MoonLight Academy 83

11K 211 11
                                        


Naiwan akong mag isa dito sa hide out nila Fly, tahimik lamang ang paligid at ang tanging ingay lamang na maririnig ay ang pag takbo ng mga kamay ng orasan.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa larawan ni Zero na nasa gilid, nakita ko ito kanina ng mag libot ako sa lugar na ito. Nararamdaman ko na din ang mga paa ko kanina kaya naman nag libot ako dito ng may pag kakataon ako.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa bumabalik si Fly, ilang minuto na din ang nakakalipas pero wala parin akong maisip na plano kung ano ang susunod kong gagawin.

Ano mang oras ay hahanapin na ako nila Admiral at admin, ano mang oras ay malalaman nila na naka wala ako sa kamay ni Admin, At ano mang oras ay pwede nilang utusan ang mga studyanteng nalagyan nila ng pekeng ala-ala para hanapin ako.

Biglang sumagi sa isip ko si Dark, isa pa yun. Ano mang oras ay pwede nilang saktan si Dark o di kaya ay patayin. Napatayo ako sa kina uupuan ko at lumapit sa malaking larawan nila Zero, Dark At Fly na nasa gitna ng pader.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." Sabi ko sa sarili ko.

"Sa paanong paraan niyo nais mamatay?"tanong ng isang lalaking kasama ng sumuntok sa akin kanina.

"Pakawalan niyo sil--"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mula sa likod ng mga Castro ay dumating sila Dark na agad sinugod ang mga Castro. Nahulog kami sa baba ng mawala sa konsentrasyon ang komokontrol sa amin kanina.

Kinuha ko ang pagkakataon na ito para panain ang dalawang lalaking bumugbog sa akin kanina, sabay sa pag baon ng palaso sa katawan ng isang lalaki ang pag baon ng hawak na patalim ni Dark, napatingin sa akin si Dark habang naka ngiti saka kumindat.

Nag patuloy sa pakikipag basag ulo ang Leviticus at Castro, habang kaming tatlo ay hinahabol parin ang hininga namin.

"Sa likod mo!" Sigaw ko kay Dark at agad na kinumpas ang kamay ko dahilan para biglang sumabog ang katawan ng lalaking taga Castro na may balak saksakin si Dark.

Napa lunok ako ng mag kalat ang lamang loob ng lalaking iyon. Napatingin ako sa kamay ko at sa mga kasama ko na nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

Natigil ang kaguluhan ng mapatay ng mga Leviticus ang ilan sa mga castro, tumingin sa akin si Dark na may talsik ng dugo sa mukha.

"Kadiri yun ah."sabi ni Dark at inalok ang kamay niya sa harap ko para tulungan akong tumayo. Kukunin ko na sana ito ng tutukan ni Shadow ng spada si Dark, agad naman naalarma ang mga kasama ni Dark at sabay sabay na itinutok kay Shadow ang mga hawak nitong sandata.

Natawa si Dark at sumenyas sa mga kasama niya na ibaba ang hawak nila.

Mag isa akong tumayo at tumingin kay Shadow na naka tutok parin ang spada kay Dark.

"Ibaba mo yan." Sabi ko, napatingin sa akin si Shadow.

"Pagkakataon na natin para patayin sila Moon."sabi ni Shadow kaya napa kunot ang nuo ko.

"Tinulungan nila tayo."sabi ko.

"Kaaway parin sila."dagdag ni Red na naka handa ang apoy.

"Kung di dahil sa kanila malamang ay patay na tayo."sabi ko.

"Kinakampihan mo ba sila Moon?"tanong ni Shadow, napatingin ako kay Dark na swabe lang ang awra. Umiling ako at huminga ng malalim.

Sa hindi ko alam na kadahilanan ay bigla ko na lamang naalala ang ginawang pag liligtas sa amin ng mga Leviticus sa mga Castro noong araw ng laro.

"Leviticus." Sabi ko at tumingin sa larawan ni Dark.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon