MoonLight Academy 32

14.7K 382 23
                                    

Sa isang malawak at makulay na hardin ako dinala ni Zero, mula dito sa aming kinatatayuan ay tanaw ko na ang isang mesa sa gitna na merong dalawang upuan. Sa gitna ng mesa ay may pulang kandila na nakasindi at may mga bulaklak. Isang romantikong paligid na sinabayan ng isang romantikong tugtugin na hindi ko alam kung saan nag mumula.

"Ikaw ang nag ayus nito?" Tanong ko, naka ngiti siyang tumango sa akin.

"Pero bakit?" Tanong ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka iyon hinalikan.

"Gusto ko lang bigyan ka ng isang magandang tanawin. Isa pa, ginandahan ko talaga ang pag aayus nito para sa unang date natin." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Date?" Tanong ko habang naka ngiti.

"OO."Sabi niya kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Inalalayan nya ako papunta sa mesang nasa gitna at umupo sa isang upuan, pinanuod ko siya na mag salin ng inumin sa aming wine glass bago siya umupo sa tapat ko, ngumiti siya sa akin.

"Bakit ba kanina ka pa nakangiti?" Natatawa kong tanong.

Huminga siya ng malalim.

"Hindi lang ako makapaniwala na kasama kita ngayung gabi." Sabi niya kaya natawa ako.

"Hindi ba magagalit ang magulang mo? Tumakas ka para lang makasama ako." Sabi ko, umiling siya.

"Sanay na sila." Sabi niya.

"Maiba ako, hindi ba't ngayun din ipag diriwang ang iyong kaarawan?" Tanong ko. Tumango siya.

"Bakit hindi mo sinabi? wala tuloy akong regalo sayo." Sabi ko. Natawa siya.

"Hindi na mahalaga yun, para sakin ikaw na ang pinaka magandang regalo." Sabi niya bagay na mas nag patibok ng mabilis sa aking puso. Bakit ba ang galing mo sa mga matatamis na salita Zero?

Buong gabi ay magkasama lamang kami, kinain namin ang pagkain na niluto niya daw habang kami ay nag tatawanan at nag kwe-kwentuhan. Sobrang saya ko habang kasama ko siya, pakiramdam ko ay ako na ang isang pinaka masayang babae sa buong mundo. Hanggang sa sumapit ang 12 ng madaling araw, tumunog ang kampana, hudyat na mag sisimula na ang sayawan sa loob ng Venue kung saan nag kakasiyahan ang mga mag aaral ng Moonlight.

"Gusto mo bang pumasok tayo sa loob at sumayaw" Tanong niya, tumingin ako sa kanya.

"Baka pagalitan tayo ng magulang mo pag nakta nila tayong magkasama." Sabi ko, natawa siya at umiling.

"Hindi yan, mag tiwala ka." Sabi niya at inilahad sa harap ko ang kamay niya.

"Basta sakin ka lang tumingin, ituon mo lang ang iyong atensyon sa akin at wag na wag lilingon sa iba, Moon." Sabi niya, pansin ko ang pagka seryoso ng mukha niya habang sinasabi niya iyon.

Tumango ako at tinanggap ang kanyang kamay.

Muli kaming pumasok sa loob, at gaya ng inaasahan ko ay naruruon ang mga studyante ng Moonlight sa gitna habang sinasayaw ang kanilang mga kasintahan. Tumingin ako kay Zero na naka tingin sa akin.

"Sa akin ka lang tumingin Moon." Sabi niya, tumango ako. Nag lakad kami papunta sa gitna, napansin ko pa ang ilang titig ng mga mag aaral sa akin pero hindi ko iyon pinansin at tumingin kay Zero. Inilagay niya ang kanyang kamay sa akin bewang habang ang aking mga kamay naman ay nasa kanyang balikat, nag simula kaming sumayaw kasabay ang romantikong musika.

"Hindi ako makapaniwala na kasayaw ko ang pinaka magandang binibini ngayun." Sabi niya kaya napa ngiti ako.

Alam ko sa sarili ko na talo na ako, na nahulog na ako ng tuluyan kay Zero. Sino ba namang hindi mahuhulog sa isang kagaya niyang binata? Napaka bait niya, sweet at makisig. Lahat ay nasa kanya na. Pero nangangamba ako na sabihin sa kanya ang aking nararamdaman.

"May gusto kang sabihin?"Tanong niya, tinitigan ko lamang siya sa kanyang mga mata at ngumiti ng bahagya.

"Sabihin mo na Moon." Sabi niya, napalunok ako at huminga ng malalim. Patuloy lamang kami sa pag sayaw at tanging nasa kanya lamang ang aking atensyon.

"Talo na ako."Sabi ko dahilan para kumunot ang nuo niya.

"Sinabi mo sa akin na hinding hindi ako pwedeng magka gusto sayo, nilabanan ko naman at ginawa ang sinabi mo Zero, pero habang nakakasama kita nawawala sa isip ko ang mga sinabi mo." Sabi ko, dahan dahang sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Ibig bang sabihin nito ay may nararamdaman ka na din sa akin?" Tanong niya, tumango ako. Kita ko ang kasayahan sa kanyang mata pero iba ang nakikita ko sa kanyang mukha ngayun, lungkot. Yan ang aking nakikita ngayun.

"Pero hindi tayo pwede para sa isa't isa Moon." Sabi niya bagay na nag pawala ng ngiti ko.

Pinag masdan ko ang kanyang mga mata.

"Bakit hindi? Zero ang sabi mo wala kang pake-alam sa estado ng aking buhay? sabi mo mahal mo ako, Zero mahal din kita anong mali don?" Tanong ko. Tumigil kami sa pag sayaw at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Oo mahal kita Moon, pero hindi tayo pwede sa isa't isa dahil--"

"Dahil ano? mahirap ako? isa akong Levita at mahinang nilalang?"Tanong ko, agad siyang umiling at niyakap ako.

"Gustong gusto kita Moon, I swear to God. Gustong gusto kitang makasama pero hindi tayo pwede Moon, hindi ako nararapat sayo." Ramdam ko sa kanyang boses ang sakit. Napapikit ako para pigilan ang luha ko.

"Sabihin mo sakin ang rason kung bakit hindi tayo Pwede Zero, para naman maintindihan ko kung bakit." Sabi ko at kahit na pilit kong pinipigilan ang aking luha ay umagos na ito.

"Natatakot akong sabihin sayo Moon." bulong niya at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Natatakot ako, pero kung dumating 'man ang araw na malalaman mo ang dahilan, gusto ko lang sabihin sayo na gagawa ako ng paraan makasama ka lang." sa palagay ko ay umiiyak na din siya ng sabihin niya iyan, nanatili lamang kaming magka yakap at umiiyak. Dahan dahan kong minulat ang mata ko pero wala na si Zero na kayakap ko lamang, mas lalong tumulo ang luha ko ng makita ko ang mga tingin ng mga studyante sa akin at kung sino ang nasa harap ko ngayun.

Humakbang ito palapit sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Bakit ka umiiyak Moon?" Tanong nito, hindi ko na napigilan ang sarili ko at nayakap siya at doon ay mas lalong umiyak.

"Pinaiyak ka na naman ba niya?" Tanong niya sa akin habang yakap yakap ako.

"Shadow...." Tawag ko sa lalaking kayakap ko ngayun habang umiiyak. Niyakap niya din ako at hinaplos ang aking likod.

"Shhhh, tahan na Moon. Nandito lang ako."

~~~

Tweet me: redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon