MoonLight Academy 20

15.9K 445 8
                                    

"TANGA KA BA HA?!" Napa yuko ako ng biglang sumigaw si Red habang naka tingin sa akin.

"KELAN KA BA TALAGA LALABAN PARA SA SARILI MO HA? TALAGA BANG MAHINA KANG HAMPAS LUPA KA?!" Sigaw niya. Nilayo naman siya ni Shadow sa akin.

"Pwede ba Red wag mong sigawan si Moon, nakita mo naman ang nangyare sa kaya ngayun oh!" Iritang sabi ni Shadow pero tinulak siya palayo ni Red saka lumapit sa akin at  sinampal ako. Napa pikit ako sa ginawa niya. Bigla niya akong hinila patayo sa kina uupuan ko at pakaladkad na nag lakad.

"Red saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko. Hanggang ngayun ay masakit ang tyan ko dahil sa pag sipa ng mga babae kanina. Parang walang narinig si Red habang ang mga kaibigan namin ay pinipigilan siya. Humarang si Ice sa harap ni Red pero tinulak lang siya ni Red.

Napadpad kami sa Canteen ng Moonlight jung saan lahat ng studyante ay naruruon. Biglang tumungtong si Red sa isang table at pabalibag akong binitawan.

"Red wag ka ngang mag eskandalo!" Inis na sabi ni Star.

"HOI KAYONG LAHAT!" awtomatikong tumigil sa ginagawa nila ang mga studyanteng naririto at napa tingin sa gawi namin. Napa yuko ako at muling napaiyak dahil pakiramdam ko ay mapapahiya na naman ako.

"Ang hampas lupa ay puno ng putik!" Sigaw ng isang studyante dahilan para mag tawanan sila. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

Napatingin ako sa estudyanteng nag sabi non ng bigla itong sumigaw.
May apoy sa kanyang buhok, awtomatikong tumingin ang lahat kay Red.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ng kasama ng studyanteng nasusunog ang buhok.

"Sino sa inyo ang may gawa nito sa hampas lupang ito?" Mahinahong tanong ni Red sa kanilang lahat.

Napa tingin naman ako sa mga babaeng naka upo sa gilid na proud nanag taas ng kamay.

"Kami po master Red!" Naka ngiting sabi ng babaeng nag ngudngod sa akin sa putikan.

Ngumiti si Red at dahan dahang bumaba sa mesa.

"Pigilan niyo yun." Bulong ni Star.

"Hayaan niyo." Awat naman ni Shadow habang naka tingin kay Red.

Binalik ko ang tingin ko kay Red na ngayun ay nasa table na ng limang nang bully sakin kanina. Lahat ng mata ay naka tingin kay Red.

"Sino ang nag ngudngud at sumipa sa hampas lupa na yun?" Naka ngiting tanong ni Red. Agad na nag taas ng kamay ang lima.

Nakita ko pa ang pag buntong hininga ni Red bago niya hinila ang buhok ng babaeng malapit sa kanya. Agad naman na napatayo ang mga kasama ng babae habang ako naman ay akmang lalapit sa kanila pero agad akong hinarangan ni Ice.

"ANO BA?!" Sigaw ng babae kay Red na agad namanh sinampal ni Red ng malakas. Tumingin si Red sa akin habang hawak hawak ang buhok ng babae.

"Ganon ang tamang paraan ng pag sampal nakita mo ba Hampas lupa?" Tanong ni Red sa akin saka marahas na sinabunutan ang babae.

"At ganito naman ang tamang paraan ng pag hila ng buhok." Sabi niya at marahas na binitawan ang babae saka tumingin sa akin ng masama.

"ALIN DON ANG HINDI MO NAIINTINDIHAN HA?!" sigaw ni Red sa akin saka pinag sisisipa ang babae.

"Tama na!" Sigaw ko kaya napa tingin sa akin si Red at natawa.

Tumigil siya sa pag sipa sa babae na umiiyak ngayun.

"Alam mo kung bakit walang may gusto sayo dito?"tanong ni Red sa akin.

"Dahil mahina ka at hindi mo kayang ipag tanggol ang sarili mo." Dagdag niya. Tumulo ang luha ko sa sinabi niya.

Nagulat ako ng bigla siyang napunta sa likod ng isang babaeng nambully sakin kanina at bigla niyang hinila ang buhok papunta sa side kung saan madaming pagkain saka ningudngod ang mukha sa mainit na soup.

Narinig ko ang pag sigaw ng babae dahil sa sakit dahilan para mapa pikit ako.

"Tama na..." Bulong ko.

"HINDI KA BA MASAYA NA INAWAY NAMIN SIYA?!" Sigaw ng isang babae kay Red kaya napa mulat ako ng mata at nakita ko kung paano sipain ni Red sa tyan ang babaeng yun habang ang ilang kasama nito ay kinaladkad niya saka tinapunan ng pagkain.

"SA TINGIN NYO BA AY MATUTUWA AKO SA KABOBOHAN NA GINAWA NIYO HA?!"sigaw ni Red sa kanilang lima saka nag labas ng apoy sa kamay dahilan para manlaki ang mata ko.

"LIMA KAYO, ISA LANG SIYA ALAM NIYO BA ANG SALITANG LUGE HA?!"sigaw ni Red at binato ang apoy sa isang babaeng malapit sa kanya dahilan para sumigaw ito ng malakas.

"Red tama na." Awat ko at akmang pupunta don pero tumingin ng masama sakin si Red.

"Subukan mong lumapit dito Moon, pati ikaw ipapahiya ko." Banta niya.

Tumingin siya sa lahat ng nanunuod saka muling binuhusan ng pagkain ang limang babae na nang bully sakin.

"Ito ang tatandaan niyo." Sabi ni Red at tumingin din sa mga nanunuod.

"Sa oras na ginalaw niyo si Moon, kahit isang hibla ng buhok niya sisiguraduhin ko na hindi na kayo aabot ng buhay sa graduation." Sabi ni Red at hinampas ng malakas ang malaking kawali sa mesa.

"NAIINTINDIHAN NIYO BA?!"sigaw ni Red  dahilan para sabay sabay na sumagot ang mga nandito.

"Ako lang ang pwedeng mang away at mang maliit sa hampas lupa na yon. Kaya sa susunod na makita ko at may marinig ako na pag mamaliit sa kanya sisiguraduhin ko na 6ft under the ground ang about niyo." Sabi nito at tumingin ng masama sa akin.

"Anong kaguluhan ito?" Napalingon ang lahat sa nag salita. Si Admin at Admiral na naka tayo sa isang entrance ng canteen.

"Ano ito Ms Red?"tanong ni Admiral habang naka tingin sa kalat na naririto.

"Go to our office. now." Madiin na sabi ni Admiral at tumalikod.

Napatingin ako kay Red na nasa harap ko na ngayun.

"Alam mo kung ano ang ayaw ko sayo hampas lupa?"tanong niya at kitang kita ko sa mata niya ang galit at lungkot.

"Nakikita ko ang sarili ko sayo noon." Dagdag niya bago ako tinulak at naunang lumabas  sa canteen.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon