MoonLight Academy 49

13.1K 332 8
                                        

Madilim na, sa isang maliit na kuweba lamang kami nanuluyan ngayun dahil ito ang aming nakita, mabuti na lamang at wala itong halimaw at hindi sumasabog.

Tanging ang apoy ang nag sisilbing ilaw namin, huminga ako ng malalim at tumingin kay Shadow na nag iihaw ng marshmallow.

"Sya ang imposter sa atin." Muli kong naalala ang sinabi ni Dark. Paano nalaman ni Dark na si Shadow ang imposter?

Kung sakaling totoo na si Shadow ang imposter sa amin, nag aalala ako para kay Dark. Maaaring papatayin ni Shadow si Dark at--

"Tama na kakaisip saken." Napatingin ako sa nag salita, si Dark. Natawa siya at siniko ako.

"Hindi naman ako na inform na iniisip mo ako."sabi niya kaya napa irap ako.
Napa tingin ako kay Shadow na nag pupulot ng kahoy.

"Paano mo nalaman na siya ang imposter?"tanong ko, nag kibit balikat siya at natawa.

"Pinatay niya si Aquazel." Sabi niya kaya natawa ako.

"Lahat naman tayo may kakayahang pumatay Dark."sabi ko.

"Pero hindi lahat kayang umilaw ang mata." Sabi niya kaya natigilan ako at napatingin kay Shadow na inaayos ang apoy.

"Nong pinatay niya si Aquazel umilaw ng pula ang mata niya. Bagay na hindi naman nangyayare nong panahong kasama ko siya."sabi niya. Natahimik ako.

"Hindi sapat na basehan ang sinabi mo."sabi ko.

Natawa siya.

"Eh di tignan mo yung batok niya kung anong meron don."sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya na naka ngiti lang. Inirapan ko siya at lumapit kay Shadow na nag pupulot ng apoy.

"Oi, tulungan na kita."sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Tapos ka na bang kumain?"tanong niya. Tumango tango naman ako at nag simulang mag pulot ng kahoy.

"Ayos lang ba sayo na nandito si Dark?"tanong ko kaya tumingin siya sa akin at ngumiti ng malumanay saka huminga ng malalim.

"Mag sisinungaling ako kung sasabihin kong oo. Pero wala naman akong magagawa, desisyon mo na nandito siya."sabi niya kaya napa ngiti ako. Imposibleng si Shadow ang Imposter.

"Bakit ba galit na galit ka sa kanya?"tanong ko. Umiwas siya ng tingin at tumalikod, mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang kanyang Batok na may naka sulat na I na kulay pula. Napalunok ako, tama si Dark. Siya nga ang imposter.

Wala akong matandaan na nag patattoo Shadow. Ito ang unang beses kong makita ang letrang I na yan sa kanyang batok.

"Mahabang kwento Moon."sabi niya at nag patuloy sa ginagawa. Huminga ako ng malalim at dinala ang mga kahoy na nakuha ko malapit sa apoy saka tumingin sa dereksyon ni Dark na naka tingin sa akin habang naka cross arms. Yumuko lang ako saka tumingin sa gawi ni Shadow.

Kung ganon ay hindi namin pwedeng pagkatiwalaan si Shadow.

"Ikalawang gabi natin ngayun sa maze, tatlong araw na lamang ay matatapos na ang maze."sabi ni Shadow ng maka lapit siya sa akin.

Tumingin siya sa akin.

"Paniguradong tayo ang mananalo dahil kompleto parin ang mga kasama natin."sabi niya. Napa ngiti ako.

"Anong gagawin natin bukas?"tanong niya. Tumingin ako kay Dark na umupo sa harap namin.

"Mang hahunting ng mga imposter?"tanong ni Dark na halatang nang aasar na naman.

"Mag hahanap ng ibang matutuluyan."sabi ko at tumingin kay Shadow.

"Kailangan nating lumipat, pakiramdam ko ano mang oras ay may pupunta sa atin dito at susugurin tayo."napatigil ako sa pag sasalita ng iangat ni Shadow ang kamay niya sa ere dahilan para dumilim ang lagusan papasok sa kinaruruonan namin.

Nag sign siya ng wag maingay kaya tumango kami.

"May tao sa labas."bulong niya kaya naman maingat naming kinuha ang mga gamit namin at nag handa sa kung sino man ang papasok sa loob.

Tahimik lamang ang paligid, ngunit mula sa kinatatayuan namin ay dinig na dinig ko ang mga pag lakad mula sa labas.

"Pakiramdam ko ay may tao sa loob." Dinig namin mula sa labas.

"Eh di pasukin natin."

"Teka." Na alarma kami at pinatay ang apoy na nag sisilbing ilaw namin saka pumunta sa pinaka gilid ng kweba at nag tago.

Napa lunok kami ng marinig namin ang mga yabag na pumasok na sa loob kung nasaan kami. Dahan dahan naming sinilip ang mga pumasok at kumunot ang nuo ko ng makita si Red na nag sisilbing ilaw nila.

"Si Red."sabi ko at tumingin kay Shadow.

"Kasama niya sila Star at Cloud." Bulong ni Shadow saka tumingin sa akin.

"Pwede naman natin silang pakiusapan na umalis hindi ba?"tanong ni Dark, hindi namin siya pinansin.

"Mainit ang dugo ni Red sayo Moon, ano mang oras ay baka mademonyo siya at patayin ka."sabi ni Shadow kaya napalunok ako.

"Eh di patayin nalang natin sila."suhistyon ni Dark. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sira ka ba, kaibigan parin namin sila."sabi ko. Natawa siya.

"Kung kaibigan din turing nila sayo." Bulong niya kaya inirapan ko lang siya.

"Ihanda niyo ang gamit niyo, tatakutin natin sila."sabi ni Shadow at nag labas ng maitim na usok sa kanyang kamay.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon