Kasalukuyan akong nasa office ng Admiral at Admin kasama ang mga kaibigan ko, nakaupo ako sa isang upuan habang ang mga kasama ko ay nakatayo at naka cross arms habang nakatingin sa akin na walang emosyon. Sila Admiral at Admin naman ay nakatingin sa akin habang hawak ang bote ng wine na dinala ni Zero kagabi.
"Hindi ba't sinasabi ko na sa inyo na bawal pumunta sa Building ng mga Steler?" Ma awtoridad na tanong ni Admin. Napayuko ako.
"Ano ito ha? Kabilin bilinan namin na bawal ang sino'mang estudyante ng Moonlight na pumunta don, alin don ang hindi niyo maintindihan?" Tanong ni Admiral sa amin saka tumingin sa akin.
"Ano Moon?" Tanong nito sa akin kaya tumingin ako sa kanila.
"Wala naman pong kasalanan ang mga kaibigan ko." Sabi ko at tumingin kay Admiral.
"Wala po ni isa sa amin ang nag punta sa building ng mga Steler." Sabi ko.
"Si Zero po, siya po ang nag dala niyan kagabi. Mag kasama kami kagabi sa rooftop." Paliwanag ko. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Admiral.
"At sa tingin mo ba ay may maniniwala sayo Moon?!" Biglang sigaw nito na siyang nag pakaba sa akin.
Inawat siya agad ni Admin at pinakalma, dahan dahan akong napatingin sa mga kasama ko na nakayuko at di makatingin kay Admiral.
"I'm So disappointed." Bulong ni Admiral habang hinihimas ang sintido niya.
"Isa kang mag aaral ng Moonlight pero bakit ganyan ang ugali mo? Talagang dinadamay mo pa ang anak ng may ari ng school na ito sa kalokohang ginawa mo?" Sabi ni Admiral kaya napalunok ako.
"Wag mong dalhin ang ugaling squatter mo dito sa looban Moon." Napatingin ako kay Admiral ng sabihin niya iyon, Napalunok ako at muling napayuko.
Wag kang babagsak, wag kang babagsak nakiki usap ako wag kang babagsak. Hangal! Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata at huminga ng malalim.
Hindi ko inaasahan na masasabi iyon ni Admiral.
"Pinapa-aral ka ng libre dito kaya tanawin mo yun bilang malaking utang na loob Moon." Dagdag nito na mas lalong nag paliit sa katauhan ko.
"Saka ito na dapat ang huling beses na maririnig kong hinihila mo pababa ang sarili mo, hindi ka hampas lupa Moon. Lagi mong tatandaan yan."
Muli kong naalala ang sinabi sa Akin ni Zero. Napapikit na lamang ako at pilit na inaalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Admiral.
"Kayong lahat, maliban kay Moon. Bumalik na kayo sa facility dahil may practice pa kayo." utos ni Admin at tumingin sa akin.
"Maiiwan ka Ms Moon, Bilang kaparusahan lilinisin mo ang buong Moonlight." Matigas na sabi ni Admin kaya napalunok ako. Sa lawak at laki ng buong Moonlight, kulang ang isang linggo upang malinis ang buong Moonlight.
"Masyado naman po ata yun Admin." Napatingin ako kay Cloud.
"Hindi ko hinihingi ang opinion mo." Matigas na sabi ni Admin.
"Hindi ko kailangan ng pag hingi mo sa opinion ko Admin, sasabihin ko lahat ng nais ko dahil wala namang batas ang nag sasabi na bawal sabihin ang mga opinion." Sabi ni Cloud na nag palaki sa mga mata ko. Saan siya nakaka kuha ng lakas ng loob para sabihin yun?
"Mr Cloud, ayusin mo ang pananalita mo." Nag babantang sabi ni Admin.
"Gaya ng sabi niyo, pinapa aral ng libre si Moon ng Moonlight at talaga namang kailangan nyang tanawin na utang na loob yun, pero sa bagay na pinapagawa niyo, sa tingin niyo ba ay may matututunan si Moon? Pinapasok lang ba siya dito para pag linisin ng paaralan?" Tanong ni Cloud.
"Cloud." Tawag ko, Napatingin siya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mga mata niya. Bakit pakiramdam ko ay hindi si Cloud ang nag sasalita?
"Lahat kayo ay umalis na maliban kila Moon At Cloud." Matapang na sabi ni Admiral.
Napalunok ako dahil pati si Cloud ay nadamay na din sa kaparusahan na binigay ni Admin.
"Ano pang hinihintay niyo?" Pagalit na tanong ni Admin kila Shadow na nakatingin sa akin.
"Sasamahan ko sila." Malamig na sabi ni Shadow at biglang tumabi sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Shadow ano bang ginagawa mo?" Bulong ko sa kanya, tumingin lang siya sa akin at ngumiti.
"Sinasamahan ka." Sagot niya kaya napatahimik ako.
"Talaga bang matitigas ang mga ulo niyo? Umalis na kayo bago pa mag bago ang isip ko na idamay kayong lahat sa kaparusahan ni Moon." Sabi ni Admiral. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na parang walang narinig.
"Saan tayo mag sisimula?"Biglang tanong ni Star sa akin na nag pakunot sa nuo ko. Wag niyang sabihin na sasama siya?
"Ako nang bahala mag dilig sa mga garden." Sabi ni Rain at tumingin sa akin saka kumindat.
"Ano bang mga ginagawa niyo?" bulong ko.
"At sa tingin niyo ba mga bayani na kayo niyan?" Biglang tanong ni Red sa mga kasama ko at nag lakad papunta sa pinto.
"Kung gusto nyong mahirapan bahala kayo, wag niyo akong idadamay mga tanga." Sabi nito at binuksan ang pinto.
Nakatingin lang kami sa kanya na nakatayo sa pinto .
"Punyeta." Rinig kong mura niya saka tumingin sa akin.
"Bilisan niyo. Mahaba habang linisan ang gagawin natin." Dagdag niya saka tumingin sa akin at inirapan ako.
"Ano bang ginagawa nila." Tanong ko sa sarili ko saka napatingin kila Admiral na hindi makapaniwala sa inasal ng mga kasama ko.
"Mauuna na po kami, mahaba habang linisan ang gagawin namin." Paalam ni Ice kila admiral saka naunang lumabas ng office kasama si Red. Napalunok ako at halos hindi ako makapaniwala sa mga ginagawa nila.
~
Tweet me
Facebook: Arline Laure ll
Instagram and Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...