MoonLight Academy 30

15.3K 384 2
                                    

"Grabe, ang ganda mo Moon." Napangiti ako kay Star ng sabihin niya yon.

"Hindi talaga ako nag tataka kung bakit nagka gusto si Shadow sayo eh." Dagdag niya.

Napatingin ako kay Shadow na nakatingin sa akin habang naka ngiti.

"Tigilan mo nga ang pag puri sa hampas lupa na yan. Pinapalaki mo ulo niya."sabi ni Red na nasa likod ko pala.

Inirapan niya pa ko bago tumapat sa akin.

"By the way, nice gown. Naging tao ka kahit papaano." Sabi nito bago ako nilagpasan. Napa ngiti nalang ako at bumaba na din sa hagdan. Sa baba ay sinalubong ako ni Shadow na manghang mangha sa akin.

"Isang karangalan kung ikaw ay aking magiging kapareha ngayun.........." Sabi niya at dahan dahang hinalikan ang likod ng kaliwang palad ko, napa ngiti naman ako. "...... At pang habang buhay." Dagdag niya kaya natawa ako.

"Puro ka talaga biro." Sabi ko na kinatawa niya, Tumayo siya ng maayus saka inalok ang kamay niya sa akin, agad ko naman iyong tinanggap.

"Grabe, para akong nanunuod ng fairytale." Sabi ni Star kaya napatingin kami sa kanya, natawa kami ng pektusan siya ni Ice.

"Kahit kailan talaga ay napaka panira mo ng moment." Sabi nito.

"Pwede ba, nangangalay na ako, baka gusto niyo nang mag tungo sa venue?" Tanong ni Red.

"Babaeng pula, susunduin tayo ni Admiral wag kang excited."Sabi ni Cloud na agad namang tinignan ni Red ng masama.

"Speaking of Admiral." Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng bigla yung mag bukas at niluwa non si Admiral na naka gown din kasama si Admin na naka Tuxedo.

"Are you guys Ready?" Tanong ni Admin sa amin, sabay sabay naman kaming tumango bilang pag sagot.

"Pag katapos ipakilala sila Mr and Mrs Steler ay kayo ang susunod na ipapakilala kaya mahalaga na mag tungo na kayo sa backstage ng venue pagkadating natin don." Sabi ni Admiral, tumango kami.

Tumalikod sila at nag simulang mag lakad, sumunod naman kami sa kanila papunta sa Venue.

Sa labas ng venue ay makikita na agad ang red carpet na nakalatag sa baba, sa gilid non ay mga paparazzi na sa tingin ko ay inimbitahan pa nila Mrs and Mr Steler mula sa labas ng Moonlight.

Todo ngiti kami ng matapat ang camera ng mga paparazzi sa amin, buti na lamang ay katabi ko si Shadow at inaalalayan akong mag lakad, dahil sa pag tungtong palang ng aking isang paa sa carpet ay muntikan na akong madulas.

Ilang minuto din kaming naruruon at kinukuhanan ng larawan bago kami pumasok sa loob at gaya ng sinabi ni Admiral ay nag tungo na kami sa backstage. Bago kami makapasok sa loob ay pinag masdan ko ang ganda ng buong venue, sa gitna ay naruruon ang stage na enggrande ang ganda, sa gilid ay naruruon ang mga pagkain, sa kaliwang bahagi naman ay naruruon ang mga banda na tutugtog at sa pinaka sentro ay naruruon ang mga mesa at upuan para sa amin.Pag dating namin sa Backstage ay agad kong hinanap si Zero, kasabay din ba namin siya sa mga ipapakilala?

O baka naman hiwalay? kasama ba niya ang mga magulang nya?

"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Star sa akin, napatingin ako sa kanya at ngumit.

"Kasabay ba natin si Zero sa mga ipapakilala o kasabay niya ang mga magulang nya?" Tanong ko, naka tingin lang siya sa akin. "Kasama ba natin si Zer--"

"Pupuntahan ko muna si Ice, may sasabihin pala ako sa kanya." Sabi niya at nag mamadaling lumayo sa akin, kumunot lang ang nuo ko at pinag masdan siyang lumayo sa akin.

Umupo muna ako sa isang upuan saka pinag masdan ang paligid, nag babakasali na biglang mag pakita sa akin si Zero.

"30 minutes nalang daw ay mag sisimula na ang event." Napatingin ako sa tumabi sa akin, akala ko si Zero pero si Shadow lang pala. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Hinahanap mo si Zero ano?" Tanong niya, tumango tango ako, tumingin muna sya sa akin saka ngumiti.

"Oo, tinatanong ko si Star pero bigla nalang siyang nag paalam na pupuntahan niya si Ice." Sabi ko, ngumiti siya.

"Sa palagay ko ay hindi siya mag papakita sayo." Sabi niya kaya naaptitig ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko, bigla siyang napatingin sa bracelet na suot ko kaya napatingin din ako doon,

"Ano bang mangyayare pag tinanggal mo yan?" Tanong sa akin ni Shadow habang nakatingin sa bracelet.

Napatingin ako sa bracelet ko.

"Hindi ko alam, sabi ng healer wag ko daw aalisin kahit na anong mangyare." Sabi ko.Hinawakan niya ang kamay ko kung saan naruruon naka suot ang bracelet ko.

"Pahiram." Sabi niya at bigla niyang kinuha sa kamay ko ang bracelet, tututol pa sana ako pero nakuha niya na.

"Shadow, hinahanap ka ni Red." Napatingin kami sa nag salita, si Rain.

"Saglit lang ah." Sabi niya saka ako iniwan. Pinanuod ko siyang mag lakad palayo sa akin ng maalala ko na nasa kanya ang bracelet ko, Wala namang mangyayare sakin pag nahubad ko ang bracelet diba?


~~~'

Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon