MoonLight Academy 33

14K 357 6
                                    

"Mahusay." Naka ngiting salubong sa amin ni Mr Steler ng makalabas kami sa simulator kasama si Fly. Napangiti ang mga kasama ko.

"Maaari na kayong mag pahinga dahil bukas ay mag tutungo na tayo sa Arena."sabi naman ni Admiral. Nanuod sila ngayun ng huling training namin. Bukas ay naka takda kaming mag tungo sa arena kung saan gaganapin ang MLA.

"Moon, nagugutom na kami. Lulutuan mo ba kami ulit ng Pansit?"tanong ni Star habang nag lalakad kami.

"Oo nga Moon, saka hindi ba napapanis ang laway mo? Bakit parang tumahimik ka naman ata? Ilang araw ka na naming nakikita na tahimik." Sabat naman ni Rain. Ngumiti lamang ako sa kanila.

"Hayaan niyo na nga yang hampas lupa na yan, baka tuluyan na siyang nabaliw."sabi naman ni Red at inirapan ako.

"Ayus ka lang ba?" Napatingin ako sa katabi ko, si Shadow. Nakatingin siya sa akin. Tumango tango ako.

"Namimiss mo na ba siya?"tanong niya. Umiling ako.

Ilang araw na ang lumipas matapos ang selebrasyon sa anibersaryo ng Moonlight. Ilang araw na ding hindi nag papakita sa akin si Zero.

Simula ng umamin ako sa kanya ay hindi ko na siya nakita pa, matapos ang selebrasyon ay hinanap ko sya. Nag babakasakali na makikita ko siya at makakausap ngunit hindi ko siya nakita.

At ngayun, ay patuloy akong nasasaktan dahil sa hindi ko na nakikita si Zero. Malamang ay umiiwas na siya sa akin.

Hindi ko malaman kung bakit at ano ang rason niya para sabihin na hindi kami pwede, gusto naman namin ang isa't isa pero ano ang hadlang na kanyang sinasabi?

Ganon nalang ba kalayo ang pagitan naming dalawa? Ganon na ba ako kababang nilalang para sabihin niya na hindi kami pwede para sa isa't isa.

"Moon." Tumingin ako kay Shadow na nasa labas na pala ng elevator at ako na lamang ang natitira dito. Nag lakad ako palabas ng elevator at tumingin kay Shadow.

Ngumiti siya sa akin saka pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa akin.

"Kalimutan mo na siya."sabi niya, napaiwas ako ng tingin.

Kung pwede lang ay ginawa ko na.

"Hindi ka ba nag tataka, na paulit ulit niyang sinasabi sayo na gusto ka niya pero paulit ulit ka din niyang iniiwan." Sabi niya. Napa titig ako kay Shadow.

"Hindi sa sinisiraan ko siya Moon, concern lang ako sayo. At ayokong nakikita ka na nag kakaganyan." Dagdag niya at niyakap ako.

"Kung pwede ko lang turuan ang puso mo na mahalin ako ay ginawa ko na."bulong niya habang yakap yakap ako. Doon ay muli na namang bumuhos ang luha ko.

Bakit ba kasi si Zero pa ang nagustuhan ko gayong naririto naman si Shadow.

"Hindi ako titigil na mahalin ka hanggang sa matutunan mo kong mahalin Moon." Sabi niya saka tumingin sa akin. Muli na naman niyang pinunasan ang luha ko.

"I'm sorry." Yan lamang ang lumabas sa bibig ko, ngumiti lang siya sa akin at huminga ng malalim.

"Mag pahinga ka na Moon, bukas ay maaga pa tayong aalis. Tabi tayo sa bus ah."sabi niya kaya napa ngiti ako at tumango tango.

"Sya nga pala, yung bracelet mo."sabi niya at hinubad ang bracelet na hiniram niya mula sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at sinuot ito.

"Wag mo na ulit alisin yan para di ka na masaktan." Sabi niya at ngumiti sa akin. Natawa ako.

"Bakit pakiramdam ko mas masakit pa sa Pain ang nararamdaman ni Moon?" Napatingin ako sa gilid namin at doon ay nakita namin si Star at Rain na naka tingin sa amin. Agad namang binatukan ni Rain si Star.

"Napaka panira mo talaga ng moment Star, pinanganak ka para manira ng Moment." Inis na sabi ni Rain kaya natawa kami ni Shadow sa kanila.

"Oi, tumawa na ulit si Moon!"masiglang sabi ni Star at tumakbo palapit sa akin.

"Alam mo ba, these past few days ayokong lapitan ka kasi nakakatakot ang awra mo masyado kang seryoso! Buti nalang tumawa ka ngayun." Parang bata niyang sabi kaya mas lalo akong natawa.

"So lulutuan mo na ba ulit kami ng Pancit Moon?"tanong ni Rain sa akin. Naka ngiti akong tumango tango habang si Star naman ay nag tatatalon.

"Alam mo Moon, kahit pang habang buhay na pancit ang kainin ko G lang basta luto mo." Pambobola ni Star, nakita ko naman ang pag irap ni Shadow na kinatawa ko.

"Mag uusap tayo mamaya Star. Mag tutuos tayo." Sabat ni Shadow habang nakatingin kay Star.

"Pero Moon, syempre nakaka umay din naman ang pansit kaya wag nalang pala pang habang buhay baka malibing ako ng buhay eh." Sabi ni Star habang naka tingin kay Shadow.

"Hoi hampas lupa, kung mag luluto ka bilisan mo. Nagugutom na ako." Sabi ni Red natawa ako at tumalikod na sa kanila para mag tungo sa kusina.

Sa hindi ko alam na dahilan ay napatingin ako sa bintana malapit sa pinto. Napatigil ako ng mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Zero na naka upo sa taas ng puno habang naka tingin sa akin.

Medyo malayo ang puno kung saan siya naka upo kaya naman agad akong nag lakad palabas ng pinto pero sa pag labas ko ng pinto ay bigla na lamang nawala si Zero sa puno kung saan ko siya nakita kanina.

Napa yuko ako at napa buntong hininga. Malamang ay na mamalik mata lamang ako.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon