Tahimik lamang ang loob ng sasakyan, walang nag sasalita sa amin, deretso lamang ang aming mga tingin at walang emosyon ang aking mga kasama.
Papauwi na kami sa Moonlight, ang mga studyante ng Leviticus ay nanatili sa arena dahil sa papangaralan pa sila at kakausapin. Wala ni isa sa mga kasama ko ang bumati sa kanila kanina maliban sa akin.
Si Dark naman ay agad na sinugod sa hospital malapit sa Arena, yan lamang ang alam ko. Ang sabi ng mga kasama niya ay agad namang bumuti ang pakiramdam niya, bagay na kinagaan ng loob ko.
Hindi pa ko nag papasalamat sa ginawa nyang pag harang ng kanyang sarili upang di ako ang masaksak ni Red.
Alam ko na disappointed sila at galit dahil hindi kami ang nanalo, lalo na si Red na talagang walang emosyon at sa iisang dereksyon lamang naka tingin.
Napayuko ako at huminga ng malalim, dama ko ang galit ni Red mula dito sa kinauupuan ko.
Kahit na nakahanda na ako sa mga mangyayare ay kinakabahan parin ako. Alam ko na ganito ang mangyayare sa planong ginawa namin ni Dark.
"Sayang." Nakatulalang sabi ni Star kaya napatingin ako sa kanya at ganon din ang mga kasama namin maliban kay Red na parang walang ibang narinig.
"Anong nangyare?" Nang hihinang tanong ni Ice at tumingin sa akin. "Moon?" Dugtong niya habang nakatingin sa akin, kitang kita ko ang disappointment sa kanyang mga mata.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung ano ang ipapaliwanag ko, gusto kong mag salita at humingi ng tawad ngunit wala akong lakas para igalaw ang bibig ko.
"Ayus naman ang usapan hindi ba?"nang hihinang tanong ni Star at tumingin sa akin.
"Ang sabi mo, hindi mo uulitin ang ginawa mo. Nangako ka sakin Moon." Puno ng pang hihinayang ang boses niya, napayuko ako, agad na tumulo ang luha ko.
"Isa kang mag aaral ng Moonlight pero mas pinili mong kampihan ang mga Leviticus. Isa kang traydor." Mas lalong bumigat ang loob ko sa sinabi ni Shadow.
Mas pinili ko na lamang ang tumahimik kesa sa mag salita, pakiramdam ko ay useless din kung ipapaliwanag ko ang side ko pero di sila makikinig.
Sarado pa ang isipan nila.
"Sorry." Sawakas ay nag karuon din ako ng lakas para sabihin ang isang salita na iyan.
Agad akong napapikit ng biglang sumugod sa akin si Red at sinakal ako paangat sa kinauupuan ko, agad namang umawat si Cloud ngunit mas malakas parin si Red kaya tumilapon lang siya.
Kitang kita ko ang galit sa mata ni Red habang sakal sakal ako.
"SIMULA NG MAKASAMA KA NAMIN AY WALA NG IBANG MAGANDANG NANGYARE SA AMIN KUNDI KAMALASAN!" Sigaw ni Red at mas diniinan ang pag kakasakal sa akin, tanging pag pupumiglas lamang ang nagawa ko.
Tumulo ang kanyang luha.
"PINAG KATIWALAAN KA NAMIN MOON! PINAG KATIWALAAN KITA TAPOS ANONG GINAWA MO?!"
"Tama na!" Sigaw ni Rain at inawat si Red at sa pag kakataong ito ay umawat na din sila Shadow at Star, hinila nila palayo sa akin si Red habang si Rain naman ay hinila ako palayo kay Red at inalalayan ako.
"Pwede ba, tama na. Tapos na, wala na tayong magagawa para baguhin ang nangyare."sabi ni Rain habang naka alalay sa akin, hinabol ko ang hininga ko at napatingin kay Red na masama ang tingin sa amin ni Rain.
"Ikaw, ikaw ang may kasalanan nito Rain." Sabi ni Red at papalit palit ang tingin sa amin ni Rain.
"Kung hindi mo sinali ang pangalan niya sa RFE ay malamang hindi siya ang mabubunot at wala siya dito ngayun!" Puno ng galit na sabi ni Red.
"Bakit ba gustong gusto niyong manalo ha? Para maging Famous kayo? Para maging proud ang mga magulang niyo sa inyo? Laro lang yun!" Inis na sabi ni Rain.
"HINDI MO NAIINTINDIHAN!" sigaw ni Shadow kay Rain, agad kong hinawakan si Rain kaya tumingin siya sa akin, umiling ako para sabihin na wag na siyang mag salita pero hindi siya nakinig.
"Kung para sayo laro lang yun pwes para samin mas higit pa sa laro yun!" Galit na sabi ni Shadow habang nakatingin kay Rain.
"Buhay ng lolo ko ang nakataya dito." Puno ng hinanakit na sabi ni Red habang umiiyak at nakatingin sa akin.
"Yung laro na yun ang pag asa ko para gumaling ang lolo ko Moon, Tangina. Pero ang dali lang para sayo na ipatalo ang laro!" Sigaw ni Red dahilan para mapatigil ako.
"Palibhasa, sanay ka ng mawala Moon, palibhasa sarili mo lang ang iniisip mo. Ni hindi mo manlang naisip ang mga kasama mo, Moon tangina buhay ng lolo ko yun." Nang hihinang sabi ni Red at napaupo sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.
Agad tumulo ang luha ko.
"Red.."
"Wag kang lalapit sa akin!" Sigaw niya, agad siyang inalo ni Ice.
"Dalawang taon ang nakakaraan ng mamatay ang kapatid kong bunso." Malamig na sabi ni Shadow habang nakatingin sa akin.
"Yung premyo na makita namin si Hasreffa ay isang malaking karangalan para maibalik ang buhay ng kapatid ko Moon." Sabi niya at puno ng sakit ang mata.
"Pero mas pinili mo ang kumampi sa mga Leviticus kesa sa aming mga kaibigan mo." Dagdag niya dahilan para mas lalo akong makonsensya.
Hindi ko alam ang mga sinabi nila, hindi ko alam na kaya gustong gusto nilang manalo ay dahil sa may mga bagay silang gustong hilingin kay Hasreffa.
"I'm sorry--"
"Tama na, hindi mababalik ng sorry mo ang lahat Moon." Malamig na sabi ni Cloud kaya mas lalo akong napaluha.
Akala ko, kapag natalo kami ay ayus lang sa akin, pero dahil sa mga sinabi nila ay nanghinayang ako, ni hindi ko alam na kailangan din nila ang manalo.
Mas inisip ko si Zero kesa sa kanila, pero ang sabi ni Dark, kapag nanalo kami ay may bagay na hihilingin sila Mr and Mrs Steler na bumalik, yun ang dahilan ko kaya ayokong manalo.
Tinulungan ko si Zero, sigurado akong tutulungan niya akong mag paliwanag kila Red kung ano ang dahilan kung bakit mas pinili kong ipatalo ang laro.
"Kaya ko lang naman pinatalo ang laro... Dahil kay Zero."sabi ko dahilan para sabay sabay silang mapatingin sa akin.
Napalunok ako.
"Ang sabi niya ipatalo ko ang laro dahil may binabalak sila Mr and Mrs Steler na ibalik." Paliwanag ko. Kumunot ang nuo ni Red at tumayo.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin saka ako sinampal ng malakas.
"SA TINGIN MO BA AY MANINIWALA KAMI SA SINABI MO HA?!"galit niyang sigaw sa akin, agad namang kinuha ni Shadow si Red at nilayo muli sa akin.
"Maniwala kayo, dalawang beses nag pakita sakin si Zero sa laro at--"
"Moon tama na." Pigil ni Rain sa akin kaya umiling ako.
"Sinasabi ko yung totoo Rain, yun ang dahilan ko at sigurado akong ipapaliwanag niya yun sa inyo." Sabi ko nakita ko ang pag tulo ng luha ni Rain saka ako niyakap ng mahigpit.
"Tama na Moon, tama na." Umiiyak niyang sabi habang yakap yakap ako.
"Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin, oo ako ang dahilan kung bakit tayo natalo pero sinasabi ko ang totoo."sabi ko, kumalas si Rain sa pag kakayakap saka tumingin sa akin habang umiiyak.
"Sinong maniniwala sa isang baliw na katulad mo Moon?"tanong ni Star kaya napatingin ako sa kanya.
"Ginagamit mo ang pangalan ni Zero para paniwalaan ka namin, sa tingin mo ba maniniwala kami?" Sabi ni Ice habang yakap si Red.
"Totoo yun--"
"MATAGAL NG PATAY SI ZERO MOON! PAANO KAMI MANINIWALA SAYO KUNG ANG PANGALAN NA SINASABI MO AY MATAGAL NG NAKABAON SA HUKAY?!"
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure
Merry Christmas y'all love lots♥️😘
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...
