A/n: Play Arcade by Duncan Laurence while reading this :)
Napapikit ako ng tumama sa akin ang sinag ng araw, dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ang pag babago ng lugar. Tama ang hinala ko, mag babago ang lugar. Wala na ang mga pader ng maze, naging malakawak ang paligid at mula dito sa aking kinatatayuan ay tanaw na tanaw ko ang laki ng base na kailangang basagin ni Dark.
"Student's congratulations, you made it to the final round of the game, in the last round of the game the theme will be by School, The base in the middle needs to be broken. Whoever does the most damage will be the winner. In ten minutes the Final round will begin, beware of the opponent and the monster. Good Luck."
Naka patay ang oras, ibig sabihin walang patayan na magaganap. Maliban na lamang kapag nag simula na ang laro.
Tumingin ako sa lalaking pumantay sa kinatatayuan ko, nakatingin din siya sa base.
"Ito na ang huling araw." Sabi niya at huminga ng malalim saka tumingin sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Salamat." Sabi ko, halatang nagulat siya sa ginawa ko ngunit niyakap niya din ako pabalik.
"Hanggang sa muli." Sabi niya, napangiti ako at kumalas sa yakap saka tumingin sa kanya at huminga ng malalim.
"Bawas bawasan mo na ang pang aasar, kaya ka napapa-away eh." Sabi ko natawa naman siya.
"Bawas bawasan mo ang pagiging mabait, kaya ka inaaway eh." Balik niya kaya natawa ako. Sabay kaming napatigil sa pag tawa at tumingin sa base.
"Ilang sandali na lamang ay matatapos na ang laro." Sabi niya, napangiti ako.
"Anong hihilingin mo kung sakali?" Tanong ko.
"Makita ka ulit?"Tanong niyang sagot kaya natatawa akong tumingin sa kanya saka sinuntok ng pabiro ang braso niya.
"Sira." Sabi ko habang nakangiti.
"Kukunin ko lang ang mga gamit natin."Sabi niya saka tinapik ang balikat ko at pumasok sa kwebang tinuluyan namin.
Ang daming naganap sa laro na ito, mula sa umpisa hanggang sa huli, Delikado ngunit masaya. Na enjoy ko ang pananatili ko ng ilang araw sa laro na ito. Kung hindi dahil sa laro na ito ay hindi ko malalaman ang dahilan kung bakit ayaw ni Zero na manalo, dahil din sa laro na ito ay nakilala ko si Dark.
Ngunit dahil din sa laro na ito ay nawala ang tiwala sa akin ni Red at alam kong pag katapos ng laro na ito ay madidismaya ang ilan kong kaibigan, bagay na pinag handaan ko na.
"Moon." Napalingon ako sa likod ko ngunit walang tao doon, naramdaman ko ang dalawang beses na pagkalabit sa aking balikat bagay na nag pabilis ng tibok ng aking puso. Isang nilalang lamang ang laging gumagawa non at yun ay walang iba kundi si
"Zero...." tawag ko ng humarap ako sa dereksyon kung saan may kumalabit sa aking balikat. Napangiti ako ng makita siyang nakatayo sa harap ko at nakangiti habang nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa.
"Zero." Naka ngiting banggit ko at tumalon para yakapin siya, narinig ko ang mahinang pag tawa niya. Agad na umagos ang luha ko habang yakap yakap siya.
Sobrang saya ko dahil nakita ko muli siya. Akala ko ay pag katapos ng laro ko pa siya makikita.
"Akala ko hindi ka na mag papakita sa akin." Sabi ko at kumalas ng yakap saka hinawakan ang pisngi niya, naka ngiti siya ngunit kita ko sa kanyang mata ang lungkot. Bagay na hindi ko maintindihan.
"Na miss kita." Sabi ko, hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi at hinalikan.
"Mahal na mahal kita."Sabi nya dahilan para mapangiti ako.
"Mahal na mahal din kita." Sabi ko, napatigil ako ng makita ko ang pag tulo ng luha niya habang naka dikit sa kanyang labi ang aking kamay.
"Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya? ipapatalo ko ang laro gaya ng sinabi mo." Sabi ko sa kanya, minulat niya ang kanyang mata saka hinila ako palapit sa kanya at niyakap. Hindi siya nag sasalita ngunit nararamdaman ko ang pag hagulgol niya habang yakap yakap ako.
"Anong meron Zero? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Ngunit hindi niya sinagot.
"Zero--"
"Lagi mong tatandaan Moon, kahit wala ako sa tabi mo ay lagi kitang binabantayan." Sabi niya habang yakap yakap ako.
"Ano bang sinasabi mo? Pag katapos ng laro ay mag sasama na tayo." Sabi ko, kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin, kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Moon... I cried a lot because of you." Sabi niya at pinag dikit ang nuo namin. " I laughed a lot because of you, and i believe in love because of you."sabi niya at hinalikan ang nuo ko.
"Promise me one thing Moon." Sabi nya at kinuha ang dalawang kamay ko saka hinalikan habang mag kadikit ang aming mga nuo.
"Don't cry when the sun is gone, Because the tears won't let you see the stars." Sabi niya na nag pabigat ng emosyon ko, hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa mga sinabi niya ngunit alam ko na may hindi magandang mangyayare.
"I know, that after this game. Your forest will be dark, your trees will be sad, and all of your butterflies will have broken wings."Umiiyak niyang sabi.
"Bakit parang namamaalam ka sakin?"Hindi ko mapigilang mag tanong sa kanya. Hinalikan niya ang labi ko, isang halik na puno ng pag mamahal. Agad akong tumugon sa kanyang halik, isang halik na puno ng pagmamahal ngunit may kasamang kalungkutan.
"May your eye go to the star, to the wind your soul.... you are all the colors in one, at full brightness. I love you Moon Laureen Venumous."Yan ang huli niyang sinabi bago siya nawala. Patuloy ang pag agus ng luha ko at napa upo dahil sa tuluyang pang hihina ng tuhod ko.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon, parang nag papaalam sya sa akin. Ayokong isipin ang ilang negatibong bagay pero patuloy ito sa pag pasok sa aking utak.
"Zero..." Umiiyak kong banggit sa kanyang pangalan habang naka upo sa lupa at naka hawak sa aking dibdib. Isang malakas na ihip ng hangin ang aking naramdaman, kasabay non ang pag yakap sa akin ng malamig na hangin na mas nakapag paiyak sa akin sa hindi ko malaman na dahila.
"Moon." hindi ko pinansin ang tumawag sa akin, agad itong nag tungo sa harap ko at hinawakan ang baba ko.
"Anong nangyare?" Nag aalalang tanong ni Dark, patuloy lamang sa pag agus ang luha ko habang naka tingin sa kanya.
"SI Zero.." Yan na lamang ang aking nasabi, niyakap niya ako at tuluyang napa hagulgol dahil sa sakit na aking nararamdaman.
"The final game will start in sixty seconds."
~~~
Twee me
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...