MoonLight Academy 95

10.1K 187 11
                                        

Dark POV

Tumingin ako kay Fly na kinakausap ang magulang niya at si Hasreffa, napukaw ang aking atensyon sa kanya ng lumapit sa akin si Rain.

"Kamusta pakiramdam mo?"tanong niya, ngumiti ako sa kanya.

"Mas Malakas pa sa strong."sabi ko kaya natawa siya.

"Tungkol nga pala sa nangyare, 2 years ago--"

"Kalimutan na natin yun."sabi ko kaya tumingin siya sa akin, ngumiti ako sa kanya at huminga ng malalim saka tumingin sa langit.

"Ang importante ngayun ay makuha natin si Moon."sabi ko. Saka tumingin sa langit.

"Isa pa, kay Zero ka dapat humingi ng tawad."sabi ko saka tumingin sa kanya. "Kase siya ang nawala."dagdag ko kaya napa yuko siya.

"Hindi ko alam kung mapapatawad ba ko ni Zero." Sabi niya at namuo ang luha sa kanyang mata.

"Pinatay ko siya Dark, ako ang naging dahilan kung bakit wala siya dito ngayun."dagdag niya kaya huminga ako ng malalim.

"Sa totoo lang, galit ako Rain, hindi sayo kundi sa nagawa mo." Sabi ko saka tumingin sa langit.

"Sa loob ng dalawang taon, ako ang sinisisi nila sa kasalanang hindi ko ginawa, sa loob ng dalawang taon iniisip ko kung ako ba talaga ang may kasalanan kung bakit nawala ang matalik kong kaibigan. Sa loob ng dalawang taon, puro disappointment at takot ang nararamdaman ko sa sarili ko. Buong Leviticus ako ang sinisisi sa pagka matay ni Zero at lagi nilang sinasabi na isa akong halimaw dahil sa nagawa ko."sabi ko at napangiti.

"Pero lahat ng yun, nawala ng makilala ko si Moon." Naka ngiti kong sabi, at muli kong naalala ang unang beses na nakilala ko siya.

Naramdaman kong tumitig siya sa akin kaya tumingin ako sa kanya.
Naka ngiti siya at umiling.

"Huli kong makitang ngumiti ka ng ganyan ay dahil pa sa akin." Sabi niya kaya natawa ako.

"Wag mo nga ibalik ang nakaraan Rain, binusted mo ko noon at sobrang sakit non sa akin kaya wag na natin ibalik ang nakaraan."sabi ko. Natawa siya.

"Si Star kasi gusto ko noon kaya di kita pinapansin."sabi niya kaya naningkit ang mata ko.

"Yun ba yung baguhan na kasama niyo?"tanong ko, tumango tango siya kaya natawa ako.

"Bagay kayo, masyado kayong uto uto eh." Sabi ko kaya naningkit ang mata niya.

"Okay na." Napatingin ako sa nag salita, si Fly. Tumigil siya sa pag lalakad ng nasa harap na namin siya.

"Anong okay na?"tanong ko.

Tumingin si Fly sa akin saka napakamot sa kanyang ulo.

"Nasabi ko na kila Mommy na babawiin natin ang kapatid ko." Sabi niya kaya napatingin kami kay Rain ng muntik na siyang mahulog sa upuan.

"Ano?"gulat na tanong ni Rain kay Fly.

"Gulat ka no? Ako din eh nong nalaman ko."sabi ko. "Ang sakit na nga sa ulo ng isa g Fly, dadagdag pa ang isang Moon."dagdag ko kaya nakatanggap ako ng malakas na batok mula kay Fly.

"Kapatid mo si Moon?"tanong ni Rain kay Fly kaya nabaling ang atensyon ni Fly kay Rain.

"Oo."sagot niya at huminga ng malalim.

"Tsk, hindi ko naman ginusto na magkaruon ng kapatid, sadyang nabuo lang talaga siya at nilayo saken."sabi niya saka pumikit ang mata.

"Paano?"tanong ni Rain kaya napatingin ako sa kanya.

"Rain naman, tinatanong mo pa ba yan? Syempre nag Sex nanay at tatay nil-"

"Yawa Dark." Putol ni Rain sa sasabihin ko kaya natawa ako.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon