Moonlight Academy 14

18.6K 504 12
                                    

Gaya ng napag usapan namin ni Zero, sa rooftop kami kakaing dalawa ngayun at doon kami tatambay. Kanina pagkatapos ng klase ay nag paalam siya sa akin na may kukunin lang sa building nila kaya naman ako ngayun ay nag aayus na sa rooftop para mamaya pag balik ni Zero ay mag kwe-kwentuhan na lamang kami.

Nakapag akyat na din ako ng makakain namin ni Zero para mamaya saka kumuha na din ako ng sapin at ilang unan para pag katapos naming kumain ay mahihiga na lamang kami habang nag aantay ng bulalakaw.

Nag taka pa nga sila bakit daw pabalik balik ako sa baba at rooftop, sinabi ko nalang na tatambay ako sa rooftop.

Napa ngiti ako ng makita ko ang lugar namin mamaya ni Zero, ang ganda. Hiniram ko din kay Rain yung pailaw nya na tinatawag niyang Christmas lights.

Habang hinihintay ko si Zero ay ninamnam ko muna ang sariwang hangin dito sa rooftop, mag gagabi na at tanaw dito sa rooftop ang papalubog na araw. Tanaw din mula dito sa aking kinatatayuan ang pag labas mg mga studyante ng Moonlight sa isang building papunta sa mga dorm nila.
Sobrang lawak at laki nga ng Moonlight.

Dati ay pangarap ko lamang na makapasok dito at makapag tapos ng pag aaral, at ngayun. Natupad na at malapit ng matupad na makapag tapos ako ng pag aaral.

"Moon." Napa lingon ako sa likod ko pero walang tao don, may naramdaman akong kumalabit sa akin sa balikat ko ng dalawang beses kaya napatingin ako don at nakita si Zero na may dalang wine at rosas.

"Para sayo." Sabi niya at inabot sa akin ang rosas na dala. Napa ngiti ako, naka ilang beses na ba siyang nag bigay ng rosas sa akin ngayun?

"Salamat."sabi ko at tinanggap ang rosas. Pinakita niya sa akin ang wine na dala niya at dalawang wine glass.

"Kinuha ko mula sa koleksyon ng papa ko." Sabi niya at natawa.

"Baka pagalitan ka."sabi ko, umiling naman siya.

"Lagi naman siyang wala, saka sayang naman kung hindi gagalawin."sabi niya kaya napangiti ako.

"Pero hindi ako umiinom niyan." Sabi ko kaya natawa siya.

"Eh di makaka inom ka na ngayun."sabi nya at nilagay sa mini table ang dala nya.

"Masarap ba yan?"tanong ko.

"Oo, pero mas masarap ako." Biro niya.

"Hindi ako naniniwala, patikim nga." Banat ko naman kaya natawa ako.

"Gusto mo ba?"bigla siyang nag seryoso kaya agad akong umiling.

"Char lang."sabi niya at natawa.

Lumapit siya sa akin at sumandal sa barrier ng rooftop.

"Tignan mo yun."sabi niya at tinuro ang papalubog na araw.
Ang ganda, wala na atang tatalo sa kagandahan ng sunset.

"Alam mo ba ang sabi ng mama ko, kaya daw moonlight ang pangalan ng school na ito dahil nong pinanganak ako ni mama, sobrang ganda daw ng ilaw ng buwan." Biglang kwento niya kaya napa tingin ako sa kaya.

Nag rereflect sa balat niya ang kulay ng pag lubog ng araw dahilan para maging mas kaaya aya siya sa paningin ko.

"May naging girlfriend ka na ba?"biglang tanong ko. Tumingin siya sa akin kaya napa iwas ako ng tingin.

Bakit ko ba tinanong yun?

"Wala." Sagot niya kaya napa tingin ako sa kanya.

"Bakit naman?"tanong ko dahilan para kumunot ang nuo niya.

"I mean, ang gwapo mo. Tapos ikaw ang nag iisang anak ng may ari ng pinaka sikat na paaralan sa buong mundo, mapera ka din at matalino? Bakit wala?"tanong ko. Natawa siya.

"Pihikan ako pag dating sa mga babae."sagot niya.

"Merong mga nag kakagusto sakin noon pero hindi ko sila pinapansin."sabi nya.

"Eh ngayun?"tanong ko dahilan para tumingin siya sa akin, nakita ko ang pag lungkot ng mga mata niya bagay na pinag tataka ko.
Ayus lang ba siya?

"Bakit mo tinatanong? Nag seselos ka ba?"biglang tanong niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

"Hindi ah, na curious lang naman ako."sabi ko at napa lunok.

"Kasi diba baka may Girlfriend ka na pala tapos dikit ka pa ng dikit sa kagaya ko, mamaya sabunutan ako ng girlfriend mo kung meron 'man." Sabi ko kaya natawa siya.

"Ano namang mali kung dikit ako ng dikit sayo? Isa pa, wala namang magagalit kaya okay lang yan."sabi niya.

"Bakit ka na curious? Gusto mo ba ikaw nalang girlfriend ko?" Bigla akong nakuryente sa tanong niya, napa lunok ako ng di oras at huminga ng malalim. Pinakalma ko ang puso ko sa pag tibok nito ng mabilis.

Ano bang nangyayare sakin.

"H-hindi ah, asa ka." Sabi ko at hindi maka tingin sa kanya.

"Bakit anong mali don? HAHAHAHAH namunula ka!" Pang aasar niya

"Basta, tumigil ka nga, hindi tayo bagay." Sabi ko at tinignan siya.

"Masyaso kang mayaman at popular. Habang ako naman ay isang hampas lupang--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko gamit ang point finger niya.

Tinitigan niya ako ng seryoso bagay na mas nakapag pakaba sa akin.

"Hindi sa yaman nasusukat ang pag mamahal Moon. Walang puso ang pera." Sabi niya saka huminga ng malalim.

"Saka ito na dapat ang huling beses na maririnig kong hinihila mo pababa ang sarili mo, hindi ka hampas lupa Moon. Lagi mong tatandaan yan." Seryoso niyang sabi.

~~

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon