MoonLight Academy 70

11.3K 249 2
                                        

Tahimik na paligid, mapayapang pasilyo, napa ngiti ako at nag simulang mag lakad papunta sa Room ko dito sa Dorm ng Moonlight.

Since tapos na ang Game, hindi na kami sa Facility tumutuloy, binigyan kami ng kanya kanyang number ng dorm.

Agad kong binuksan ang room ko at napangiti ng makita ang laki nito at lawak. Ako lang mag isa dito, walang kahati.

Pumasok ako sa loob at nilibot ang paningin. Kasing laki na ito ng kwarto ko doon sa Facility, ang pinag kaibahan lang ay kasama na dito sa kwartong ito ang kusina at banyo.

Umupo ako sa malambot na kama na nasa gilid at saka humiga, tumingin ako sa kisame ng aking silid at sinimulang mag muni muni.

Ang daming nangyare simula ng pumasok ako sa Moonlight. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayare kung sakaling ako ay nakapasok sa ganitong kasikat na paaralan.

Matapos ang pag uusap namin nila Admiral at Admin kahapon ay wala na akong nakakasalubong na studyangte ng Moonlight na inaaway ako, parang sa isang iglap ay bumalik ang lahat sa dati, normal na akong nakakapag lakad ng walang bumabato ng itlog sa akin o nag mumura sa akin.

Ngunit sila Red, hindi ko parin sila nakakausap simula kahapon, hindi ko din sila nakikita bagay na pinag tataka ko. Iniiwasan ba nila ako?

Biglang sumagi sa aking isip si Zero, muli akong nakaramdam ng sakit ng maalala ko ang mga sinabi niya sa akin sa huling laro ng MLA. Kaya pala parang nag papaalam siya dahil sa yun na pala talaga ang huling pagkakataon na makikita ko si Zero.

Hindi ko inaasahan na matagal na siyang patay, para sa akin ay napaka normal niya lang, simula ng unang makita ko siya sa office ni Admiral.

Napa kunot ang nuo ko, kung matagal ng patay si Zero, bakit nag pakita parin siya sa akin noon? Lagi ko din siyang nakikitang naka tayo sa offlimit area sa building ng mga Steler.

Agad akong umupo mula sa kamang kina hihigaan ko saka napatingin sa kaharap kong salamin, naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa reflection ko, bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa offlimit area na yun?

Agad akong tumayo at lumabas mula sa aking kwarto, Nag lakad ako palabas sa building ng dorm at saka nag lakad papunta sa tapat ng building ng mga Steler. Habang nag lalakad ako ay napansin ko ang pag iwas ng mga studyante sa akin na para bang isa akong nakakatakot na nilalang.

Tiningala ko ang laki ng Building ng mga Steler, Anong meron sa building na ito? Bakit lahat ng studyante ng Moonlight ay pinag babawal na pumasok dito?

"Binabalak mo bang pumasok sa loob?" Napatingin ako sa nag salita mula sa aking likod, napakunot ang nuo ko ng makita ko si Fly na nakatayo mula sa aking likod habang nakatingin sa akin at may ngisi sa labi.

"Nandito ka?" Tanong ko, natawa siya at lumapit sa akin.

"Dapat bang wala ako dito?" Tanong niya at tumingin sa building ng mga Steler.

"Sa palagay mo, ano ang nasa loob ng building na iyan?" Tanong niya at muling tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil sa kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya, bakit pakiramdam ko ay may alam siya kung ano ang nasa loob.

"Napa daan lang ako dito."

"Gaaling saan?" Tanong niya habang may ngiti sa labi. "Gaaling ba sa Dorm mo?"Tanong niya at natawa.

Inirapan ko lang siya at nag simulang mag lakad palayo sa kanya at sa building ng mga Steler ng mag salita siya.

"Hindi ka naman siguro ganon ka bobo para pumayag sa nais ni Admiral hindi ba?" Tanong niya na nag patigil sa akin, napalingon ako sa kanya at nakitang nakatalikod siya mula sa akin.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon