Star POV
Maaga akong nagising, hindi ko namalayan na nakatulog pala kami sa sala. Napangiti ako ng maalala ko kung paano kami mag takotan kagabi, sobrang nakakatakot na palabas ang pinanuod namin kaya dito kami sa sala natulog lahat.
Ako palang pala ang gising. Kinuha ko ang kumot sa tabi ko at dahan dahang kinumutan si Rain, ngumiti ako ng makita kong mahimbing ang kanyang tulog.
Nag lakad ako palabas sana ng Facility ng matigil ako dahil sa nakarinig ako ng ingay sa kusina, kumunot ang nuo ko at nag lakad papunta sa kusina kung saan ko nadinig ang ingay ngumit pag dating ko don ay wala namang tao.
Tanging mga nakatambak na hugasin lamang ang nandoon, nilibot ko ang tingin ko at nakitang ang dumi ng buong Facility.
Muli akong nag lakad palabas sa facility ng maaninag ko sila Admiral na papunta dito kaya agad akong tumakbo papunta sa mga kasama ko na tulog.
"Guys gising!" Sigaw ko pero gumalaw lang sila at natulog.
"Potek naman." Sabi ko at kumuha ng dalawang takip ng kaldero sa kusina saka pinatunog sa kanila.
"Ano ba?!"inis na tanong ni Red.
"Tumayo kayo bilis si admiral at admin nanjan na!" Sigaw ko dahilan para mapatayo sila ng di oras.
"Yung kusina! Hoi Star mag hugas ka!" Sigaw ni Ice sa akin.
"Ako na."singit ni Moon kaya tumango ako at tinulungan si Rain na iligpit ang pinag higaan namin, si Red ang nag punas ng mesa si Shadow naman ang nag kukuha ng mga kalat at si Ice naman ang nag wawalis.
Napasilip ako sa bintana at nakitang malapit na sila Admiral.
"Nanjan na sila!"sigaw ko, biglang nag bukas ang pinto at sakto sa pag bukas ang pag lapit ng mga kasama ko sa akin, tapos na sila. Napalunok ako ng maalala si Moon, madaming hugasin don.
"Good morning students."bati ni Admin.
Kumunot ang nuo ni Admiral."Kulang kayo, nasaan si Moon?"tanong ni Admiral dahilan para magka tinginan kaming lahat.
"N-nasa kusina po." Utal kong sagot, sumingkit ang mata ni Admiral sa amin saka nag lakad papunta sa kusina. Halos mawalan kami ng hininga habang papalapit kami sa kusina pero agad din kaming naka hinga ng maluwag ng makitang malinis ang kusina, bagay na pinag tataka ko.
Sobrang kalat nito kanina, imposibleng nalinis nya agad ang kusina.
Nang makita ni admiral si Moon ay sinabihan niya kaming mag bihis na dahil sisimulan na ang training namin.
Hindi parin ako makapaniwala dahil nong makita ko ang kusina ay magulo ito at madaming kalat, pero ngayun ay wala ni isa ang mababakas na gumulo yun.
Nang makarating kami sa Training room ay binigyan kami ng oras para kumuha ng sandata, agad akong nanguna sa pag kuha ng sandata, kinuha ko agad ang isang Stick na Gold na may patulis sa bawat dulo nito. Napatingin ako kay Moon na hawak ang pana ni Zero.
Kumunot ang nuo ko, ng kunin niya ang arrow at pinakawalan. Naging Lima ang arrow, napa lunok ako. Nagawa niyang hawakan ang pana ni Zero.
Agad akong lumapit kay Shadow.
"Shadow."tawag ko kaya napatingin siya sa akin.
"Tignan mo si Moon."sabi ko kaya napatingin siya kay Moon.
"Anong meron?"tanong niya.
"Hawak niya yung pana ni Zero."sabi ko kaya muli siyang napatingin kay Moon at tumingin sa akin.
"Hindi ba't wala ni isa sa atin ang nakakahawak sa pana na yun kaya hindi natin makuha kuha."sabi ko. Tumingin siya sa akin.
"Baka nag kataon na pinili siya ng pana."sabi niya, umiling ako.
"Si Zero lang ang pinipili ng pana. May sariling isip ang pana at arrow." Sabi ko.
"Si Zero lang ang mag iisang nakakahawak sa pana nayan, kaya nga diba nong araw na mamatay siga kinailangan pa ng sampong tao para mabuhat yun."sabi ko tumingin sa akin si Shadow at tinapik ang balikat ko.
"Nagiging paranoid ka na naman, tara na nga."sabi niya kaya napairap ako.
"Hindi ako paranoid okay, sinasabi ko lang baka napopossess si Moon." Sabi ko. Natawa siya at tumingin sa akin.
"Kung napopossess siya dapat may mga bagay na siyang ginagawa na makakapanakit sa atin."sabi ni Shadow saka ako tinalikuran.
Napa irap nalang ako at muling napatingin kay Moon na nakatingin sa pana.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...