MoonLight Academy 92

10K 198 15
                                    

Shadow POV

The day before Dark,Fly and Rain leave the moonlight.

Sinilip ko mula dito sa labas ng Moonjail si Dark. Tumingin ako kila Red at Star.

"Ako nang bahala sa kanya."sabi ko kaya tumingin sa akin si Red saka tumango at saka sinenyasan si Star na sumama sa kanya.

Tumingin ako ulit kay Dark na natutulog, kinuha ko ang susi at saka binuksan ang kulungan niya saka pumasok sa loob.

Umupo ako sa harap niya at tinitigan siyang matulog.
Agad kong naalala kung paano niya patayin ang magulang namin sa harap ko. Naiyukom ko ang aking kamao saka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"S-Shadow?" Napatingin ako sa kanya ng tawagin niya ako, kakagising niya lang.

"Bro--" Isang malakas na suntok ang aking ginawad sa kanya,saka siya sinipa ng napaka lakas dahilan para mang hina siya agad.

"Isang malaking pag kakamali na bumalik ka pa dito." Sabi ko habang nakatingin sa kanya, nang hihina siyang tumingin sa akin.

"A-ano bang.... ginawa kong mali--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng agad ko siyang sugurin at sakalin, hindi pa ako nakuntento dahil pabalibag ko siyang binitawan at sinapak hanggang sa mapagod ako, ang kaninang malinis na kutis ni Dark ay nalagyan ng mga pasa at sugat. Sinipa ko siya sa kanyang tyan dahilan para mamilipit siya sa akit.

"Kulang pa yan... sa ginawa mo sa magulang natin." Gigil kong sabi habang nakatingin sa kanya, nang hihina siyang kumilos, tinitigan ko lamang siya. Umupo siya at sinandal ang kanyang likod sa malamig na pader ng moonjail saka may kinuha sa kanyang bulsa.

"I-iintindihin kita." Nang hihinang sabi niya at nilapag ang isang larawan, inagaw ko ito sa kanya at akmang pupunitin ng makita ko kung sino ang nasa larawan.

Sila mama at papa, kasama siya. Napatingin ako sa kanya.

Naka pikit siya at humihinga ng malalim.

Muli kong binalik ang paningin ko sa larawang hawak ko, halatang bago lamang ito. Agad ko siyang hinawakan sa kanyang kwelyo at gigil na nag salita.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko habang nang gigitgit ang aking mga ngipin dahil sa galit, minulat niya ang isa niyang mata saka ngumiti sa akin.

" K-kahit anong... pananakit mo sakin.... mananatili parin kitang k-kapatid." Nahihirapan niyang sabi dahilan para dahan dahan kong mabitawan ang kanyang kwelyo.

"H-hinihintay ka nila mama at papa." Dagdag niya para lalo akong manhina, kumunot ang nuo ko sa sinabi niya, hinihintay ako? matagal ng patay sila mama at papa, at iyon ay dahil sa kanya, dahil pinatay niya ang magulang namin.

"Nakakalimutan mo atang pinatay mo ang magulang naten."Puno ng hinanakit kong sabi, ngumiti siya sa akin at bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para magulat ako.

"B-buhay sila Shadow." Sabi niya dahilan para tumulo ang luha ko.

"Buhay na buhay, ang larawan na... na hawak mo ay kuha bago mag simula ang laro sa MLA." Sabi niya kaya napatingin ako sa hawak kong larawan.

Naguguluhan ako, kitang kita ko kung paano niya patayin ang magulang namin, kung paano sila bawian ng buhay.

"N-nasasayo kung... kung maniniwala ka sa akin." Sabi niya at huminga ng malalim.

"Sa... sa building ng mga Steler, may... may isang pinto don na may nakalagay na... MR, sa... sa loob non... naruruon ang pekeng ala-ala na... na ginawa nila sayo." Napatingin ako sa kanya.

Pekeng ala ala na ginawa nila sa akin?

"At sa tingin mo ba, maniniwala ako sayo?" Tanong ko kaya ngumiti siya.

"K-kung gusto mong maniwala, i-ikaw ang bahala." Muli siyang huminga ng malalim.

"S-sabi ni mama, i-isama daw kita sa pag uwi." Nakapikit niyang sabi.

"Namimiss ka na nila." Nanatili akong nakatingin sa kanya, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Shadow." Napatingin ako sa nag salita, si Star.

"Pinapakuha ni Admiral si Dark." Sabi niya kaya napatingin ako kay Dark na nakatingin sa akin habang hinahabol ang hininga, agad akong tumayo at tinago ang larawan na kinuha ko mula kay Dark saka binuksan ang gate ng Moonjail at pinapasok si Star.

Sabay naming binuhat si Dark at inalalayan patungo sa lugar kung saan naruruon si Admiral kasama sila Moon, kumunot ang nuo ko, anong ginagawa nila sa labas ng gate ng Moonlight?

Pabalibag kong binitawan si Dark na agad namang sinalo nila Fly at Rain, tumingin ako kay Moon na malamig ang awra, sunod kong tinignan sila Admiral at admin na nakatingin kila Moon.

Ano bang nagaganap?

Tumingin ako kay Moon na malamig parin ang awra habang nakatingin kay Dark, napapikit ako ng maalala ko ang sinabi ni Dark. Pero nag tataka ako, bakit kasama ni Fly si Rain? Hindi ba't magkagalit silang dalawa matapos ang nangyare sa MLA dalawang taon ang nakakalipas?

Isa pa, hindi ba't ayaw makasama ni Rain si Dark dahil sa naguguilty siya sa ginawa nya kay Zero at sa ginawa naming paninisi kay Dark. Ano bang nagyayare? Bakit bigla na lamang sumama si Rain kay Fly?

Nawala ang aking mga katanungan sa aking isip ng makita ko kung paano bumagsak si Dark kay Moon, agad kong kinuyom ang aking palad habang nakatingin sa kanila.

"Lumayo ka sa kanya!" Sigaw ko at akmang susugod kay Dark ng sumenyas sa akin si Moon na wag. Masama kong tinignan si Dark.

May iba akong nararamdaman dito, pakiramdam ko ay may hindi tama. Tumingin ako kay Moon, totoo ba lahat ng pinapakita niya ngayun?

Alam kong hindi ko pa masyadong kilala si Moon pero, matapos lahat ng mga pag sasama namin ay alam kong may binabalak siya.

Pinag masdan ko siyang mabuti hanggang sa bigla na lamang tumalikod sila Fly,Rain at Dark saka nag simulang mag lakad.

Pinanuod ko sila mag lakad palayo, muli ko na namang naalala ang sinabi ni Dark sa akin kanina.
Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Moon.

"Alam kong hindi mo tinanggal ang ala ala nila."sabi ko ng kami na lamang ang nandito sa labas ng gate, gulat siyang tumingin sa akin. Tama ako.

"Sana mag tagumpay ang pinaplano niyo."sabi ko saka naunang pumasok sa loob ng gate.
Kung, napatigil ako at kinuha ko ang larawan na mula kay Dark. Tinitigan ko ito.

Sa oras na malaman kong niloloko lang ako nila Admiral ay hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin laban sa kanila.

~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon