A/N: Play Love is Gone by Slander ft Dylan Matthew
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata habang naka tingin sa mga ilaw sa labas ng Moonlight. Narito ako ngayun sa rooftop ng pinaka mataas na Building ng Moonlight, hindi ito ang building ng mga Steler sapagat alam ko naman na bawal pumasok doon.
Kanina pa hinatid si Red sa Moon jail na tinatawag nila, hindi ko alam kung saan yun. Gusto ko sanang puntahan si Red at humingi ng tawad pero hindi ko alam ang daan papunta sa Moon jail.
Kaya naman napag desisyonan ko nalang na mag punta dito sa rooftop at mag labas ng sama ng loob, sobrang sakit na ng aking mga mata dahil kanina pa ako umiiyak. Ayoko sanang damdamin ang mga sinabi nila at pag mamaliit nila sa akin pero hindi ko magawa, para akong kinakain ng mga salitang binibitawan nila.
"Moon." Napatigil ako sa pag punas ng luha ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon, dahan dahan kong nilingon ang likod ko pero walang naruruon, maya maya pa ay naramdaman ko ang dalawang beses na pag kalabit sa balikat ko na siya namang nilingon ko.
Mas lalo ata akong maiiyak ng makita ko si Zero na naka tingin sa akin ng malungkot.
Kanina ko pa siya hinahanap sapagkat alam ko na alam niya kung saan ang daan papunta sa Moon jail. Kanina ko pa siya kailangan pero ngayun lang ulit siya nag pakita matapos niya akong yakapin kanina sa may Garden at sinamahan pauwi sa facility.
"Zero..." Tawag ko, malungkot siyang ngumiti at umupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Sabay naming tanong sa isa't isa bagay na kinatawa namin.
"May sasabihin ako"
"Kanina pa kita hinahanap." Napatingin kami sa isa't isa ng sabay ulit kaming mag salita.
"Sige ikaw muna." Sabi ko at hinawi ang buhok ko.
"Bakit mo ako hinahanap?" Tanong niya habang naka tingin sa mga ilaw na nasa labas ng MoonLight. Tumingin din ako don at huminga ng malalim.
"Mag papasama sana ako sayo papunta sa Moon Jail." Sabi ko.
"Bawal pumasok ang mga studyante don, lalo na kung hindi ka pinatawan ng kaparusahan na makulong sa Moon jail." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, sobrang seryoso ng boses niya. Ito ang unang beses na hindi siya nag bibiro sa akin kaya naman kinakabahan ako.
"Ayus ka lang ba?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin. Huminga sya ng malalim saka muli akong hinarap.
"Moon."Seryoso niyang sabi saka hinawakan ang kamay ko.
"Normal ba na maging masaya ako habang kasama kita?" Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.
"Oo naman, lagi kang nag jojoke at lagi--"
"Moon, gusto kita." Napatigil ako sa sinabi niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Gustong gusto kita, hindi ko alam kung paano pero simula ng makita kita noon gusto kitang yakapin." Sabi niya, para akong na pipe sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung matutuwa ba ako o ano.
"Gusto mo rin ba ako?" Tanong niiya kaya napa lunok ako at napa tingin sa mga mata niya.
"Z-Zero..."
"Oo o Hindi lang Moon." Sabi niya kaya mas lalo akong napipe.
"hindi ko alam." Sabi ko at napatingin sa mga mata niya. Hindi ko alam kung lungkot o tuwa ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Mabuti kung ganon." Sabi niya at dahang dahang binitawan ang kamay ko kaya napa tingin ako don.
"Huh?" Tanong ko at bumalik sa kanya ang tingin ko.
"Mabuti ng wala kang nararamdaman para sakin, ng sa ganon ay panatag ang loob ko na lumayo na sayo." Napatigila ako sa sinabi niya. Lumayo?
"Anong lumayo? lalayo ka sakin? b-bakit?" Tanong ko. Ngumiti siya ng malungkot saka tumingin sa malayo.
"Kasi ayokong saktan ka." Sagot niya at napa yuko. " Kasi ayokong nakikita kang umiiyak."Dagdag niya at tumingin sa akin. "Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit iiyak ka." Sabi niya bagay na nag pakunot sa nuo ko.
"Zero hindi naman ako masasaktan eh,bakit kailangan mong lumayo?"Tanong ko habang naka tingin sa kanya. "Ikaw na nga lang nag iisang kakampi ko iiwan mo pa ako."Sabi ko at di na napigilang umiyak, Umiling siya at agad na pinunasan ang luha ko.
"Hindi mo naiintindihan Moon."
"Ipaliwanag mo sa akiin kung bakit kailangan mong lumayo? Anong masasaktan ako at iiyak? Zero hindi kita maintindihan." Agad niya akong niyakap kaya napa pikit ako at niyakap siya.
"Hindi ito ang tamang oras para sabihin sayo Moon, ayokong dagdagan ang pagiging malungkot." Sabi niya.
"Pero dinadagdagan mo na Zero." Sabi ko at kumalas sa yakap. tinignan ko siya.
"Bakit Zero? Bakit ka lalayo sa akin." Sabi ko.
Ngumiti lang siya sa akin saka dahang dahang hinalikan ang kamay ko.
"Ayokong sa huli masasaktan ka, kaya lalayuan na kita kasi alam ko na ako ang magiging kahinaan mo." Sab niya at ngumiti.
"Zero...." Bigla siyang nawala sa paningin ko at naiwan akong mag isa na naka upo dito habang naka tingin sa kaninang inuupuan niya.
Ramdam ko ang sunod sunod na pag patak ng luha ko habang hindi parin tumitingin sa ibang dereksyon.
Sya na nga lang ang nag iisang kakampi ko pero iniwan niya din ako.
"AHHHHHHHHHH!" Sigaw ko at napa yuko. Bakit ang kaisa isang kakampi ko ay iniwan ako.
"Moon?" Umiiyak kong nilingon ang tumawag sa akin at nakita si Shadow.
"Shadow..." nangangatal kong tawag, agad naman siyang tumakbo palapit sa akin, agad ko siyang niyakap at umiyak habang naka kulong sa bisig niya.
~~~~
Tweet me
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...