MoonLight Academy 67

11.4K 235 12
                                        

Star POV

"Gumising ka hampas lupa malalagot ka kay Admiral tanga." Sabi ni Red at hinampas kay Moon ang boteng hawak niya na nakuha namin kanina sa tabi ni Moon.

"Saan mo naman nakuha ang wine na ito ha?" Tanong ni Rain.

"Teka, hindi ba't yan ang wine ni Mr. Light?" Tanong ni Ice kaya sabay sabay kaming napatingin sa bote na hawak ni Red at sabay sabay na napatingin sa gawi ni Moon.

"Dinala ni--"

"Hampas lupang mag nanakaw, kaya pala nag solo ka dito dahil may kinuha kang hindi mo pag mamay-ari." Sabi ni Red, napalunok kami dahil alam namin na bawal pumasok sa building ng mga Steler.

"Hind ko kinuha yan." Sabi ni Moon.

"Ah so ano lumapit ang wine sayo ng kusa?"Tanong ni Red habang naka ngisi. Medyo natawa ako sa part na iyon pero agad ding umayos ng sinamaan ako ng tingin ni Rain.

"Moon, paano mo nakuha yan?" Tanong ni Shadow na naka kunot ang nuo, lahat kami ay nag tataka kung paano nakuha ni Moon iyon.

"Hindi nga ako ang kumuha niyan, si Zero ang nag dala niyan dito." Sabi niya na nag patahimik sa amin, Ang creepy niya talaga. Sure pa ko sa sure na nakikita niya si Zero.

"Kasama ko siya dito kagabi at--"

"Nasisiraan ka na ba ng bait ha hampas lupa?" Tanong ni Red, napatingin kami sa pinto ng rooftop ng mag bukas yun, sila Admiral.

"Anong kaguluhan ito?"Tanong ni Admiral at napatingin sa hawak ni Red, agad na napakunot ang nuo ni Admiral at agad na lumapit kay Red at inagaw ang boteng hawak nito.

"All of you, to my office. Now!"

.

.

.

.

"Hindi ba't sinasabi ko na sa inyo na bawal pumunta sa Building ng mga Steler?" Ma awtoridad na tanong ni Admin. Ngayun pa lang ay natatakot na ako sa pwede niyang ibigay na parusa sa amin.

"Ano ito ha? Kabilin bilinan namin na bawal ang sino'mang estudyante ng Moonlight na pumunta don, alin don ang hindi niyo maintindihan?" Tanong ni Admiral sa amin saka tumingin kay Moon.

"Ano Moon?" Tanong nito sa kanya kaya napatingin ito sa amin.

"Wala naman pong kasalanan ang mga kaibigan ko." Sabi niya.

"Wala po ni isa sa amin ang nag punta sa building ng mga Steler." Dagdag nito.

"Si Zero po, siya po ang nag dala niyan kagabi. Mag kasama kami kagabi sa rooftop." Paliwanag ko. Napatingin ako kay admiral na nang gagalaiti na ngayun, Moon naman bakit yan pa ang sinabi mo ha?

"At sa tingin mo ba ay may maniniwala sayo Moon?!" Biglang sigaw nito na siyang nag pakaba sa amin. Sabi na eh, Pamangkin ni Admiral at Admin si Zero, at hanggang ngayun ay apektado paren ito sa naganap kay Zero.

Inawat siya agad ni Admin at pinakalma, halos hindi kami makatingin kay Admiral dahil alam namin ang sitwasyon nito. Sya kasi ang nag pumilit kay Zero na sumali sa MLA bagay na sinang ayunan ni Zero dahil mahal niya ang tita niya, ngunit nong maganap ang trahedya ay laging sinisisi ni Admiral ang kanyang sarili.

"I'm So disappointed." Bulong ni Admiral habang hinihimas ang sintido niya.

"Isa kang mag aaral ng Moonlight pero bakit ganyan ang ugali mo? Talagang dinadamay mo pa ang anak ng may ari ng school na ito sa kalokohang ginawa mo?"

"Wag mong dalhin ang ugaling squatter mo dito sa looban Moon." Nagulat ako sa sinabi ni Admiral.

"Pinapa-aral ka ng libre dito kaya tanawin mo yun bilang malaking utang na loob Moon." Napatingin ako kay Moon, kung nakikita niya si Zero, anong dahilan bakit kay Moon lang siya nag papakita at hindi sa aming mga kaibigan niya?

"Kayong lahat, maliban kay Moon. Bumalik na kayo sa facility dahil may practice pa kayo." utos ni Admin.

"Maiiwan ka Ms Moon, Bilang kaparusahan lilinisin mo ang buong Moonlight." Matigas na sabi ni Admin.

"Masyado naman po ata yun Admin." Napatingin ako kay Cloud.

"Hindi ko hinihingi ang opinion mo." Matigas na sabi ni Admin.

"Hindi ko kailangan ng pag hingi mo sa opinion ko Admin, sasabihin ko lahat ng nais ko dahil wala namang batas ang nag sasabi na bawal sabihin ang mga opinion." Sabi ni Cloud na nag panganga sa akin, tangina?

"Mr Cloud, ayusin mo ang pananalita mo." Nag babantang sabi ni Admin.

"Gaya ng sabi niyo, pinapa aral ng libre si Moon ng Moonlight at talaga namang kailangan nyang tanawin na utang na loob yun, pero sa bagay na pinapagawa niyo, sa tingin niyo ba ay may matututunan si Moon? Pinapasok lang ba siya dito para pag linisin ng paaralan?" Tanong ni Cloud. Bigla akong kinilabutan dahil naalala ko kay Cloud si Zero.

"Ano bang pinag lalaban natin?" Tanong ni Shadow.

"Dignidad?"Sagot ko.

"Kung dignidad ang pag babasehan parang wala naman ata kayo non." Napatingin ako kay Zero na kakapasok lamang sa room namin.

Nag papractice kasi kami ni Shadow para sa debate namin eh ang gulo kausap ni Shadow, mas magulo pa sa messy.

"Ang sabihin niyo nalang, Kung wala kayong dignidad, wala kayong karapatang mabuhay. Eh di tapos ang laban." Natatawang sabi ni Zero

"Cloud." Muli akong napabalik sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Moon.

"Lahat kayo ay umalis na maliban kila Moon At Cloud." Matapang na sabi ni Admiral.

"Ano pang hinihintay niyo?"

"Sasamahan ko sila." Malamig na sabi ni Shadow at tumabi kay Moon, Shadow naman wag ngayun!

"Talaga bang matitigas ang mga ulo niyo? Umalis na kayo bago pa mag bago ang isip ko na idamay kayong lahat sa kaparusahan ni Moon." Sabi ni Admiral.

"So, saan tayo mag sisimula?"Tanong ko.

"Ako nang bahala mag dilig sa mga garden." Sabi ni Rain.

"At sa tingin niyo ba mga bayani na kayo niyan?" Biglang tanong ni Red.

"Kung gusto nyong mahirapan bahala kayo, wag niyo akong idadamay mga tanga." Sabi nito at binuksan ang pinto.

Nakatingin lang kami sa kanya na nakatayo sa pinto . Sows, alam ko naman na mabait ka Red. Kunwari ka pa.

"Punyeta." Oh diba HAHAAHAHAHAH!

"Bilisan niyo. Mahaba habang linisan ang gagawin natin." Dagdag niya. Sumunod kami sa kanya palabas, napa buntong hininga ako at agad na pumantay kay Rain.

"Sabi sayo may nakikita siya na di natin nakikita eh."Sabi ko sa kanya, inirapan niya lang ako saka nag patuloy sa pag lalakad.

~~~~

Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok : rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon