MoonLight Academy 64

11.2K 273 43
                                    

Moon's First day at Moonlight

Star POV

Masaya ako dahil may bago kaming makakasama, nakakasawa na din kasi ang mga mukha ng mga kaibigan ko. Buti na lamang at nadagdag sa amin si Moon at Cloud.

Napatingin ako kay Moon na nililibot ang tingin sa labas ng history room, ang cute nya pero mas cute si Rain.

"Saan kaya yung room ni Zero?" Napatigil ako sa biglaang tanong ni Moon, hindi ata siya na Inform?

"Ba't mo naman hinahanap ang room ng anak ng may ari ng Moonlight?"tanong naman ni Cloud, hala. Hindi nga ata sila na Inform?

Matagal ng patay si Zero, dalawang taon ang nakakaraan ng masawi siya sa laro sa MLA, kasama niya non sila Dark,Red at Shadow na mag laro sa MLA pero sa kasamaang palad ay pinatay siya ni Dark. Dating mag aaral ng Moonlight na lumipat sa ibang paaralan.

Yun ang sabi nila Shadow sa amin, nakita nila si Dark na nasa likod ni Zero at sinaksak si Zero patalikod.

Kinilabutan agad ako ah, ang creepy naman nito ni Moon.
"Tara na." Sabi ko ng mag bukas ang pinto ng room namin, agad akong naupo sa upuan ko kung saan katabi ko si Rain at Shadow.

"Ang creepy ni Moon."bulong ko kay Shadow, ayokong marinig ni Rain yun kasi alam kong kaibigan niya si Moon.

"Bakit?"tanong ni Shadow sa akin, napatingin ako kay Moon na nasa labas at nakatingin sa building ng mga Steler.

"Hinahanap niya yung room ni Zero."sabi ko kaya napatingin sa akin si Shadow.

"Oh? Baka hindi sinabi ni Admiral ang tungkol kay Zero."sabi ni Shadow.

"Mukhang nababaliw na ata ang isang bago niyong kaklase."sabi ng teacher namin habang nakatingin kay Moon na kumakaway sa building ng mga Steler.

"See, may kinakawayan siya, wala namang tao don."sabi ko kay Shadow.

Hindi umimik si Shadow, pinanuod namin si Moon na pumasok at mag pakilala sa harap, inasar pa siya ng mga kaklase namin pero agad namang umawat ang teacher namin.

Umupo siya sa dulo kung saan may bakanteng upuan, mas lalo akong kinilabutan dahil doon ang upuan ni Zero noong nabubuhay pa ito.

Nag simula ng mag turo ang teacher namin, hindi ako makapag focus dahil napapatingin ako kay Moon, ang weird lang niya kasi.

Hanggang sa tumunog na ang bell, niyaya siya ni Rain na sumama sa amin.

"Mauuna na ako, may pupuntahan lang ako." Sabi ni Moon kaya napatingin ako sa kanya.

"Kabisado mo na ang pasikot sikot sa Moonlight?"tanong ni Cloud.

"Hindi pa, basta may pupuntahan lang ako, dito ko kayo hihintayin mamaya."sabi niya at tumakbo palayo sa amin. Agad akong tumingin sa mga kasama ko.

"Cr lang ako ah sunod na ako."paalam ko, tumango naman sila kaya agad kong sinundan si Moon.

Napatigil ako ng tumigil siya sa isang hallway. Ano naman ang ginagawa niya jan?

"Oi, akala ko iniwan mo na ako." Nanlaki ang mga mata ko ng mag salita siya habang nakatingin sa harap niya.

"Sinong kausap niya?"bulong ko sa sarili ko, wala namang tao sa harap niya wala din siyang kasama.

Nakita kong nag lakad siya palayo sa akin kaya agad ko siyang sinundan, dahan dahanh napakunot ang nuo ko ng makita kong papunta si Moon sa Canteen 3.

Ano naman ang gagawin nya sa Canteen 3? Wala namang tao don at wala na ding kumakain don. Simula ng mamatay si Zero, sinarado na ang Canteen 3 dahil sa doon lagi kumakain si Zero.

"Nababasa mo ang nasa isip ko?"tanong ni Moon sa kung sino man ang kausap niya.

"Same tayo, nababasa ko din ang mga nasa isip ng isang nilalang."sabi niya, napa yakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang kinikilabutan na talaga ako.

"Hindi ka ba nandidiri sa akin?" "Sya nga pala, saan ang room mo?" Napatigil ako sapag lalakad at nag tago sa likod ng isang lumang upuan.

Napatingin ako ulit kay Moon na pumasok sa loob ng madilim na Canteen 3. Holy cow, napopossess ata siya?

Dahan dahan akong sumilip sa bintana at nakitang nakaupo siya sa mesa kung saan laging kumakain si Zero, nakikita niya ba si Zero? May third eye siya? Ang creepy.

Mas lalo akong kinilabutan ng makita kong umaarteng kumain si Moon, sinilip ko kung ano ang kinakain niya pero wala, wala siyang kinakain. Agad akong tumakbo palayo sa canteen 3 at nag punta sa canteen kung saan kami kumakain.

"Oh? Anyare sayo?"tanong ni Rain, napalunok ako at hinabol ang hininga ko.

"Si... Si Moon!"sabi ko, agad na kumunot ang nuo nila.

"Na popossess ata siya!" Sabi ko kaya napatigil si Rain at natawa.

"Pinag sasabi mo?" Tanong ni Rain habang natatawa.

"Nasa canteen 3 siya nakita ko kasi sinundan ko siya tapos may kinakausap siyang di ko nakikita." Sabi ko kaya natawa si Rain, Ice at Cloud.

"Ikaw kamo ang nababaliw."sabi ni Rain at sinalpakan ako ng pagkain sa bunganga.

"Oh, kumain ka na, gutom lang yan." Sabi niya habang natatawa.

"Totoo nga!" Sabi ko.

"Kumain ka nalang."sabi ni Ice habang natatawa, napairap ako at nilunok ang pagkaing sinalpak ni Rain sa akin.

Bakit ba ayaw nila maniwala?

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon