MoonLight Academy 98

10.3K 197 37
                                    

A/N: Play Arcade by Duncan Laurence

Tumigil kami nila Fly, Rain at Shadow sa isang lugar malayo sa kinatatayuan ni Admin. Nag katinginan kaming apat.

"Kailangang guluhin si Admiral at saka niyo dadakipin si Admin."sabi ni Fly kaya tumango kaming tatlo.

"Ako na ang gugulo kay Admiral, kayo na ang bahalang dumakip kay admin."sabi ni Fly kaya tumango kami.

Tumingin sa akin si Shadow.

"Pwede mong gamitin ang kakayahan mong maging invisible para di ka makita ni Admin."sabi ni Shadow sa akin kaya napa lunok ako.

"Bro, kapag hindi ako seryoso, hindi ko napapagana ang invisibility ko."sabi ko kaya ngumiti siya sa akin.

"Kaya nga isipin mo na gagawin mo ito, para kay Moon."sabi niya kaya napatingin ako sa gawi ni Moon na hindi umaalis sa kanyang kinatatayuan ngunit nananatili ang malamig niyang awra at walang ano mang emosyon namababakasan sa kanya.

Tama, kailangan kong subukan na maging invisible para makalapit kay Admin, tumango ako kay Shadow saka binalik ang tingin sa kanya.

"Susubukan ko." Sabi ko kaya ngumiti sa akin si Shadow.

"Kung ganon, pumwesto na kayo." Sabi ni Fly at tumakbo na palapit kay Admiral, agad akong huminga ng malalim at nag focus.

Kaya ko ito, gagawin ko ito para kay Moon, pinakit ko ang aking mata at nag focus, kailangan ko lang mag isip ng isang bagay na makakapag paseryoso sa akin, biglang sumagi sa isip ko si Shadow na kailangang lumabas dito para makita sila Mama at Papa, si Moon na may nag hihintay na matagal ng nawalay na pamilya. At sila Red na kaibigan ni Moon.

Kapag hindi bumagsak ang Moonlight ngayun, sigurado akong mag papatuloy ang panget na gawain sa lugar na ito.

Binuksan ko ang mata ko saka sumenyas kila Dark at Rain ng okay na kaya naman tumakbo na kami palapit kay Admin at agad kong pinagana ang invisibility ko para makapunta sa harap ni Admin at makuha ang kwintas na suot niya.

Agad na hinawakan ni Shadow at Rain si Admin sa magka bilang kamay kaya naman kinuha ko na ang pag kakataon para kunin ang kwintas na suot niya ng bigla siyang pumalag sa dalawa dahilan para mahirapan akong kunin ang kwintas niya.

Agad na sinipa ni Admin si Rain at hinawakan ng marahas si Shadow sa kamay saka pinaikot at hinampas ng marahas sa likod, napalunok ako habang nakatingin sa dalawang kasama ko na namimilipit sa sakit, nakatingin si Admin sa kanila kaya naman agad akong umatake, agad kong sinipa ang tyan niya dahilan para magulat siya at tumilapon, Agad kong kinuha ang pagkakataon na ito para sakalin siya at sapakin ng malakas.

Nag pakita ako sa kanya at nakita ko ang gulat sa mata niya.

"Surprise mother fucker." sabi ko saka siya sinuntok ng malakas sa kanyang ilong at agad na kinuha ang kwintas na suot niya.

Napatingin ako sa hawak ko at napa ngiti, ang pekeng ala-ala ni Moon.

"As if." Nanlaki ang mata ko ng kunin ito sa akin ni Red at tutukan ako ng spadang hawak niya, nanlaki ang mata ko ng sumulpot din si Star sa likod ko.

"Paalam, Dark." Sabi ni Star kaya napa pikit ako at hinihintay na may gumilit ng leeg ko pero wala parin akong nararamdaman, Minulat ko ang mata ko at nakita sila Rain at Hazeya na nasa tabi ko, si Hazeya ay isa sa mga kaklase ko sa Leviticus at kasama kong nag laro sa MLA.

May hawak din silang spada at naka tutok ito kila Red at Star, ang hawak na spada ni Rain ay naka tutok sa dereksyon ni Star at ang kay Hazeya naman ay nasa dereksyon ni Red.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon