MoonLight Academy 42

12.9K 332 3
                                    

"SAAN KA BA KASE NAG PUNTA?!" sigaw sa akin ni Red ng makapasok kami sa loob ng room namin. Hindi ako sumagot dahil alam kong babarahin niya lang ako ulit pag sumagot ako.

Natalo kami, base namin ang nabasag ng mga Leviticus habang hinahanap nila ako. Panalo ang mga Leviticus.

"ANG GANDA GANDA NG PLANO MOON TAPOS BIGLA KANG MAWAWALA?!"Iritang tanong sa akin ni Red. Napaiwas ako ng tingin ng mag tama ang tingin namin ni Shadow. Halata din sa kanyang mukha ang pagka dismaya.

Napalunok ako at yumuko.

"Sorry." Sabi ko. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Red saka iiling iling na tumingin sa akin.

"Ano pang magagawa ng Sorry mo Moon? Talo na tayo. Sa practice palang nadungisan na ang pangalan ng Moonlight. HINDI KA BA TALAGA NAG IISIP HA?!"sigaw niya at halata sa boses niya ang galit.

"Pwede ba, hayaan mo muna si Moon mag paliwanag."tanggol sa akin ni Shadow na mas nag pagana ng konsensya ko.

Tumingin sa akin si Shadow.

"Saan ka ba nag punta Moon? Nag alala kami sayo."sabi niya. Napa lunok ako.

"Sige, ipag tanggol mo pa."iritang sabi ni Red at inirapan ako.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o mag sisinungaling ako. Pag sinabi ko ang totoo sa kanila na kasama ko si Dark, malamang ay magagalit sila. Lalo na si Shadow.

"Nasa pwesto lang ako kanina... Hinihintay ang pag tapak ng mga Castro sa linya kagaya ng napag usapan."sabi ko at yumuko. "Nang makita ko ang isa sa mga Leviticus na nanunuod at nag aabang sa gagawin natin."pang sisinungaling ko saka tumingin sa kanila.

"Kaya naman sinundan ko yun at susugatan sana ng makita niya ako kaya napa takbo siya at hinabol ko siya. Nawala sa isip ko ang plano, naalala ko lamang yun ng makalayo ako sa inyo."pag sisinungaling ko. Hindi ko pwedeng sabihin na may anibang naganap sa amin ni Dark.

"Sinubukan ko kayong hanapin pero naligaw ako. Kung saan saan ako nag tungo hanggang sa mapadpad ako sa kuta ng mga Leviticus. Nakita ko si Dark na nag babantay don at plano ko sanang basagin ang base kaso naruon din ang isa niyang kasama. Kaya mas pinili kong hanapin na muna kayo bago gumawa ng plano sa pag basag sa base ng Leviticus."sabi ko. Natahimik silang lahat. Hindi ko alam kung gagana ba ang pag sisinungaling ko sa kanila pero sana nga ay gumana.

"Hayaan na natin ang naganap."napatingin ako kay Star na seryosong nag salita.

"Practice pa lang naman yun, hindi pa iyon Final game."dagdag niya saka tumingin sa akin ng seryoso na para bang alam niya na nag sisinungaling ako. Umiwas lamang ako ng tingin.

"Kapag nawala ka ulit sa Final game Moon sisiguraduhin ko na magiging abo ka."gigil na sabi ni Red sa akin bago kami tinalikuran at pumasok sa kanyang kwarto. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto kung nasaan kami. Muli kong naalala ang naganap kanina.

Nakita ko siya, pero sandali lamang iyon.

"Moon." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Star.

"Pwede ba kitang makausap sa labas?"tanong niya. Tumango ako, nauna siyang lumabas kaya sumunod ako.

Pagka labas ko ay nakita ko siyang naka sandal sa pader habang seryoso ang mukha. Ngayun ko lamang nakita na seryoso siya.

"Ano ang pag uusapan natin?"tanong ko. Tumingin siya sa akin saka huminga ng malalim.

"Nakita kita."sabi niya bagay na kinatigil ko.

"Nakita kita na umalis habang kinakalaban namin ang mga Castro." Sabi niya kaya napa yuko ako.

"Nakita din kita, na kausap si Dark habang nag tatago kayo sa likod ng malaking bato." Napapikit ako. Kaya pala seryoso siya ay dahil sa nakita niya ako.

"May kasunduan kami ni Dark." Sabi ko at tumingin sa kanya. "Mag kikita kami sa lugar nila at ipapakita niya sa akin si Zero."sabi ko na kinatawa niya.

"Moon, hindi iyon ang problema." Sabi ni Star at huminga ng malalim. "Kung sa final Game ay gagawin mo din ang gaya ng ginawa mo kanina, siguradong matatalo tayo at bababa ang ranggo ng Moonlight." Sabi niya.

Bakit ba mahalaga ang ranggo ng Moonlight?

"Moon, wag naman sana pati ikaw ay mag tataksil sa Moonlight."agad akong tumingin sa kanya at umiling.

"Hindi ako mag tataksil. Sadyang may kasunduan lamang kami kanina ni Dark."sabi ko.

"Paano kapag naulit ang kasunduan niyo Moon? Ganon nalang ba kadali sayo na isuko lahat ng pinag hirapan mong matutunan para lang sa pag hahanap kay Zero na yan?"tanong niya. Napaiwas ako ng tingin.

"Gusto kong... Isumbong ka kanina Moon, pero nakita mo naman si Red. Sobrang galit na galit siya at pag nalaman niya ang totoo ay malamang nasaktan ka na nya at pinatanggal sa Team." Sabi niya saka yumuko. Dama ko ang disappointment sa mga salitang binibitawan niya.

"Nasa isang kompetisyon tayo Moon, isantabi mo muna ang nararamdaman mo. Dahil sa kompitisyon na ito nakasalalay sayo lahat Moon dahil ikaw ang captain." Sabi niya saka huminga ng malalim.

"Gusto mo bang malaman ang sekreto namin?"tanong niya. Hindi ako sumagot. Anong sekreto ang sinasabi niya?

"Narinig namin sila Admiral at Mr Stealer na nag uusap. At ikaw ang pinag uusapan nila Moon." Sabi niya. Bakit ako?

"Kapag natalo ang Moonlight sa MLA, gagawa sila ng paraan para paalisin ka sa Moonlight. At alam mo kung ano ang malala Moon?"tanong niya. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"May balak silang patayin ka."

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon