"Siguro kung hindi kami dumating ay baka nadala ka na non sa Dream land at nakulong sa patibong niya." Sabi ni Dark na katabi ko.
"I mean si Shadow ang nag ligtas sayo pero nandon din kaya ako, nanunuod nga lang." Dagdag niya. Napa iling na lamang ako.
Kanina pa kami nag lalakad, nag hahanap kami ng lugar kung saan ligtas kaming mag papalipas ng gabi.
Habang nag lalakad kami ay nag sasalita si Dark, bagay na natatawa ako dahil halatang naririndi na si Shadow.Nangunguna sa pag lalakad namin si Shadow, hindi sila mag kasundo ni Dark at sa tuwing nababanggit ni Dark ang pangalan ni Shadow ay naiirita ito.
"Alam mo, payong kaibigan lamang ano Moon. Try mo kaya itali yang buhok mo? Hindi ka ba naiinitan jan?"tanong sa akin ni Dark, natawa ako at siniko siya.
"Tumigil ka na. Naiirita na si Shadow." Bulong ko. Natawa din siya at lumapit sa akin saka bumulong.
"Hayaan mo lang sya, wala siyang magagawa para patahimikin ako." Bulong niya kaya napa iling ako.
"Hindi ka ba napapanisan ng Laway Moon?"tanong sa akin ni Dark.
"Hindi naman."sagot ko.
"Eh ikaw Shadow? Kanina ka pa di nag sasalita, para kang pipe dahil di ka nag sasalita. Nalunok mo ba ang dila mo?"tanong ni Dark kay Shadow pero alam kong inaasar niya si Shadow.
Hindi kumibo si Shadow.
"Buti nakakayanan niyang manahinik ano? Kung ako yan, baka kanina pa ako namatay sa sobrang tahimik."pag paparinig ni Dark.
Napatigil kami sa pag lalakad ng tumigil si Shadow na nasa harap namin. Lumingon siya kay Dark, masama ang awra niya kaya mas pinili kong pumagitna sa kanilang dalawa dahil baka magka gulo.
"Hindi ka ba talaga tatahimik?"iritang tanong ni Shadow.
"Hindi, hanggat gusto kong mag salita wala kang magagawa."pang aasar ni Dark.
Agad akong naalarma ng tutukan ni Shadow si Dark ng patalim.
"Kung hindi ka tatahimik ay mas mabuting dukutin ko na lamang ang dila mo. Hindi ka ba nag iisip ha? Ang ingay mo, kapag narinig tayo ng kalaban o ng halimaw malamang patay tayo." Inis na sabi ni Shadow kay Dark, inagaw ko kay Shadow ang hawak niyang patalim kaya napatingin ito sa akin.
"Tama na, wag na kayo mag away, wala tayong oras para mag away pa kayo. Hindi ito ang tamang sandali para jan. Malapit ng dumilim, kailangan natin ng matutuluyan."sabi ko kaya inirapan ni Shadow si Dark na naka ngiti lang.
"Bakit ba kasi kasama natin siya?"iritang tanong ni Shadow sa akin.
"Kasi nga Trio ang tema ng laro." Sagot ni Dark.
"Hindi ikaw ang kausap ko pwese ba? Napaka epal mo talaga eh no."inis na sabi ni Shadow kay Dark at tinulak ito. Agad ko namang hinila palayo si Shadow kay Dark bago pa niya ito masuntok.
"Pwede ba, para kayong mga bata."inis na sabi ko kaya tumayo ng maayos si Shadow.
"Kung hindi kayo aayus ay mag hahanap ako ng ibang kasama."banta ko kaya napatingin sa akin si Shadow.
"Dark, tigilan mo na nga ang pang aasar, at ikaw naman Shadow. Habaan mo ang pasensya mo, wag kang maging mainitin."sabi ko at inirapan sila. Parang nag karuon ata ako ng dalawang anak na pasaway dahil sa ginagawa nila.
"Ngayun, ang kailangan nating gawin ay mag hanap ng matutuluyan. Bago dumilim, tara na."sabi ko at nanguna sa pag lalakad. Josko, sa dinami rami naman ng pwede kong maging ka trio ay sila pa talaga..
Eh hindi ata tatagal ng limang minuto na hindi sila mag aaway.
"Moon."tumigil ako sa pag lalakad at hinarap sila, nakaturo ang kamay ni Dark sa kaliwa kaya tinignan ko ito.
Mula sa kinatatayuan ko ay napansin ko ang isang daan na patungo sa isang bahay na gawa sa candy.
"Bahay na gawa sa candy?"tanong ko.
"Hansel and Gretel lang ba?"sabi ni Dark na nasa tabi ko na.
Lumingon ako kay Shadow na nakatingin din sa bahay.
"Pwedeng jan tayo mag palipas ng gabi." Sabi ni Shadow.
"Malay mo may mangkukulam pala jan tas natulog tayo jan, pag gising naten kaluluwa nalang tayo tas wala na tayong ulo."sabi ni Dark kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti lang siya sa akin.
"I check mo kung may tao sa loob."utos ni Shadow kay Dark, naismid naman si Dark at natawa.
"Bakit ako? Bakit hindi ikaw eh ikaw mas malapit."sabi ni Dark, napa irap ako. Mukhang mag aaway na naman sila.
"Tama na ako na ang sisilip."sabi ko at akmang mag lalakad ng pigilan ako ni Dark.
"Ako na."sabi niya pero biglang nag lakad si Shadow.
"Ako na."sabi ni Shadow.
"Eh di ikaw na."bulong naman ni Dark. Napairap ako. Pinanuod namin si Shadow na lumapit sa bahay, sumilip ito sa bintana saka nag tungo sa pinto at binuksan. Ilang minuto pa ay tumingin sa gawi namin si Shadow.
"Walang tao, safe."sabi ni Shadow.
"Tara na."sabi ko pero pinigilan ako ni Dark kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi ka ba nag tataka kung bakit walang tao jan, kung pwede namang mag karuon ng tao."sabi ni Dark na nag pakunot sa nuo ko. Tumingin siya sa akin at natawa.
"Syempre di mo Gets, slow ka eh."sabi niya saka kumuha ng bato at inasinta ang loob ng bahay.
"Hoi Anino, tabi."sabi ni Dark at saka binato ang bato na hawak sa loob ng Bahay, muntik ng matamaan si Shadow pero dahil mabilis siya ay naka ilag siya.
"Dapa!" Sigaw ni Shadow kaya agad kaming Dumapa at sa isang saglit lang ay biglang sumabog ang bahay.
Nakaramdam ako ng takot habang nakatingin sa wasak wasak na bahay.
"Ayus ka lang ba Moon?"tanong ni Shadow ng makalapit sa amin. Tumango tango ako at tumingin kay Dark.
"Walang anoman, ako lang ito. Alam kong matalino ako wag niyo ng sabihin pa."sabi niya kaya napairap si Shadow at natawa ako.
"Tara na, kailangan na natin ulit mag hanap ng matutuluyan."sabi ni Shadow.
"Yung hindi sumasabog."dagdag ko kaya natawa sila. Naunang mag lakad si Shadow habang kami ni Dark ay nasa likod niya. Biglang tumigil sa pag lalakad si Dark at hinila ako kaya napa kunot ang nuo ko. Tumingin ako kay Shadow na patuloy lang sa pag lalakad.
"Bakit?"tanong ko, tumingin sa akin si Dark.
"Siya ang imposter sa atin." Sabi ni Dark habang naka tingin kay Shadow.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...