MoonLight Academy 19

16.2K 459 14
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maagang makapag simula ng pag lilinis sa Garden, doon ang balak naming linisin ngayun. Lima ang Garden ng Moonlight. Dalawa sa North Isa sa West, isa sa South at ang isa ay nasa entrance ng Moonlight. Hindi pa kasama ang Garden na pinuntahan namin ni Zero nong isang araw.

Bago ako umalis ay nilutuan ko muna ng almusal ang mga kaibigan ko at nag iwan ng note na mag sisimula na ako mag linis.

Sanay naman na akong magising ng maaga dahil sa maaga akong umaalis sa bahay noon para mag tungo sa palenke at mag benta. 

"Ms Moon." Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Admin na naka kunot ang nuo habang naka tayo sa harap ng pinto ng Building ng mga Steler.

"Good morning po." Bati ko at ngumiti.

"Ano't maaga kang nagising?" Tanong niya habang naka kunot ang nuo, napatingin din siya sa hawak kong walis at dustpan.

"Inagahan ko po talagang gumising para maaga po akong makapag linis at maaga din pong matapos." Sabi ko, nawala ang pagka kunot niya sa nuo niya.

"Nasaan ang mga kaibigan mo?"Tanong niya.

"Tulog pa po sila, mukhang napagod po sila kahapon." Sabi ko at ngumiti.

Tumango tango siya.

"Mauna na po ako." Sabi ko at nag bigay galang bago tumalikod, pero agad din akong humarap kay admin.

"Head Admin." Tawag ko kaya napa tingin siya sa akin.

"Kakapalan ko na po ang mukha ko."Sabi ko at lumunok.

"Kung pwede po sana bawiin niyo po yung kaparusahan na pinataw niyo sa mga kaibigan ko, wala naman po silang kasalanan at nabigla po lamang sila sa nangyare. Kahit ako nalang po ang mag linis ng Buong Moonlight ay gagawin ko."Sabi ko dahilan para kumunot ang nuo niya.

"Nag papaka bayani ka ba ngayun?" Tanong niya, umiling ako.

"Iniisip ko lang naman po ang laro sa susunod na buwan, kung hindi po mag sasanay ang mga kaibigan ko para sa laro ay siguradong matatalo po ang Moonlight." Sabi ko, nawala ang kunot sa nuo niya.

"At saka, hindi po nila masyadong kabisado gamitin ang mga armas nila kaya po sana ay bawiin niyo po ang parusa, sayang ang mga araw na lumilipas kung hindi po sila makakapag sanay." Sabi ko at nag bigay galang saka tumalikod.

Nag simula na akong mag lakad papunta sa isang garden dito sa west, ito ang uunahin ko sapagkat ito ang pinaka maliit na garden ng Moonlight. Kapansin pansin na may ilan ng mga studyante ng Moonlight ang gising na at nag eexercise. 

Sa tuwing nakaka salubong ako ng ilan ay umiiwas sila na para bang may dala dala akong nakaka hawang sakit, habang ang iba naman ay parang wala lang, normal lang sa kanila na makita ako. Habang may iilan naman na binabati ako.

Nang makarating na ako sa garden ay agad kong binuksan ang  hose at sinimulang mag dilig ng halaman, Hindi gaya sa napuntahan namin ni Zero, ang garden na dinidiligan ko ngayun ay uunti lamang ang bulaklak pero makukulay at malulusog ito.

May ilan ding mga paru paru na naririto at lumilipad lipad sa mga bulaklak.

" Ang hampas lupa ay naririto." Napatingin ako sa nag salita ngunit pag lingon ko ay may tumulak sa akin dahilan para mapaupo ako sa putikan. Tinignan ko kung sino ang gumawa non at nakita ang isang grupo ng kababaihan, lima sila at ang isa na tumulak sa akin ay kaklase namin nong unang pasok ko pa lamang.

"Ang hampas lupa ay napaupo sa kapwa niya lupa." Nag tawanan sila, Akmang tatayo na ako ng bigla akong tadyakan ng isang babae sa tyan dahilan para mamilipit ako sa sakit.

"Awww, tatayo ang hampas lupa. Gusto mo tulungan ka namin?" Tanong ng isa at hinawakan ng mahigpit ang pisngi ko.

"Ano bang gusto niyo?" Tanong ko, isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa humawak sa akin sa pisngi.

"Aww, masakit? isa pa." Isa ulit malakas na sampal ang natanggap ko bago nila ingudngod sa putikan ang mukha ko.  Ang tanging naiisip ko lamang ngayun ay wag lumaban sa kanila sapagkat alam ko kung ano ang katayuan ko dito, kahit baliktarin ang mundo. Hampas lupa parin ako habang sila ay mayayaman.

"Masarap ba hampas lupa? masarap ba ang kapwa mo lupa?" Tanong ng babaeng nakahawak sa buhok ko ngayun. Napalunok ako ng biglang kunin ng isang babae ang hose at itinutok sa akin. 

"Pwede ba umalis na kayo, madami pa akong gagawi--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng muli na naman nila ako ingudngod sa putikan. Kahit anong pakiki usap ko ay hindi sila nakikinig sa akin.

Ano ba ang ginawa kong kasalanan sa kanila.

"Ito ang tatandaan mo hampas lupa." Sabi ng isang babae saka ako tinadyakan.

"Ang mga gaya mong laki sa hirap ay mananatiling mahirap parin. Hindi ka bagay dito." Sabi nito at muli akong pinag tatadyakan. Nang hihina ako dahil sa ginawa nila, tuloy tuloy at walang preno ang pag bagsak ng luha ko, kahit anong pigil ko ay ayaw tumigil.

Pinanuod ko silang mag lakad palayo sa akin habang ako ay naka upo dito sa putikan at nang hihina dahil sa ginawa nila. Naaawa ako sa sarili ko. Ni hindi ko manlang kayang ipag tanggol ang sarili ko laban sa kanila. na kahit lumaban ako hindi mag babago ang estado ng buhay ko na isa lamang akong hampas lupa.

"Moon...." Dahan dahan kong nilingon ang tumawag sa akin, mas lalong bumagsak ang luha ko ng makita ko siya, bakit ngayun ka lang? bakit ngayun ka lang Zero? kung kailan kailangan kita kanina ay hindi ka dumating.

Pinanuod ko siyang umupo sa harap ko habang naka tingin siya sa akin ng malungkot. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay nya, nakita ko na nabahiran yun ng putik kaya naman dahan dahan kong kinuha ang kamay niya at pinunasan.

"Hi--hindi dapat malagyan ng putik ang balat mo....." Umiiyak kong sabi ngunit agad niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap.

"I'm sorry." Bulong niya habang yakap yakap ako. Mas lalong tumulo ang luha ko.

"I'm Sorry." Paulit ulit niyang bulong habang yakap yakap ako.

~

Tweet me 

Facebook: Arline Laure ll

Instagram anD Tiktok; rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon