MoonLight Academy 40

13.1K 350 21
                                        

Napatigil ako sa pag lalakad ng makita ang unahang bahagi ng lugar ng mga Leviticus. Tahimik ang paligid at tanging malamig na hangin at ingay ng apoy ang naririnig ko, nasaan ang mga taga Leviticus?

Agad akong naalarma ng may marinig akong mga yabag, agad akong nag tago sa isang malaking puno at dahan dahang sumilip. Napalunok ako ng makita ko ang mga studyante ng Leviticus, pero wala don si Dark. Nasaan si Dark.

"Wag kang maingay." Halos mapatalon ako ng may magsalita sa tabi ko, napatingin ako don at nakita si Dark na gaya ko ay nakasilip din.

Bigla siyang napatingin sa akin kaya napa iwas ako ng tingin.

"Pag nawala sila, aalis tayo at babasagin ang base ng Castro." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Akala ko ba pinapunta mo ako dito para ituro kung nasaan si Zero?" Tanong ko, tumingin siya sa akin at inirapan ako.

"Obsess ka ba kay Zero? Bakit gustong gusto mong malaman kung nasan siya?" Tanong niya at muling sumilip.

"So hindi mo ako tutulungan?" Tanong ko at agad na nilabas ang patalim na hawak ko saka itinutok sa kanya. Napa angat naman siya ng kamay sa Ere at natawa.

"Kalma, mag hintay ka okay? nanjan pa ang mga kasama ko at pwedeng pwede ko silang tawagin para sugatan ka at mawala sa game." Sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama at dahan dahang binaba ang hawak kong patalim.

"Pag nasa base na tayo ng mga castro, ituturo ko siya sayo." Sabi niya at muling sumilip, tinago ko ang patalim na hawak ko at akmang uupo ng bigla niya akong hilahin at tinakpan ang bibig ko, nanlaki ang mga mata ko ng makita kung gaano kami kalapit sa isa't isa, sumenyas siya sa akin ng tahimik pero nag pumiglas ako.

"Wag ka ngang maarte, pag binitawan kita makikita ka nila."

Iritang sabi niya sa aking isip kaya kumalma ako at hinayaan ang pagitan sa aming dalawa, sobrang lapit namin sa isa't isa, isang maling kilos lamang ay mahahalikan niya na ako.

Napalunok ako ng makita ang isang kasamahan niya na tumingin sa gawi namin. Halos tumigil ang pag hinga ko ng tumingin ito sa ilang mga kasamahan niya.

"Walang tao dito."Sabi nito sa mga kasamahan niya at muling tumingin sa gawi namin at nilibot ang tingin. Kumunot ang nuo ko at napatingin kay Dark na naka tingin ng seryoso sa akin.

"Tara na sa base ng Moonlight." Dinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan ni Dark.

Muli akong napatingin sa gawi ng babaeng sumilip sa amin, talaga bang wala siyang nakikita.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang mawalan ng balanse si Dark dahilan para mapasandal ako sa puno at makulong sa braso niya, ang mas lalong nag palaki sa aking mga mata ay ng lumapat ang kanyang labi sa aking labi.

Bigla akong kinabahan at akmang itutulak siya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pumikit habang nakalapat parin ang kanyang labi sa aking labi. Naramdaman ko ang pag tagaktak ng pawis ko hanggang sa siya na mismo ang lumayo sa akin, Sumilip siya sa likod at tumingin sa akin.

"Wala na sila." Sabi nya kaya agad ko siyang sinampal bagay na kinagulat niya.

"Aray!" Inis niyang sabi.

"Bakit mo ako hinalikan?" Iritang tanong ko. Natawa siya.

"Aksedente yun hindi ko ginusto yun." Natatawa niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mag pupomiglas ako pero hinawakan mo ang mga kamay ko, talagang aksedente yun?" Sarkastikong tanong ko kaya natawa siya.

"Hindi ko gustong halikan ka, nawalan ako ng balanse kaya dumampi ang malambot kong labi sa matigas mong labi." Pang lalait niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero natawa lang siya.

"Isa pa, pag hinayaan kitang mag pumiglas kanina, mawawala ang powers ko at makikita nila tayong mag kasama, pag nakita ka nila malamang susugatan ka nila dahilan para hindi ko maturo sayo kung nasaan si Zero mo." Sabi niya kaya umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Hanggang ngayun ay mabilis parin anh tibok ng puso ko, kailangan kong ikalma ang sarili ko.

"Teka, wag mo sabihin na may epekto sayo ang AKSEDENTENG halik ko?" Tanong niya habang naka ngisi, talagang diniinan niya pa ang salitang Aksedente.

"Tara na, pumunta na tayo sa base ng Castro para matapos na ito at maturo mo na sakin kung nasaan si Zero." Sabi ko at humakbang palayo sa kanya pero napatigil ako at lumingon sa kanya.

"Wag kang lalapit sa akin." Sabi ko at muling nag lakad, narinig ko ang pag tawa niya dahilan para mas lalo akong mainis sa kanya.

"Alam mo, kung may epekto sayo ang AKSEDENTENG pag halik ko maari naman nating ulitin, malay mo mawala ang epekto sayo." Pang aasar niya pero hindi ko siya pinansin.

"Hoi Moon HAHAHAAHAH saglet." dinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin at nag patuloy sa pag lalakad, napatigil ako ng matanaw ko kung sino ang makakasalubong namin ni Dark, agad akong nag tago sa malaking bato at hinila si Dark papunta sa tabi ko.

"Mag hahalikan nba ulit tayo?" Tanong nya kaya kinurot ko ang tagiliran niya sa inis pero Mukhang sisigaw siya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya at sumenyas na manahimik.

"Bakit ka ba nangungurot?" Bulong niyang tanong habang naka kunot ang nuo, sinilip ko ang dereksyon kung saan nakita ko si Red at Shadow.

Nakita ko na papalapit sila sa gawi namin kaya napatingin ako kay Dark.

"Gawin mo ulit ang invisibility mo." Sabi ko kaya mas lalong kumunot ang nuo niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Nandito sila Red at Shadow, malamang ay hinahanap nila ako." Sabi ko.

"Hindi ko pwedeng gawin yun." Sabi niya na nag pakunot sa nuo ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Minsan ko lang nagagamit yun, pag seryoso ako. eh hindi naman ako seryoso ngayun." Sabi niya kaya napapikit ako sa inis.

"Unless hahalikan mo ako." Inis ko siyang tinignan at muling napasilip, halos manlaki ang mga mata ko ng makitang sobrang lapit na nila sa amin, napatingin ako kay Dark na nag kibit balikat lang habang naka ngiti.

Hindi dapat nila kami makitang mag kasama ni Dark.

Agad kong hinila palapit sa akin si Dark at pikit matang hinalikan.

~~~~~

Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon