Napanganga ako ng makita ang lugar kung saan ako dinala ni Zero, sa Hidden garden ng Facility. Ang lawak nito at halos lahat ng magaganda at mukukulay na bulaklak ay naririto.
Nakadagdag sa atraksyon ang mga paru-paru na lumilipad sa mga bulaklak."Ang ganda." Naka ngiti kong sabi habang naka tingin sa harap ko. Kung nasaang parte ito ng facility, yun ang hindi ko alam. Basta ang alam ko lamang ay maganda ang lugar kung saan niya ako dinala.
"Moon." Lumingon ako sa likod ko pero wala si Zero don, dalawang magkasunod na kalabit ang aking naramdaman sa likod ko at pag tingin ko don naruon si Zero nakangiti habang may hawak na pulang Rosas.
"Para sayo." Sabi niya at inabot sa akin ang rosas na kanyang hawak. Napangiti naman ako at tinanggap iyon.
"Salamat." Nakangiting sabi ko.
"Tara doon, may fountain sa gitna nito." Sabi niya at biglang hinawakan ang kamay ko. Napalunok ako ng maramdaman ko ang kakaibang enerhiya na dumaloy sa pagitan naming dalawa. Sabay kaming nag lakad papunta sa kanyang tinutukoy na Fountain.
Bigla akong napatingin sa mukha niya habang kami ay nag lalakad, ano itong aking nararamdaman na kakaibang pag bilis ng tibok ng puso?
"Narito na tayo." Sabi niya kaya naman napatingin ako sa harap ko at nakita ang mas magandang parte ng Garden na ito.
Tila may kumikislap sa parte kung saan may masiglang dumadaloy ang tubig na nag mumula sa fountain.
"Ang ganda." Sabi ko habang naka tingin sa harap ko.
"Maganda nga." Napalingon ako kay Zero na ngayun ay naka tingin sa akin. Napangiti ako at saglit na napatitig sa kanyang mga mata.
Tila hinihigop ako nito at madaming emosyon ang nakatago sa kanyang mga mata. Gusto kong basahin ang iniisip niya pero hindi ko magawa, hindi ko alam kung bakit.
"Sya nga pala." Sabi niya at umiwas ng tingin.
"Mukhang hindi ko mapapanuod ang unang ensayo mo bukas." Sabi niya.
Agad naman akong umiling."Wala yun, ayus lang. Naiintindihan ko naman." Sabi ko at ngumiti.
"Pero susubukan kong makahabol kung sakali." Nakangiti niyang sabi saka ako inalalayan na umupo sa nag iisang bench na naririto.
"Nasaan nga pala ang mga magulang mo? Hindi ko pa ata sila nakikita ngayun." Sabi ko.
"Wala sila dito, meron silang inaasikasong business sa kabilang bayan. Pinapabantayan lamang nila ako kila Admiral at Admin."sagot niya at huminga ng malalim.
"Kaya pala hindi ko sila nakita kanina, sya nga pala. May pupuntang teacher dito bukas hindi ba? Kasama ka din ba sa mga tuturuan non?"tanong ko.
"Oo, kaya tabi tayo bukas ah."sabi niya at ngumiti.
"Ngayun ko lang napansin na kulay green ang mga mata mo." Sabi ko habang naka tingin sa mga mata niya.
"Gusto mo? Luh asa ka." Natawa kaming dalawa sa sinabi niya.
"Alam mo, akala ko nong una masungit at suplado kang nilalang." Sabi ko kaya mas lalao siyang natawa.
"Sadyang, mailap lamang ako sa ibang nilalang." Sabi niya.
"Pero bakit kila Red hindi ka nakikipag usap?"tanong ko, simula kasi kanina nong dumating kami ni Cloud ay hindi ko pa nakikita na nag uusap sila. Kahit na kanina nong kinakausap kami nila Admiral at nong wala na sila admiral.
"Sapagkat ayokong makausap ang babaeng yun, masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili." Sabi niya kaya natawa ako.
"Naniniwala ako na mabait naman talaga si Red."sabi ko. "Siguro ay kailangan niya lamang ng pag mamahal." Dagdag ko.
"Ewan ko ba, ayokong makipag usap sa iba."sabi niya at tumayo.
"Tara na, mag lilibot pa tayo sa buong facility."sabi niya kaya napangiti ako at tumayo na din, nag lakad kami palabas ng garden habang nag uusap at nag bibiruan, hanggang sa mapadpad kami sa labas ng hardin, bigla iyong nawala kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
"Ang galing, kaya pala hidden Garden."sabi ko na kinatawa niya.
"May hidden garden ba na hindi nakatago? HAHAHAHAHAH." Banat niya naman kaya nag tawanan kami, nag lakad kami papunta sa hagdan pataas nong kami ay maka akyat na, agad na sumalubong sa amin ang malawak ba pasilyo kung saan sa gitna ay may fountain pa na may tatak ng Moonlight.
"Eto ba ang mga kwarto namin?"tanong ko sa kanya, tumango tango siya.
"At sa pinaka unahang pinto, doon ang iyong kwarto." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at excited na lumapit sa pinto saka nag swipe gamit ang binigay na card saamin kanina. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na bumukas ang pinto at mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang mga mamahaling gamit na naruruon. Kasing laki ng VIP room ng mga hotel ang kwartong nasa harap ko kaya naman ramdam na ramdam ko ang pagiging mahirap.
"Zero tignan mo ang laki ng--" napatigil ako sa pag sasalita ng pag tingin ko sa kaninang kinatatayuan niya ay wala na siya don, nahagip naman ng mga mata ko sila Shadow at Cloud na pababa ng hagdan mula sa kanilang palapag.
"Sinong kausap mo?"tanong ni Shadow at lumapit sa gawi ko. Pinag masdan niya ang loob ng kwarto ko at tumingin sa akin.
"Ang ganda ah, mas maganda paren ang akin."pang aasar niya.
Nawala na naman ba si Zero? Baka oras na para umuwi siya sa building niya? Napawi ang ngiti saaking labi saka tinignan sila Shadow at Cloud na nasa loob na ng kwarto ko.
"Hoi, trespassing yang ah susumbong ko kayo kay Admiral kala niyo."pananakot ko.
"Nye nye, sumbongera." Sabi naman ni Shadow kaya natawa ako.
"Saan galing yang rosas na hawak mo?"tanong ni Cloud.
"Ah, binigay ni--"
"Hoi kakain na!" Napatingin kami sa nag salita, si Rain na naka silip sa elevator.
"Moon, kanina pa kita hinahanap eh asan ka ba nag punta? Tara na kakain na." Sabi niya saka biglang nawala sa elevator, nag teleport ba yun?
"Tara na nga kain na tayo, kanina pa ata nagugutom tong si Moon, kawawa naman kaya mapayat HAHAHA."Pang aasar ni Shadow.
"Shadow!" Pikon kong tawag ngunit natawa lang siya at tumakbo pababa sa hakdan.
~~~
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasiAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...