Napatigil kami sa pag lalakad ng makaramdam kami ng pagod, kanina pa kami nag lalakad para hanapin sila Ice at Rain.
Napa angat ako ng tingin, pitong oras na lamang ay mag papalit na naman ang tema ng laro. Kailangan namin mahanap sila Ice at Rain dahil delekado ang tema ngayun para sa kanila, maaring makita sila ng ibang grupo ng paaralan at pag tulungan.
Huminga ako ng malalim saka tumingin sa mga kasama ko, gaya ko ay pagod na din sila sa paglalakad, halos tatlong oras kami nag lakad para lang hanapin sila Rain at Ice.
Ngunit hindi namin sila mahanap, hindi kami pwedeng mag hiwa-hiwalay sapagkat maaring makita kami ng ibang grupo.
"Ano kaya kung utusan mo ang mga ulap mo para hanapin sila Rain?"Tanong ni Star kay Cloud kaya napa tingin kami kay Cloud na naka tingin sa amin.
"Hindi ganon kadali yun." Sabi ni Cloud saka tumayo.
"Maaaring bumagyo o gumawa ng natural disaster ang kapangyarihan ko pag ginawa ko yun." Sabi ni Cloud.
"Eh di yung apoy mo nalang." Sabi ni Star kay Red, umiling si Red.
"Hindi sakop ng kapangyarihan ko ang mag hanap." Sabi ni Red.
"Bakit hindi nalang ang kapangyarihan mo ang gamitin natin para hanapin sila?"Tanong ko kay Star na napatingin sa akin.
"Teka, ako?"Taanong ni Star habang naka kunot ang nuo at maya maya pa ay biglang natawa.
"Tama, bakit hindi ko utusan bumaba ang mga bituin dito sa baba at hanapin sila Rain at Ice,na siyang magiging dahilan para maapektuhan ang axis at rotation ng mundo natin." Sarkastikong sabi ni Star.
"hintayin nating dumilim para mautusan ko ang kapangyarihan ko na hanapin sila." Sabi ni Shadow, umiling ako.
"Hindi pwede yun Shadow, mas lalong mapanganib kung aantayin nating gumabi, hindi lang studyante ang kalaban natin, pati halimaw at ilang patibong dito sa maze."Sabi ko. Biglang napatayo si Red.
"Patibong, tama." Sabi niya kaya napatingin kami sa kanya.
"Paano kung kanina pa natin sila nahanap pero hindi lang natin sila nakita?"Tanong niya kaya kumunot ang nuo ko.
"Illusion."Sabi ni Cloud kaya napatingin kami sa kanya.
"May kapangyarihan si Ice na gumawa ng illusion, parang image manipulator."Sabi ni Star.
"Paano natin mahahanap ang isang nilalang kung ayaw nito mag pakita sa atin?"Tanong ni Shadow.
"Signal."Sabi ni Red .
"Aware naman sila na by school na ang tema ng laro diba? for sure, hinahanap din nila tayo."Sabi ni Star.
"Pero, mahihirapan silang mag hanap kung hindi nila alam kung saan pupunta."Sabi ko.
"May plano ako."Sabi ni Red saka nag labas ng apoy sa kanyang kamay.
"Ginagawa namin ito ni Ice noon, sure ako na sasagot siya dito."Sabi ni Red at itinaas ang apoy, tila higanteng apoy ang nasa harap namin dahil sa laki nito.
"Bilisan nito, tignan niyo kung may kagaya bang ganito na gawa sa yelo."Sabi ni Red kaya agad naming tinignan ang taas para alamin kung meron bang ganon na gawa sa yelo.
"Nandon sila." Napatingin kami kay Shadow ng ituro niya ang hilagang parte ng maze, mula dito ay nakita namin ang kaparehas na liwanag na mula kay Red.
"Tara na."Sabi ni Star at naunang tumakbo. Hindi ito kalayuan sa amin pero hindi rin ito gaanong malapit sa amin.
"Kailangan nating bilisan, ang ginawa niyong liwanag ay sigurado akong susundan ng ilang grupo."Sabi ni Cloud kaya binilisan namin sa pag takbo. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa lugar kung saan namin nakita ang liwanag na gawa ni Ice. Tahimik lamang ito.
"Ice? Rain? Nanjan ba kayo?"Tanong ko pero walang sumagot.
"Ice, Rain nasaan kayo?"Tanong ni Red habang nililibot ang tingin. tamang lugar naman ang aming napuntahan, pero nasasaan sila?
"Hindi kaya nakuha sila ng ibang grupo?"Tanong ni Star kaya napalunok ako, nakita ko ang pag upo ni Cloud at pag kapa sa lapag. Pumikit siya at biglang napadilat.
"Hawak sila ng Castro." Sabi nito.
"Tangina." Bulong ni Red, at biglang may tumalsik na apoy mula sa paligid na galing sa kanya.
"Kumalma ka Red, madadamay kami pag nagalit ka."Sabi ni Star pero inirapan lang siya ni Red.
"Saan sila nag tungo?"Tanong ni Red.
"Tingin ko dito." Sabi ni Shadow kaya napatingin kami sa kanya at nakita ang pinag mamasdan niyang daan, lumakad ako ng may makita akong ilang yelo sa mga dahon.
"Dito nga sila dumaan."Sabi ko at sinundan ang ilang bakas ni Ice.
"Nag iwan si Ice ng bakas, tara na."Sabi ko at sinunsdan ang bakas ni Ice.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa bawat pag sunod ko sa bakas.
"Wag..."
Kumunot ang nuo ko ng marinig ko ang boses ni Zero, napatigil ako sa pag lalakad at nilibot ang tingin.
"Maling daan ang dinadaan niyo Moon."
"Zero..."Tawag ko sa kanya ngunit hindi ko sya makita.
"Sa kabila, nasa kabila sila."
Lumingon ako sa likod ko at doon nakita ko si Zero na nakaturo sa isang daan, kumunot ang nuo ko. Pero may mga bakas si Ice na nandito.
"May sugat si Ice Moon, hindi siya ang may gawa niyan."
"Moon." Lumingon ako sa mga kasama ko na nakatingin sa akin habang nag tataka kung bakit hindi ako nag lalakad.
"Maling daan ang dinadaanan natin."Sabi ko kaya kumunot ang mga nuo nila.
"Nasa kabila sila, may sugat si Ice kaya hindi siya ang may gawa nitong mga yelo."Sabi ko.
"Paano ka naman nakakasiguro sa sinabi mo?"Tanong ni Red habang nakataas ang kilay.
"Sundin niyo nalang ako, mag tiwala kayo sa akin wala sila jan."Sabi ko, napalunok ako ng lumapit sa akin si Red at bigla akong sinakal.
"Sa oras na may nangyare sa kanilang dalawa, hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka."Sabi niya at nag simulang maglakad sa dereksyon na tinuro ni Zero.
Napalunok ako at napatingin kay Zero na naka ngiti.
May tiwala ako sa kanya, alam kong tinutulungan niya kami na mahanap ang mga kaibigan namin.
~~~~
Tweet me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
YTC:Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...