Sila na ba mga kasama namin ni Cloud? Biglang napaatras ang dila ko ng makita ko ang mga makakasama namin.
"Guys, siya si Moon at ito naman si Cloud ang mg winner sa RFE. "sabi ni Head admiral, Wala lang silang reaction maliban sa kilala ko at yung katabi niyang lalaki. Napa lunok ako dahil ang isang babae na kasama nila ay tinignan ako mula ulo hanggang paa. bigla tuloy akong nahiya dahil sa para niyang kinikilatis ang aking kaluluwa. Walking scanner ba sya? Gusto kong basahin ang mga nasa isip nila pero wag nalang baka masaktan pa ako sa mga sinasabi nila sa isip nila.
"Mag pakilala kayo isa isa." Utos ni Head Admin sa mga estudyanteng kakapasok lamang.
"Star Castrophie, 18 years old at isa akong Star gazer. It means Nauutusan ko lahat ng bituin sa kalawakan at napapagalaw ko ang mga planeta." pakilala ni niya, bigla tuloy ako nanliit sa kakayahang taglay niya. Nabaling ang paningin ko sa babaeng sinusuri ako kanina.
"Red Fyez, 17 years old Isa akong Blaze User. Kaya kong maging taong apoy kung gugustuhin ko at lumipad kung nanaisin ko, pero sa ngayun gusto kong sunugin ang taong nasa harap ko." Bigla akong napalunok sa sinabi niya. Ako kasi yung tao na sinasabi nya na nasa harap niya.
"Shadow Levin 17 years old, isa akong Night keeper. kaya kong maging anino at kontrolado ko ang kadiliman." pakilala ni Shadow, Ngumiti pa siya sa akin kaya naman ngumiti ako pabalik. Ang humble naman nento. Sana all.
"Ice Oxiexy 17 years old, isa akong Frozen burg. Kaya kong makontrol ang mga yelo." pag papakilala niya.
"And i am Rain Asmiran, your one and only friend alam mo na ang ability ko diba?"tanong niya saka napatingin kay Cloud na walang reaction sa mukha. "Exept sayo." Sabi niya saka huminga ng malalim. " Isa akong Water elementalist at kaya kong gayahin lahat ng mga hayop na nakatira sa tubig at kaya ko rin tawagin ang ulan." Sabi ni Rain habang nakatingin kay Cloud.
"How about you Ms. Moon?"tanong ni Head admin habang naka tingin sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan dahil puro malalakas na kapangyarihan ang taglay ng mga kasama namin.
"Ako na ang mauuna." Sabi ni Cloud at humarap sa mga kasama namin.
"Cloud Vrolex, 18 Years old. isa akong Sevran kaya kong utusan ang kung ano man ang nasa langit." Sabi niya kaya naman napatingin silang lahat sa akin. Malakas din pala itong si Cloud dahil gaya ng sabi niya, isa siyang Sevran. Isa iyong uri ng nilalang na pumapangalawa sa mga mayayaman dito sa aming mundo.
"Moon Laureen Venumous, 18 years old. Kaya kong basahin ang lahat ng nasa mga isip niyo."Pakilala ko, Umarko ang kilay ni Red dahilan para kabahan ako.
"Tapos?"tanong ni Red napatingin ako sa mga kasama namin na saakin din nakatingin.
"I-Isa akong Levita."sabi ko at napayuko, mahabang katahimikan ang bumalot sa aming lahat hanggang sa mag salita si Red.
"Sigurado ba kayo na ito ang nabunot niyo?" Tanog ni Red kila Head admiral at head admin.
"Iisa ang abilidad at isang Levita, nag papatawa ba kayo?" Tanong ni Red at natawa. "Hindi niyo naman siguro gustong mapahiya ang Moonlight sa araw ng laban, baka nga simula palang ng laban ay mamatay na siya agad." Dagdag niya. Laban?
"Mawalang galang na ano, pero hindi naman ibig sabihin na iisa lang ang kakayahan ko ay ako na ang mag papatalo sa atin." Sabat ko kaya napatingin sa akin si Red ng masama. Ano ba mga sinasabi nila na mag papatalo? Activities ba yun?
"Hindi kita kinakausap." Sabi niya.
"Pero ako ang pinag uusapan niyo." Sabat ko, mas lalo kong nakita ang pagka irita sa kanyang mukha kaya naman napayuko ako, ayokong makipag away dahil alam ko na wala naman akong binatbat sa kanila. Pero hindi tama na minamaliit ako.
" Wag kang sumabat sa may usapan." Sabi nya sakin at nag labas ng apoy sa kamay kaya naman napa lunok ako.
Bakit ba kasi ako sumabat.
"Hoy Red, ayusin mo nga ugali mo, nasa harap mo sila Admiral at Admin. Baka gusto mo maging plastik?" Tanong ni Rain at inirapan si Red. Halatang hindi ata sila magka sundo.
"Wag kang make-alam dito Ulan." Asar na sabi ni Red.
"Wag ka ding bastos Pula." Balik ni Rain kay Red.
"Tama na, wag niyong hintayin na ilagay ko kayong dalawa sa detention." Sabi ni Admiral na hinihimas ang ulo.
Nawala ang apoy sa mga kamay ni Red at masamang tinignan si Rain.
"Dahil buo na kayo pupunta kayo sa facility sa kabilang building. ginawa yun para sa mga kasali sa competition, kompleto na doon lahat ng mga gagamitin niyo ay naruruon na. mag kahiwalay ang kwarto ng boys sa girls."sabi ni Head Admin kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Po? Ano pong Competition?" Tanong ko, napatingin sa akin si Star.
"MLA? Hindi mo alam yun?" Tanong ni Star sa akin, umiling ako.
"Nakalimutan kong ipaliwanag, Dahil kayo ni Cloud ang nabunot sa RFE, kayo din ni Cloud ang napili para maging kakampi sil Red sa MLA, Ang MoonLight Association." Sabi ni Head Admiral kaya napatingin ako kay Cloud na halatang nagulat sa sinabi ni Head Admiral, Pati din naman ako ay nagulat dahil ang buong akala ko ay nabunot lang ako upang mag aral ng Libre sa Moonlight. Hindi ko inaasahan na may pa MLA sila. Parang Surprise Test lang?
Gusto ko pa sanang mag tanong pero nag salita na si Admiral kaya nanahimik nalang ako.
"Mamaya pagkatapos ng klase niyo, pumunta kayo sa facility automatic na kayong excuse sa mga lesson and classes niyo mag aanounce nalang doon sa facility kung may gaganaping party or what ever."sabi ni Head admin at ngumiti.
"You may go to your rooms."sabi naman ni Head admiral. Lumabas kami sa office nila admiral at head admin biglang tumabi sa akin si Rain at inakbayan ako.
"Nice to see you again Prenny, anong unang klase mo?"Tanong ni Rain, tumingin ako sa scheadule na kanina ay binigay sa akin ni Head Admin nong kakrarating ko lang.
"Ang nakalagay lang sa schedule ko is history tapos sunod break."sabi ko at pinakita sa kanya.
"Oy sabay ka na saamin tutal doon sunod naming punta."singit ni Star na nasa kaliwa ko. "Sorry nga pala sa ginawa ni Red ha, alam mo laging may regla yun kaya pag pasensyahan mo na." Sabi ni Star kaa natawa ako at tumango.
"Naririnig ko na pinag uusapan nito ako." Sabi ni Red at huminto sa harap namin.
"Hoi, tumigil ka na nga sasakalin kita eh." Sabi ni Rain.
"Ikaw ang manahimik Ulan."Sabi nya saka tumingin sa akin.
"Kung sila nauuto mo, ako hindi. Sisiguraduhin ko na ikaw mismo ang kakausap kay Head Admiral para umalis sa Moonlight kase hindi ka dito bagay." Sabi niya.
"At sa tingin mo bagay ka ditto?"singit ni Cloud na nasa likod ko. kaya naman napatingin si Red sa kanya.
"Isa ka pa." Sabi ni Red habang naka tingin kay Cloud.
"Wag kang umasang mag kakasundo tayo"sabi ni Red sabay talikod.
Pinag masdan ko lang na lumakad palayo sa amin si Red kasama si Ice habang kami ay nakatayo dito.
"Hayaan mo na yung kupal na yun."Sabi ni Shadow na nasa gilid ko.
"Tara ma lalate na tayo."Sabi ni Rain kaya naman nag simula na naman kaming mag lakad, sa pag lalakad namin ay nabaling na naman ang atensyon ko sa katapat na building namin, mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Zero na naka tingin sa akin, Kumaway ako sa kanya at ngumiti pero tumalikod lang siya at nag lakad paalis.
"Hoy Moon, sino bang kinakawayan mo jan?"Tanong ni Rain at tumingin sa tinitignan ko.
"Tara na ma lalate na tayo." Dagdag niya at hinila ako.
~
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...