A/n: Play Arcade by Duncan Laurence.
Malamig ang simoy ng hangin na umiihip sa amin habang inaabangan si Dark na kinuha pa nila sa pinaka dulo ng Moonjail. Pinanatili ko ang aking malamig na awra habang nasa harap namin sila Rain at Fly.
"Moon, hindi mo kailangang gawin ito." Sabi ni Fly habang nakatingin sa akin, tinignan ko lang siya ng malamig saka umiwas ng tingin.
Nag iisip pa ako kung ano ang susunod kong gagawin kapag nakalabas sa Moonlight sila Fly. Kailangan nilang makumbinsi ang Levticus na tulungan kami upang matapos na ang mga hindi tamang nagaganap dito sa loob ng Moonlight.
Pero kinakabahan ako, paano kapag nakontrol na nila Admiral ang utak ko saka palang dadating ang mga leviticus? paano pag nahuli sila sa pag dating?
Kailangan kong gumawa ng panibagong plano para hindi nila ako makontrol, napatingin ako sa nilalang na nakatayo sa harap ni Rain.
Si Star, naningkit ang mata ko. Paano ko makukuha ang bilog na nag lalaman ng pekeng ala-ala ni Star? kakailanganin ko ang tulong ni Star.
Sinubukan kong pasukin ang isip ni Star ngunit ang tangi ko lamang nababasa ay ang galit niya para sa akin.
Umiwas ako ng tingin saka huminga ng malalim,'Zero, tulungan mo ako.'
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-oohNapatigil ako ng makita kong bitbit na nila Shadow, Cloud at Ice si Dark, agad na dumaloy ang galit sa aking puso ng makita ko ang kalagayan niya. Sinong gumawa nito sa kanya?
A broken heart is all that's left
I'm still fixing all the cracks
Lost a couple of pieces when
I carried it, carried it, carried it homeNapalunok ako at palihim na kinuyom ang palad ko, halos hindi ko siya makilala dahil sa pasa at sugat na nasa katawan niya, maging ang kanyang mukha ay puno ng pasa at ang kaliwang mata niya ay duguan. Anong ginawa nila sayo Dark?
Pabagsak na binitawan ni Shadow si Dark kila Fly at Rain na agad namang sinalo ni Fly, gigil akong tumingin kay Shadow na walang emosyon sa mukha habang nakatingin sa kapatid niya, muli kong pinag masdan si Dark na nanghihina.
I'm afraid of all I am
My mind feels like a foreign land
Silence ringing inside my head
Please, carry me, carry me, carry me home"D-dark." Tawag ni Rain at tumingin sa akin, agad na tumulo ang luha ko pero nanatili ang malamig kong emsyon sa kanilang tatlo.
"M-Moon..." Napatingin ang lahat sa akin ng tawagin ako ni Dark, ang isang naniningkit niyang mata ay nakatingin sa akin.
I've spent all of the love I saved
We were always a losing game
Small-town boy in a big arcade
I got addicted to a losing gameNapakagat ako sa aking ngipin at umiwas ng tingin, hindi ako pwedeng madala ng aking emosyon, isang maling galaw ay mag babago ang isip ni Admiral at Admin na nasa likod ko lamang.
"M-Moon.." Muling tawag ni Dark, agad siyang inalalayan ni Rain at Fly para tumayo at lumapit sa akin, napapikit ako ng nasa harap ko na si Dark. hindi dapat ako madala ng aking emosyon.
Oh-oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh
All I know, all I know
Loving you is a losing game"A-anong.... g-ginagawa mo?" nang hihinang tanong ni Dark sa akin, minulat ko ang mata ko saka tumingin sa kanya. Pakiramdam ko ay dinudurog ang aking puso dahil sa sitwasyon niya ngayun.

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...