MoonLight Academy 26

15.2K 399 5
                                    

"Malugod kong ipinag mamalaki sa inyo ang ika 125th player ng MLA." Sabi ni Admiral at sabay turo sa amin. Naka ngiti naman si Mr Steler sa amin habang si Mrs Moon naman ay mukhang hindi natutuwa, walang emosyon na mababatid sa kanyang mukha. Sinubukan kong basahin ang isip niya pero wala akong nakuhang kasagutan kung nasaan ang anak niyang si Zero.

Naririto kami ngayun sa Building ng mga Steler kung saan ito ang unang beses na nakapasok kami dito, ngayun alam ko na kung bakit bawal ang mga studyante dito sa pagkat ang daming mga mamahalin na bagay na naririto at talaga namang sobrang ganda ng loob nito. Aakalain mong nasa isa kang VIP hotels pag naririto ka.

Sa malaking Dining room ng building kami kumakain. Kasama sila Mrs and Mr Steler pati yung Fly. Sobrang ganda niya at aakalain mong isa siyang dyosa sa sobrang puti niya. Panay ngiti din siya bagay na mas nakaka dagdag sa pagiging maganda niya.

"Sino sa kanila ang nabunot sa RFE?" Tanong ni Mrs Steler, nag taas naman kami ng kamay ni Cloud. Kinabahan pa ko ng mag tama ang paningin namin ni Mrs Steler.

"Kamusta ang unang beses na pag tapak sa Moonlight?"tanong niya sa amin.

"Magand--"

"Impyerno." Naputol ang sasabihin ko ng sumabat si Red, ngayun ay nakay Red ang atensyon nila Mrs Steler.

"Kinakausap ba kita?"tanong ni Mrs Steler.

"Hindi, sumasabat ako, hindi PO ba halata?" Tanong ni Red, napa lunok ako sapagkat umaatake na naman ang pagiging dragon niya.

"Tila may nais kang sabihin Binibini, ano iyon?"tanong ni Mr Steler.

Tumingin sa akin si Red bago tumingin kay Cloud at nag salita.

"Unang pag tapak pa lamang nila dito ay pinakitaan na sila ng basurang pag uugali ng ilang studyanteng naririto. Itong hampas lupang babaeng ito, ay biktima ng bully. Habang nasa Garden siya limang studyante ang pinag tulungan siya dahilan kung bakit ko sinugod ang limang yun at nakulong ako sa Moon Jail." Matapang na sabi ni Red.

"Anong nais mong gawin namin kung ganon?"tanong ni Mrs Steler.

"Bigyan ng tamang pag trato ang hampas lupang babaeng nasa harap niyo." Sabi ni Red. Natawa si Fly.

"Gaya ng sabi mo, isa siyang hampas lupa. Bakit itatrato ng tama ang mga hampas lupa?" Tanong ni Fly, natahimik naman ako sa pagkat nakita ko ang tunay na ugali ni Fly ngayun.

"Ikaw, bakit bumalik ka pa matapos ang nakaka gimbal na laro dalawang taon ang nakalipas?"taas kilay na tanong ni Red na nag pawala sa ngiti ni Fly.

"Isa ka paring freshman na puro kuda." Sabi ni Fly kaya natawa si Red.

"Isa ka paring malanding ahas na puro pa iyot ang alam." Sabi ni Red kaya napa tayo si Fly sa inis.

"Admiral, tila panget ang ugali ng isang yan." Ma awturidad na sabi ni Mrs Steler.

"Wag PO kayong mag alala kasi mas Panget yang katabi niyo." Naka ngiting sabi ni Red. Pinaupo ni Mrs Steler si Fly sa upuan nito na agad namang sumunod.

Kung ano ang kinaganda ng physical,yun naman ang kina panget ng ugali.

"Kayo ba ay na inform na sa susunod na buwan ay laro niyo na?"Pag iiba ni Mr Steler sa usapan.

"Opo." Sabay sabay naming sabi maliban kay Red.

"Nais kong makita ang husay niyo sa pag hawak ng sandata sa susunod na araw, isasama ko sa inyong practice si Fly upang gabayan kayo."sabi ni Mr Steler.

"Ang gabay patungo sa baluktot na daan."pag paparinig ni Red.

"Tama na, kumain na lamang tayo at pag katapos ay mag papahinga na kami." Sabi ni Mrs Steler. Tahimik kaming kumain, walang ibang ingay ang maririnig kundi ang pag tunog ng mga kubyertos namin.

Nang matapos kami sa aming pagkain ay nag paalam na si Admiral kila Mr and Mrs Steler na uuwi na kami sa Building namin.
Nag lalakad kami ngayun sa pasilyo palabas sa building ng mga Steler, nakaka panghina sapagkat hindi ko nakita si Zero ngayun.

Wala na ata siyang balak mag pakita pa.

"Nakita mo ba siya?"tanong ni Shadow sa akin na katabi ko habang nag lalakad. Lumingon ako sa kanya at umiling.

Hindi siya sumagot.

"Sa palagay ko ay ayaw niya na talagang mag pakita sakin." Sabi ko.

Nag patuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa makalabas na kami sa Building ng mga Steler ay walang Zero na nag pakita sakin.

Nang kami ay makarating sa facility, agad kaming iniwan ni Admiral dahil tinawag siya ni Admin.

"Matutulog na ako."paalam ko at nag lakad papasok sa Elevator. Nakita ko pa ang mga tingin ng kasama ko sa akin bago mag sara ang pinto ng elevator.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay sinarado ko agad ang pinto at nag tungo sa bintana para silipin ang liwanag ng buwan.

"Wala ka na ba talagang balak mag pakita sakin Zero?" Tanong ko sa hangin. Napa yuko ako at huminga ng malalim.

"Na mimiss ko na ang kakulitan mo." Dagdag ko.

"Na miss din kita." Natigil ako ng may mag salita sa likod ko. Lumingon ako sa Likod ko pero walang taong naruruon. Muli akong tumalikod pero may naramdaman akong kumalabit ng dalawang beses sa balikat ko.

Napalunok ako dahil iisang tao lamang ang gumagawa non.

Dahan dahan kong nilingon ang kumalabit sa akin at nakita si Zero na may dalang rosas habang naka ngiti.

"Zero...."

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon