MoonLight Academy 17

16K 464 9
                                    


"Ano? Ni hindi ko nga alam mga nangyayare kanina." Sabi ni Cloud habang takang taka kung bakit may Hawak na walis.

"Sinabi ko talaga yun?" Takang tanong niya. Tumigil naman si Red sa pag pupunas ng bintana saka tumingin ng masama kay Cloud.

"Tigilan mo kami sa kaartehan mo ulap, ikaw ang dahilan kung bakit napilitan akong sumama sa pakulo niyo na tutulungan yang hampas lupa na yan." Sabi ni Red saka ako tinignan ng masama.

"Huh?  wala nga akong matandaan na nag salita ako." Pilit naman ni Cloud.

"Oh eh di wag mo na alalahanin, mag ligpit ka nalang ng libro don." Sabi ni Ice at inirapan si Cloud, bigla akong nakaramdam ng guilt. Pati sila ay nadadamay. Hindi dapat sila pumayag na sumama sa akin. Hindi bagay sa kanila ang pag linisin.

"Oh anong tinatayo tayo mo jan hampas lupa?" Taas kilay na tanong ni Red sa akin kaya napatingin ang mga kasama ko sa akin, tinignan ko sila isa isa na nakatayo at tumigil sa ginagawa nila.

"Hindi dapat kayo naririto kasama ko." Nakita ko ang pag irap ni Red.

"Tama, kung hindi ka ba naman tanga para pumunta sa building ng mga Steler at kunin ang wine don eh di sana nag pa-practice tayo." Sabi ni Red.

"Tama na nga, ginusto naman natin na sumama sa kanya." Singit ni Shadow.

"Kung hindi kasi bida bida yung isa jan eh di sana wala tayo dito." Pag paparinig ni Red.

"Wala nga akong matandaan na sinabi ko yun, pag mulat nalang ng mga mata ko nandito na tayo sa lumang library tas may hawak na akong walis." Sabi ni Cloud pero hindi nakinig si Red.

" Moon umamin ka nga sa amin, pumunta ka ba talaga sa building ng mga steler at kinuha ang wine na nakita sayo?" Tanong ni Cloud sa akin, napatingin ako sa kanya at umiling.

"Moon, imposible naman kasi na si Zero ang kumuha non." Singit ni Ice.

"Si Zero ang kumuha non, kasama ko siya kagabi. Hindi ko alam kung bakit wala siya ngayun. Mapapatunayan ko yan sa inyo kapag nakita ko ulit si Zero." Sabi ko. Nag katinginan lang sila.

"Nababaliw ka na." Sabi ni Red at lumayo sa akin. Tahimik silang bumalik sa mga ginagawa nila kaya naman bumalik na din ako sa ginagawa ko, nag pupunas ako ng mga lumang libro habang sila Ice at Red naman ay nag wawalis, si Shadow naman ay nag pupunas ng mga table habang si Rain at Cloud naman ay nag aayus ng libro sa kabila.

"Moon." Napa tingin ako sa likod ko pero wala akong nakitang tao don, may naramdaman akong kumalabit sa akin ng dalawang beses sa balikat ko kaya napatingin ako don at nakita si Zero na malungkot ang mukha at may hawak na pamunas.


"Sorry." Sabi niya.

"Zero..."Tawag ko, huminga siya ng malalim saka tumingin ng malungkot sa akin.

"Nabalitaan ko na pinatawag kayo ni Admiral kanina, at binigyan ng kaparusahan. Sinubukan ko silang kausapin pero hindi sila nakikinig sa akin." Sabi niya habang malungkot na naka yuko.

Imbes na magalit ako sa kanya ay nakaramdam ako ng awa.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Tutulungan ka." Sabi niya saka inangat ang basahan na hawak niya.

"Tutal ako naman ang dahilan kung bakit ka napahamak. I'm Sorry." Sabi niya kaya agad akong umiling.

"Okay lang, nalulungkot lang ako dahil pati sila ay nadamay." Sabi ko.

"Nag punta ako sa office ni admiral at admin kanina, kinakausap ko sila pero ayaw nila akong pakinggan. Wala akong magawa para protektahan ka." Sabi niya bagay na kinalungkot ko.

" Sabi ko naman kasi sayo papagalitan tayo eh." Sabi ko.

"Sorry." Malungkot niyang sabi, ngumiti ako sa kanya.

"Marunong ka bang mag linis?" Tanong ko kaya napatingin sya sa akin at umiling. Ngumiti ako.

"Maupo ka nalamang at panuorin ako, oh di kaya ay kausapin mo ang mga kaibigan natin." Sabi ko pero umiling siya.

"Gusto kong matuto kung paano mag linis." Sabi niya kaya natawa ako.

"Sigurado ka ba jan?" Tanong ko, tumango tango siya kaya natawa ako at tinuro ang katabing bookshelf .

"Doon ka, kunin mo yung mga lumang libro tapos ilapag mo sa baba." Sabi ko kaya naman tumango siya at agad na kinuha ang libro na naruon.

" Hoi Moon." Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Red na naka kunot ang nuo.

"Pwede ba kung nagiging baliw ka na naman ay hinaan mo naman ang boses mo. Nakakairita." Sabi niya saka umalis kaya binalik ko na lamang ang tingin ko kay Zero na ngayun ay naka tungtong sa upuan at kinukuha ang mga libro sa taas.

"Kaya mo ba?" Tanong ko, tumingin siya sa akin at tumango.

~~~

Tweet me 

Facebook: Arline Laure ll

Instagram And Tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon