MoonLight Academy 37

13.7K 357 2
                                    

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Shadow. Biglang nag bukas ang mga ilaw na nakapalibot sa stage kung saan kami nakatayo lahat. Napatingin ako sa paligid, mula sa kinatatayuan ko ay kita at tanaw ko ang dami ng mga taong nasa harap namin, nakaupo at pumapalakpak habang nakatingin sa amin. Napatingin ako sa kabilang side ng stage at nakita ang grupo ni Dark at ang isa pang grupo.

"Naka live broadcast tayo. Ipapakilala tayo sa buong mundo para sa nalalapit na laro." Sagot ni Shadow, muli kong nilibot ang tingin ko at hinanap ang isang nilalang.

"Hindi ba isasama sa ipapakilala si Zero?" Tanong ko. Tumingin sa akin si Shadow saka hinawakan ang kamay ko. Umiling siya ng dahan dahan bilang sagot, agad akong na dismaya sa sagot niya.

"Good evening Ladies and gentlemen. Welcome to 159th Moon Light Association. " Isang lalaki ang nag simulang mag pakilala, kaharap ang camera ay may kung ano ano pa siyang sinabi.

"In the 159th game of MLA, we welcome all of you players from three prestigious schools around the world. We proudly introduced them to all of you." Sabi ng lalaking sa tingin ko ay may dugong banyaga. Napatingin ako sa gawi ng grupo nila Dark ng tumutok sa kanila ang spotlight at sa likod nila ay may nag wawagayway ng kanilang watawat.

"LE-VI-TI-CUS. LEVITICUS! LEVITICIO! EL LEVITICUS! PODER Y FUERZA! LEVITICUS!" Sabay sabay nilang sigaw habang tumatalon.

"From the third most influential and most powerful school in the world, let us all welcome their players. Leviticus University!" Pag kasabi non ay nag lakad papunta sa gitna ang pito nitong manlalaro, isa na don si Dark.

May nag pop up na larawan sa screen at nakalagay don ang kanilang mga pangalan. Sa baba ng pangalan ni Dark ay may nakalagay na Captain. Ibig sabihin, siya ang captain ng Leviticus.

Napatingin ako kay Shadow na nakatingin ng taimtim sa gawi ni Dark.

"Traydor."

Yanang nabasa ko sa kanyang isipan habang siya ay naka tingin sa gawi ni Dark, binalik ko ang tingin ko sa harap.

Nawala ang spotlight sa kanila at napunta sa katabi naming grupo.

"C!A!S!T!R!O! CASTRO! KASTEL DER INTELLIGENZ!" Sigaw nila habang binabandera ang watawat na kanilang hawak.

"From the second most influential and most powerful school in the Word, let us all welcome their players. Castro High!" Gaya ng nauna ay nag punta sa gitna ang pitong manlalaro ng kanilang paaralan, sa screen ay pinakita ang kanilang mga larawan at nasa baba non ang kanilang mga pangalan.

'Marchesa Aegona' Yan ang pangalan ng kanilang Captain.

Bigla akong nasilaw ng biglang tumapat sa amin ang spotlight. May cheer ba kaming gagawin gaya ng mga nauna?

"May gagawin ba tayong---" Hindi natapos ang sasabihin ko ng biglang mag palakpakan ang mga manunuod na nasa aming harapan.

"Luz de la luna! El MoonLight Academy!" Sabay sabay na sigaw ng mga manunuod na nasa aming harapan.

Nakangiting tumingin si Shadow sa akin.

"Hindi natin kailangan gawin ang mga ginawa ng nauna. Sila ang gagawa non para sa atin." Sabi niya. Nilibot ko ang tingin ko habang papunta kami sa gitna ng stage. Ang mga manunuod ay may hawak na maliliit na watawat ng aming paaralan, Sa screen naman ay may larawan ng aming watawat.

Pakiramdam ko ay napaka VIP Namin sa mga oras na ito.

Ibang iba ang paraan ng pag papakilala ng aming paaralan sa mga nauna.

" From the most influential and Most powerful, famous and house of intelligent students,Let us all welcome the Luna players of Luz de la luna. MoonLight Academy!" Isang malakas na dagundong mula sa mga manunuod ang maririnig sa loob ng arena.

Sigaw sigaw ang pangalan ng Moonlight, talagang isang makapang yarihang paaralan nga ang Moonlight. Napangiti ako pero agad ding nawala ang ngiti ko ng mapansin ang mga larawan namin sa screen.

Bakit wala si Zero sa screen? Ang isa ko pang kinagulat ay ako ang captain ng grupo namin.

Napatingin ako kay Shadow.

"Bakit ako?" Tanong ko, tumingin siya sa akin at ngumiti. Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko at bumulong sa akin.

"Napag usapan namin na ikaw ang gawin naming captain, dahil naniniwala kami sa kakayahan mo Moon, Hindi lang pag basa ng isipan ang nagagawa mo." Sabi niya saka tumingin sa akin.

"Kontrolado mo ang lahat." Sabi niya bagay na hindi ko maintindian.

Nawala ang atensyon ko sa kanya ng pumantay sa linya namin ang dalawang makakalaban naming paaralan. Nahuli ko ang mga titig ni Dark sa akin, naka ngiti siya habang titig na titig sa akin. Napalunok ako at nilihis ang aking tingin.

Kailangan ko ng kasagutan sa lahat ng tanong ko.

Bakit wala si Zero sa screen? Nasaan siya ngayun at ano bang ibig sabihin ni Dark sa sinabi niya sa akin kahapon? Ano din ang ibig sabihin ni Shadow sa sinabi niya ngayun na kontrolado ko ang lahat?

Naguguluhan na ako, sa tingin ko ay may hindi tama na nangyayare ngayun.

Kung ano 'man yun. Yun ay aalamin ko, ng mag isa lamang.

~~~

Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon