Rain POV
*After MLA GAME. Moonlight headquarter in Arena.
Tahimik kaming lahat habang nakayuko, tanging pag iyak ni Fly at Dark ang madidinig habang nasa harap namin ay naka lagay ang bangkay nila Hydro at Zero. Naiyukom ko ang aking palad habang nakatingin sa bangkay ni Zero.
Sa kauna-unahang pagkakataon, natalo ang Moonlight sa MLA. Ang Castro ang nanalo. Naiyukom ko ang aking palad, baliwala lang din pala ang pag patay ko kay Zero kung sa huli ay talo din kami.
"N-nasan ang anak ko..." Lahat kami ay sabay sabay na napalingon sa nag salita at kakapasok lamang sa pinto, bigla akong kinabahan ng makita ko si Mrs Steler at nasa likod niya si Mr Steler na naka tingin sa aming tatlo, sila Admin at Admiral na nag mamadaling pumunta sa tabi ng katawan ni Zero.
"Zero, Anak ko!" Napapikit ako ng marinig ko ang pag hagulgol ni Mrs Steler habang yakap yakap ang katawan ni Zero. Ang pag hagulgol ni Mrs Steler ay sinabayan ng pag iyak nila Admin at Admiral. Biglang tumulo ang luha ko dahil sa nasasaksihan ko ngayun.
"I'm sorry." Bulong ko, nagulat ako ng hawakan ni Shadow ang kamay ko, napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin at umiling, parang sinasabi niya na wala akong kasalanan at si Dark ang may kasalanan, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Muli kong pinag masdan si Mrs Steler na umiiyak habang yakap yakap ang katawan ni Zero.
Bakit hindi ko manlang naisip na may isang ina ang nag aabang sa pag babalik ng kanyang anak? Bakit hindi ko manlang naisip na Hinihintay ni Mrs Steler si Zero na makalabas.
Naiyukom ko ang kamao ko at napa upo saka umiyak.
"Zero, anak." Napatingin ako ng tawagin ni Mrs Steler si Zero, lumapit si Zero kay Mrs Steler saka ito niyakap. "Hihintayin ko ang pag labas mo." Sabi ni Mrs Steler habang yakap yakap si Zero. Nakita ko ang ngiti ni Zero sa labi habang yakap yakap ang kanyang ina.
"Pangako po, lalabas po kami ng buo sa laro." Sabi ni Zero at tinignan ang ina sa mata. "Pag natapos po ang laro ipangako niyo po sa akin na gagawan niyo po kami nila Dark at Hydro ng Apple pie ah." Sabi ni Zero habang naka ngiti, natatawang tumango si Mrs Steler at ginulo ang buhok ni Zero.
"Basta galingan niyo." Sabi ni Mrs Steler, tumango si Zero at tumingin sa gawi nila Dark ng tawagin ito ni Dark.
Napaiwas ako ng tingin at napatingin kila Shadow at Red na nakatingin sa akin.
"I'm sorry..."Sabi ko habang umiiyak at nakatingin sa dereksyon nila Mrs Steler at Zero. Para akong pinapatay ng konsensya ko habang nakatingin sa gawi nila Zero at Mrs Steler.
Ang sabi nila, isa sa pinaka masakit para sa isang ina ang makitang walang buhay ang anak nito. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Mrs Steler ngayun, natatakot ako na baka pag nalaman niyang ako ang pumatay sa anak niya ay patayin niya ako.
"S-sinong may gawa nito sa... sa a-anak ko?" Nang hihina ngunit puno ng galit na tanong ni Mrs Steler.
Ako po, gusto kong sabihin yan kaso alam kong hindi ako hahayaan nila Red at Shadow na gawin yan. Tumingin sa amin si Mrs Steler, namamaga ang kanyang mata habang naka tingin sa amin. Kitang kita ang sakit at hinagpis sa kanyang mata.
"SINO?!" Sigaw ni Mrs Steler.
"Hindi ko po alam."
"Si Dark."
Sabay sabay kaming napatingin kay Shadow ng sabay silang mag salita ni Dark, napatingin ako kay Dark na nagulat sa sinabi ni Shadow.
"A-ano?" Gulat na tanong ni Dark habang nakatingin sa gawi ni Shadow, tahimik lamang ako habang naka yuko.
"Ikaw ang kasama niya hindi ba?" Dinig kong tanong ni Shadow kay Dark.
"A-ako ang kasama niya pero hindi ako ang pumatay sa kanya." Naguguluhan at nang hihinang sabi ni Dark.
"Sinungaling!" Sigaw ni Shadow kaya napatingin ako sa kanya.
"Kitang kita namin ni Red kung paano mo isaksak kay Zero ang palasong hawak mo." Sabi ni Shadow kaya napatingin ako kay Dark na nanlalaki ang mata at halatang walang alam sa nangyayare.
"Imposible naman yang sinasabi mo." Sabi ni Fly.
"Totoo ang sinasabi ko." Sabi ni Shadow at tumingin kay Mrs Steler na nakatingin kay Dark.
"Hindi po totoo yun Mrs Steler, hindi ko po kayang patayin ang kaibigan ko." Umiiyak na sabi ni Dark habang naka tingin kay Mrs Steler.
"Kitang kita namin Dark, itatangi mo pa ba?" Tanong ni Shadow.
"Bakit ba ako ang sinisisi niyo? hindi sapat na ebidensya ang paninisi mo sa akin Shadow lalo na't wala kayong matibay na ebidensya para sabihin na ako ang pumatay sa kanya. Kung naruruon kayo sa lugar kung saan naruruon kami ni Zero, bakit hindi niyo kami tinulungan na patayin ang kalaban?" Tanong ni Dark habang umiiyak.
Napatingin ako kay Shadow.
"Wala naman kayong kalaban, Dark." Mahinang sabi ni Red kaya napatingin ako sa kanya, naiyukom ko ang palad ko at muling napatingin kay Dark na nang hihina dahil sa mga nangyayare.
"Kayong dalawa lamang ni Zero ang naruruon." Dagdag ni Red.
"Paano kami lalapit sa inyo kung nakita namin kung paano mo patayin si Zero?" Sabi ni Shadow at tumingin sa kapatid niya.
"Hindi ba't palaso mo ang naka tarak salikod ni Zero?"Dagdag ni Shadow kaya napatingin ako sa palasong nakalagay sa mesa, mula sa kina uupuan ko ay nakita ko ang desenyo ng palaso, napalunok ako.
Naalala ko na kinuha ko ang palaso ni Dark para sana gamitin sa mga Castro kaso hindi natuloy dahil sa biglang pag dating ng mga Velandra.
Natahimik si Dark habang nakatingin sa kapatid niya.
"Kaya kong patunayan na wala akong ginawa kay Zero." Nang hihinang sabi ni Dark at tumingin kay Mrs Steler.
"Umalis ka na." Mahinang sabi ni Mr Steler kay Dark. Tumingin si Dark kay Mrs Steler.
"Mrs Steler--"
"Kunin mo na ang mga gamit mo." Malamig na sabi ni Mrs Steler at tumingin kay Dark.
"Simula ngayun ay hindi ka na pwedeng pumasok sa Moonlight." Dagdag nito at hinalikan ang nuo ng kanyang anak.
I'm sorry.
~~~~
Tweet me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasíaAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...