MoonLight Academy 87

10.1K 209 9
                                    

Moon POV

Matapos ikwento saamin ni Rain ang lahat ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, lungkot at awa, yan ang nanguna sa akin ng marinig ko ang kwento ni Rain, lungkot para kay Zero dahil wala siyang kamalay malay sa binabalak nila Rain, Shadow at Red.

Awa, para kay Mrs Steler na walang kaalam alam na inutusan ni Mr Steler ang tatlo para patayin ang anak nila.

Gaya ng sinabi ko kanina kay Fly, biktima lang din si Rain, ganon din sila Red at Shadow. Pero hindi ibig sabihin non ay kampi ako sa kanila, mali ang ginawa nila kaya kailangan parin nilang pag bayaran ang ginawa nila.

"Ano naman ang hihilingin mo kung sakali?"tanong ko kay Zero, ngumiti siya habang naka tingin sa langit.

"Simple lang."sabi nya at tumingin sa akin. Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mata.

"Hustisya."

Napapikit ako ng maalala ko ang sagot ni Zero sa akin noong tinanong ko siya kung ano ang hihilingin niya sa bulalakaw.

Zero, bibigyan ko ng hustisya ang pagka matay mo. Tutuparin ko ang hiling mo.

"Mangako ka saken."sabi ko kay Rain at hinawakan ang kamay niya saka tinignan ang mata niya.

"Mangako ka saken na susuko ka sa police at bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Zero."sabi ko, umiiyak siyang tumango tango bilang sagot, ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.

Galit ako, hindi kay Rain, kay Shadow o kay Red. Kundi sa ginawa nila, galit ako sa ginawa nila kay Zero.

"May nabuo ka na bang plano Moon?"tanong ni Fly kaya kumalas ako sa yakap at tumingin sa dereksyon ni Fly na tulala habang naka tingin sa ibang dereksyon.

Tumayo ako at tumingin sa kanilang dalawa.

"Meron na." Sabi ko dahilan para mapatingin silang dalawa sa akin.

~~

Matapos kong sabihin at ipaliwanag sa kanila ang aking plano ay agad kaming lumabas mula sa pinag tataguan namin.

Sumilip si Fly sa pintuan at tinignan kung may tao ba sa labas, ng makita niyang wala ay agad kaming lumabas at nag lakad sa tahimik at mahabang pasilyo ng Moonlight.

"Attention students of Moonlight."

Napatigil kami ng biglang tumunog ang speaker, napatingin kami sa speaker.

"Today will be your first actual activity."
Boses yun ni Admiral.

"For your first activity, your task is to find Moon Venumous, Rain Asmiran and Fly Mond. "

Nagka tinginan kaming tatlo.

"Take note, dalhin niyo sila ng buhay sa amin. Ang kung sino man ang makakadala sa kanilang tatlo sa amin ay may malaking premyo."

Naiyukom ko ang palad ko, tama ang hinala ko. Na gagamitin nila ang mga studyante ng Moonlight laban sa amin.

"Kapag nanlaban, saktan niyo. Pero tandaan niyo, dapat buhay niyong maibibigay sa amin si Moon."

Agad na kaming nag lakad palayo sa kinatatayuan namin.

"Your task, starts now."

Mas lalo naming binilisan ang pag takbo, napatigil kami sa pag takbo ng may makita kaming mga studyante ng Moonlight ang papunta sa dereksyon namin kaya agad kaming tumakbo papunta sa pinang galingan namin.

"Dito tayo." Sabi ni Fly at binuksan ang isang pinto na nasa hagdan, agad kaming pumasok sa loob non at bumaba sa hagdan.

"Sa court tayo." Sabi ko kaya agad kaming nag lakad pababa ng hagdan, natigilan kami ng sumenyas si Fly ng saglit, napa dikit kami sa pader ng may tumatakbong studyante ng Moonlight ang lumagpas sa amin, muling sumilip si Fly at saka muling sumenyas na mag lakad na kami.

Agad kaming nag tungo sa isang isang classroom na bukas ang pinto ng marinig namin ang ingay mula sa hagdan, agad kaming umupo sa ilalim ng mesa para hindi kami makita ng mga dumadaang studyante ng Moonlight.

Ilang minuto ang lumipas ng tumahimik ang labas ng classroom na pinag tataguan namin, agad na sumilip si Fly at sumenya na pwede ng lumabas, sinundan namin siya ni Rain.

"AYUN SILA!" napatingin kami sa sumigaw.

"Takbo!" Sigaw ni Rain kaya naman agad kaming tumakbo palayo sa mga humahabol sa amin.

"Dito!" Sabi ni Rain at nag punta sa isang maliit na iskinita sa isang building dito sa Moonlight, agad kaming nag tago sa gilid ng malaking basurahan saka hindi gumawa ng ingay.

Nadinig namin ang mga ingay ng paa ng mga humahabol sa amin, naka hinga naman kami ng maluwag ng marinig namin na maling dereksyon ang tinahak nila.

Tumingin sa akin si Fly.

"Gagawin na ba natin ang plano?"tanong nya. Tumango ako saka tumingin kay Rain na halatang kinakabahan.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

"Magiging ayus din ang lahat."sabi ko, ngumiti siya sa akin. Agad ng tumayo si Fly at lumabas sa iskinita na pinag tataguan namin, napatigil kami ng may biglang humawak sa kanyang dalawang lalaki na studyante ng Moonlight.

"Fly!" Tawag ko kaya napatingin ang mga lalaki sa amin ni Rain.

"Jackpot."sabi ng isa at akmang lalapit sa akin ng ikumpas ko sa ere ang kamay ko dahilan para tumilapon siya. Nagulat naman ang apat niyang kasama sa ginawa ko kaya agad silang tumakbo pasugod sa akin ng biglang harangan ni Rain ng malaking tubig ang pagitan ng mga lalaki sa amin.

"Kailangan natin silang patulugin Moon."sabi niya kaya tumango ako at muling kinumpas ang kamay ko dahilan para mabalibag sila sa pader at mawala ng malay.

Agad na nawala ang tubig na naka harang sa harap namin, napangiti ako kay Rain at agad ng sinundan si Fly.

"Papunta ang mga nasa kaliwang bahagi sa court."sabi ni Fly habang naka silip sa halaman.

"Ang mga nasa kanan ay papunta din sa Court, saan tayo?"tanong ni Rain habang naka tingin sa kanan.

"Wala na kayong matatakbuhan Ms Moon." Sabay kaming napatingin sa likod namin, napa lunok kami ng makita namin sila Admiral at Admin na naka tayo malapit sa amin.
"Takbo!"sigaw ni Fly kaya agad kaming tumakbo ni Rain, pero napatigil ako ng makita ko na hawak hawak si Fly ng isang studyante ng Moonlight.

"Fly!" Tawag ko kaya tumingin siya sa akin.

"Takbo na!"sigaw niya, nabigla ako ng hawakan ako ni Rain at hinila palayo kay Fly.

Nag simula kaming tumakbo papunta sa court pero naruruon na ang mga studyante na galing sa Kanan at kaliwa kaya agad kaming pumunta sa isang daan pero meron ding naka abang sa amin doon kaya agad kaming bumalik sa dinaanan namin ngunit meron na ding mga studyante na nandoon.

Humigpit ang hawak ko kay Rain.

Napapalibutan na kami.

Napatingin kami kay Admiral at Admin na naka ngiti habang naka tingin sa akin.

"Wala na kayong matatakbuhan Ms Moon." Sabi ni Admiral.

"Moon!" Sigaw ni Rain ng hilahin siya palayo sa akin ng isang studyante ng Moonlight. Akmang susundan ko siya ng may humila din sa akin at sapilitang pinaluhod sa damuhan.

"Wag na kayong mag laban Ms Moon." Sabi ni Admiral, napatingin ako sa mga studyanteng naka tayo sa likod niya, sila Red, Star, Cloud, Shadow at Ice.

Naiyukom ko ang palad ko at tumingin sa studyanteng naka hawak sa kamay ko, agad kong pinasok ang isipan niya at kinontrol.

"Bitawan mo ak--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may dumaloy na kuryente mula sa aking katawan paangat sa aking ulo.

"Argh!" Sigaw ko at nang hihinang tumingin sa gumawa non, si Cloud.

"Wag na kayong lumaban Moon, masasaktan lamang kayo." Sabi nito kaya napatingin ako sa gawi nila Admiral at admin.

Napangiti ako sa loob ko, gumagana ang lahat ayun sa plano naming tatlo.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon