MoonLight Academy 76

12K 236 10
                                    

Hindi ko maintindihan, kung bakit iniisip nila na ginagawa akong halimaw nila Admiral, hindi ko maintindihan, kung bakit sila Fly, Dark at Rain ay iniisip na mali itong gagawin ko?

Hindi lang naman para sa akin ang hakbang na gagawin namin, hindi lang naman para kay Zero ito. Para din ito kay Red, para makabawi ako sa kanya at para maibalik ko ang tiwalang nawala galing sa mga kaibigan ko.

Mahabang katahimikan ang namutawi sa amin ni Dark matapos niyang sabihin na ginagawa lamang nila akong halimaw. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya na ngayun ay naka tingin sa akin na puno ng lungkot.

Bakit ganyan ka makatitig saakin Dark? Bakit parang pati ikaw ay na didissapoint ko? Bakit merong parte sa aking puso na nag sasabing wag kang saktan?

"Talaga?"tanong ko sa kanya at natawa. "Kumpara sa ating dalawa mas halimaw ka Dark."sabi ko bagay na nag pakunot sa kanyang nuo.

Humakbang ako palapit sa kanya dahilan para humakbang siya palayo sa akin. Tama yan Dark, matakot ka.
Matakot ka sa kung ano ang pwede kong gawin sayo ngayun.

"Ilang inosentang tao na ba ang napatay mo?"tanong ko sa kanya. Naiyukom ko ang palad ko ng tumigil siya.

"Hindi ba't mas halimaw ka dahil pinatay mo si Zero?"tanong ko, nakita ko ang lungkot sa kanyang mata. "Hindi ba't mas halimaw ka dahil pinatay mo ang mga magulang niyo ni Shadow?"dagdag ko na nag patigil sa kanya.

"Ngayun Dark, sabihin mo sa akin, sino ang mas halimaw sa ating dalawa?"tanong ko at natawa.

"Pinag katiwalaan kita." Agad na tumulo ang luha ko habang naka tingin sa kanya.

"Pinag katiwalaan kita noong araw ng laro dahil akala ko mabait ka, dahil akala komapag kakatiwalaan ka, pinag katiwalaan kita dahil yun ang sinabi ni Zero."sabi ko at agad na pinunasan ang luha ko.

"Pero mali, mali pala lahat ng pinakita mo sa akin sa loob ng maze Dark."

"Moon..."

"Ginamit mo ang kahinaan ko para makuha ang tiwala ko, ginamit mo si Zero para pag katiwalaan kita, isa kang manloloko Dark!"sigaw ko. Akmang lalapit siya sa akin ng itutok ko sa kanya ang aking kamay. Agad siyang napatigil at kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Ikaw... Yung pinag katiwalaan ko sa lahat ng mga kasama ko sa Maze Dark, nagawa kong ipatalo ang laro dahil akala ko, yun ang gusto ni Zero. Pero tangina, ginamit mo lang siya, ginamit mo lang ako!" Sabi ko, umiling siya kaya natawa ako habang patuloy parin sa pag tulo ang luha ko.

"Alam mo kung ano ang pinaka maling desisyon ko ha?"tanong ko at binaba ang kamay ko.

"Ang pag katiwalaan ang taong pumatay sa lalaking mahal ko." Madiin kong sabi, nakita ko ang pag tulo ng luha niya.

"Wag mo kong iyakan Dark, alam ko na lahat. Maling nag punta ka pa dito para sakin." Sabi ko at tinitigan siya bago tumalikod.

Sobrang bigat ng loob ko kaya patuloy lamang sa pag tulo ang luha ko, hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit sa akin ang mga ginagawa ko sa kanya ngayun.

"Moon..." Tawag niya kaya napatigil ako sa pag lalakad.

"Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi nila sayo laban sa akin pero..." Puno ng lungkot niyang sabi. "... Pero hindi ko kayang gawin lahat ng sanabi mo." Natawa ako sa sinabi niya at lumingon sa kanya.

"Nagawa mo na."malamig kong sabi.

Umiling siya at pinunasan ang luha niya.

"Ang patayin ang nag iisa kong matalik na kaibigan? Hindi ko kaya, ano pa kaya ang sinasabi mong patayin amg magulang ko."sabi niya habang naka tingin sa akin.

"Alam kong nadadala ka lamang sa emosyon mo Moon, alam ko na may part jan sa puso mo na hindi mo kayang gawin lahat ng pinaplano niyo. At alam ko na sinisiraan lamang nila ako sayo kaya naiintindihan ko na sinasabi mo ang lahat ng iyan sa akin--"

"HINDI KA NILA SINISIRAAN SA AKIN DARK!"sigaw ko dahilan para mapa pikit siya at mapayuko.

"Sinasabi nila ang totoo."dagdag ko at napa lunok.

"Sinasabi nila sa akin ang lahat ng baho mo, sinasabi nila sa akin ang lahat ng kagagohang ginawa mo."

"OO TANGINA GAGO AKO PERO HINDI KO KAYANG PATAYIN ANG MAGULANG AT KAIBIGAN KO!"sigaw niya, punong puno ng hinanakit at lungkot.

"Alam mo... Kung bakit nandito ako?"tanong niya. "Dahil sayo Moon."sagot niya at napa tingin sa langit bago mag patuloy sa pag sasalita.

"Nandito ako dahil gusto kita makasama, alam mo kung bakit?"tanong niya at pinunasan ang mga luhang kanina pa tumatakas sa mata niya.

"Kasi ikaw palang ang nag paramdam sa akin na hindi ako masama." Puno ng pait niyang sabi. "Kasi ikaw palang ang nag paramdam sa akin na hindi ako gago." Dagdag niya at tinuro ang dibdib niya. "At ikaw palang ang nag paramdam sa akin kung paano mag mahal Moon." Napatigil ako sa sinabi niya.

"Ikaw palang yung nag iisang nag tiwala sa akin ng buong buo." Patuloy niya. "Pero sa ngayun ikaw palang ang nag iisang nanakit sakin gamit ang mga maling paratang." Sabi niya at may kinuha sa bulsa niya, isang larawan. Iniangat niya ito at pinakita sa akin.

"Eto... Eto ang larawan namin ng mga magulang namin ni Shadow, kuha to bago mag simula ang laro." Sabi niya kaya napatitig ako sa larawan. Napalunok ako at parang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita.

Pero ang sabi ni Shadow...

"Sa paanong paraan ko pinatay ang magulang ko kung hanggang ngayun buhay pa sila at umaasang mag babalik sa amin si Shadow?"tanong niya kaya napatingin ako kay Dark na naka tingin sa akin na puno ng lungkot.

Binaba niya ang kamay niya at tinago ang larawan.

"Hindi pa sila patay Moon, kaya hindi ko alam kung ano ang sinasabi mong pinatay ko ang magulang namin." Sabi niya at huminga ng malalim.

"At ang tungkol kay Zero, oo kasama ko siya sa laro 2 years ako,kasama namin siya nila Red at Shadow sa laro at oo, ako ang kasama niya nong oras na namatay siya. Pero hindi ako ang pumatay sa kanya Moon, hindi ko kayang patayin ang nag iisang taong nag paramdam sa akin na hindi ako kakaiba." Dagdag niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sasabihin ko kay Dark.

"Kung gusto mo, papatunayan ko sayo na hindi ako ang pumatay sa kanya."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Paano?"tanong ko, nakatingin siya sa akin ng seryoso saka huminga ng malalim.

"Sa building ng mga Steler."sabi niya habang naka tingin sa nakatayong building sa harap namin. napatingin ako sa building ng mga Steler na naka tayo sa harap namin.

"Sa loob niyan may isang portal papunta sa ibang oras." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Paano mo nalaman?"tanong ko, tumingin siya sa akin.

"Gaya ng sabi ko, para ko ng kapatid si Zero, lagi niya akong sinasama sa loob ng building na yan sa tuwing pupunta kami sa kwarto niya. Minsan niya na din akong dinala sa harap ng Portal na yun at pinaliwanag sa akin kung ano ang nagagawa ng bagay na yun." Sabi niya saka tumingin sa harap.

"Kung ganon ay tara na, pasukin na natin ang Building." Sabi ko.

"Hindi ganon kadili yun Moon."sabi niya at tumingin sa akin ng napaka lamig.

"Malalim na ang gabi, mag papahinga na ako." Malamig niyang sabi at tumalikod sa akin.

"Dark..." Tawag ko ngunit hindi siya tumingin sa akin. Napa lunok ako at napa yuko.

"Sorry..." Bulong ko habang nakatingin sa kanya ma papalayo sa akin.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon