ay nangako kay Shadow na pupunta ako.

Hindi ko alam kung ano ang meron pero kahit na tinatamad akong pumunta at inaatok na ako ay pupunta parin ako sa pagkat nangako ako kay Shadow na pupunta ako.

madilim na ang paligid, nasa kanya kanya ng kwarto dito sa dorm ang mga studyante, Huminga ako ng malalim ng matanaw ko na si Shadow sa taas ng rooftop mula dito sa baba na aking kinatatayuan. Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa makarating ako sa taas.

Ngumiti ako sa kanya ng salubungin niya ako, ibinigay niya sa akin ang hawak niyang bulaklak saka hinalikan ang nuo ko. Napalunok ako ng muli ko na namang maalala si Zero dahil sa ginagawa niya.

"Kamusta araw mo?" Naka ngiti niyang tanong, ngumiti ako sa kanya.

"Ayus lang naman, madaming assignments na dapat ipasa pero natapos ko na kanina pa." Sabi ko, ngumiti siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.

"Tara, may hinanda ako." Sabi nya at inalalayan ako papunta sa gitna ng rooftop kung saan naka pwesto ang isang romantic table para sa aming dalawa, sa mesa na iyon naka lagay na ang pagkain at sa gilid ay may makukulay na pailaw. Napangiti ako. Muli kong naalala si Zero ng dalhin niya ako sa isang makulay na hardin noong celebration.

Napa pikit ako, bakit ba siya na naman ang naiisip ko?

"Ayus ka lang ba?" Ngumiti ako ng pilit sa kanya at tumango tango.

"Kamusta ang pag uusap nyo ni Admiral?" Tanong niya, huminga ako ng malalim at muling naalala ang sinabi ni Fly sa akin.

"Planado na ang lahat." Yan lang ang nasabi ko. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong niya, umiling ako.

"Alam ko na ginagawa mo ito para kay Zero." Sabi niya, nakita ko ang lungkot sa kanyang mata ng banggitin niya ang pangalang Zero. "Sigurado akong matutuawa siya." Nakangiti ngunit puno ng hinanakit ang kanyang mata.

"Sigurado ako sa pag kakataon na ito ay hindi mo na kami ibabaliktad Moon." Natigilan ako sa sinabi nya, hindi nga ba? hindi ko alam, kung ano ang tama yun ang gagawin ko. Madaming gumugulo sa isip ko ngayun at tanging si Fly lamang ang makaka sagot non.

"By the way, hinanda ko talaga itong lugar na ito para ipag tapat sayo ang nararamdaman ko." Sabi niya kaya napalunok ako sa sinabi niya, nagulat din ako sa sinabi niya.

Anong nararamdaman?

"Moon, alam mo naman na matagal na kitang gusto hindi ba?" Tanong niya, dahan dahan akong tumango bilang sagot.

"Mag aabang parin ako." Sabi niya at ngumiti sa akin, isang ngiti na punong puno ng katotohanan.

"Hinhintayin ko paring dumating ang araw na hindi na si Zero ang nasa isip mo sa tuwing may gagawin akong mga bagay na nagawa niya na sayo." Napalunok ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

"Normal lang na mangulila ka pa sa ngayun Moon, hindi ako mapapagod na hintayin ka." Napatayo ako at napa tingin ng malungkot sa kanya.

"I'm sorry." Sabi ko at nag unahang tumulo ang luha ko, muli ko na naman siyang naalala. huminga siya ng malalim at ngumiti sa akin. Tila nawalan na siya ng gana, maging ako ay nawalan na din ng gana kumain.

"Malalim na ang gabi." Puno ng lungkot niyang sabi saka tumayo at tumingin sa akin.

"Mag pahinga ka na." Napatitig ako sa mga pagkain na nasa harap ko, yumuko siya at akmang lalagpasan ako ng hawakan ko ang kamay niya, napalunok ako ng makita ko si Zero kaya napa pikit ako at huminga ng malalim saka tumingin sa kanya.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon