MoonLight Academy 91

10K 194 14
                                    

Nakatingin ako sa bangkay ng isang lalaki na dinala nila Cloud at Shadow dito sa office nila admiral. Sabi ni Ice, ito daw ang pinag kukumpulan ng mga studyante kanina, nahulog daw ito mula sa pang anim na palapag ng building ng mga lalaki. At wala daw silang nakitang tumulak o ibang nilalang na naruruon.

"Baka naman may galit sa kanya ang may gawa nito?"tanong ni Red habang nakatingin sa bangkay ng Vision na tinatawag nila.

"Hindi siya pwedeng mamatay." Giit ni Admin kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Siya ang sasagot sa katanungan namin."sabi ni Admin saka tumingin sa akin, nakipag titigan ako sa kanya.

"Imposibleng si Moon ang may gawa nito dahil ilang minuto palang siyang nawawala at hindi niya din kilala si Vision." Basa ko sa isip ni Admin.

Huminga ng malalim si Admiral.

"Dalhin siya sa baba at tawagin ang magulang niya."sabi ni Admiral habang hinihimas ang sentido niya.

Tumingin sa akin si Admiral.

"Kailangan ka namin mamaya kaya wag kang aalis dito."seryosong sabi ni Admiral saka tumingin kila Shadow.

"Shadow, pumasok ka na sa klase mo, Red tawagan mo ang magulang ni Vision at Cloud at Star, ayusin niyo ang labi ni Vision." Utos ni Admiral. Agad naman silang sumunod habang ako naman ay naririto lamang nakatayo padin at pinapanuod silang buhatin ang bangkay ng Vision na tinatawag nila.

Imposibleng nahulog sya sa building na yun, hindi aksedente ang nangyare dahil may railings ang building, palagay ko ay may tumulak sa kanya dahilan para mahulog siya.

Pero sino?

"Moon, kailangan namin ang tulong mo sa bagay na ito."sabi ni Admiral kaya napatingin ako sa kanya. Naka upo siya sa upuan niya At nakatingin sa bintana malapit sa kaya.

"Isang malaking kahihiyan para sa pangalan ng Moonlight kapag nalaman ng publiko na may ganitong nagaganap sa loob ng paaralan."sabi ni Admiral at tumingin sa akin.

"Kaya kailangan namin ang kapangyarihan mo para kontrolin ang isip ng mga magulang ni Vision at tanggalin ang kanilang ala-ala na may anak sila." Nagulat ako sa sinabi ni Admiral, nais nilang gawin ko ang bagay na yun? Hindi naman ata tama yun.

"P-pero--"

"Hindi ba't sinabi mong sa amin ang katapatan mo?" Napatigil ako sa sinabi ni Admin, natigilan ako at huminga ng malalim.

"Masusunod."sabi ko at umupo sa isang sofa at umiwas ng tingin. Ilang oras ang lumipas ng bumukas ang pinto ng office ni admiral at niluwa non ang dalawang may edad ng mag asawa, magara ang kanilang suot at kung titignan ay talagang galing sila sa angkan ng mga mayayaman.

"What's with the call, Admiral? May ginawa na naman bang kabalastugan ang anak namin?"tanong ng babae.

"Mrs Villaflor, thank you for coming." Naka ngiting sabi ni Admiral at pinaupo ang dalawa sa upuan na katapat ng mesa niya.

Hindi ako makapaniwala na gagamitin ako ni Admiral para sa kasinungalingan niya.

"So, hows our Son? Is he did something naughty again?"tanong ng lalaki, tumingin sa akin si Admiral saka ako sinenyasan na lumapit, pumunta naman agad ako sa tabi niya saka naka ngiting humarap sa dalawa na halatang walang kaalam alam sa kaganapan.

"Mr and Mrs Villaflor, this is Moon, our unique students here in Moonlight." Pakilala ni Admiral sa akin. Nakakunot ang mga nuo nila.

"Did y'all wasting our time?"tanong ni Mr Villaflor.

"Nope, she needs to say something." Sabi ni Admiral saka tumingin sa akin.

"Gawin mo na." Bulong niya kaya napalunok ako at tumingin sa mag asawa.

"Mr And Mrs Villaflor, please listen to me."sabi ko at tinitigan sila sa mata saka sinimulang kausapin sila sa kanilang utak.

"You need to trust me, gagawin ko ang lahat para mabigyan ng katarungan ang pagka matay ni Vision." Agad na kumunot ang nuo nila.

"What?"gulat na tanong ni Mrs Villaflor kaya agad kong kinumpas ang kamay ko para mapanatiling kalmado si Mrs Villaflor.

"Gusto kong umalis kayo sa Moonlight ng mapayapa at hindi nakakaramdam ng hinagpis, ako ng bahala sa anak niyo Mr Villaflor, ibabalik ko siya sa inyo."

Matapos kong sabihin ang mga iyon ay agad kong kinumpas ang kamay ko at inalis sa isip nila ang mga sinabi ko.

"Everything is fine, we just need your time for our survey, you can go now." Sabi ko at pinitik ang kamay ko, agad silang bumalik sa reyalidad at ngumiti sa akin.

"Nice to meet you too, Moon." Naka ngiting sabi ni Mrs Villaflor saka tumingin kila Admin.

"We need to go now, we have appointments to our business partner, thank you for your time." Sabi ni Mrs Villaflor at ngumiti kila Admin at Admiral saka sila tumalikod ng asawa niya at lumabas sa office ni Admin.

"Good job Moon."bulong ni Admiral sa akin kaya naiyukom ko ang palad ko, pangako, ibabalik ko ang anak niyo Mrs Villaflor.

Tumingin ako kila Admiral at ngumiti.

"Ano pong balak niyo sa katawan ni Vision?"tanong ko, tumingin sa akin si Admin.

"As of now wala pa." Ngumiti ako sa sinabi ni Admin.

"Ako na pong bahala sa katawan nya."sabi ko kaya nagka tinginan sila at naguguluhang tumango.

Nag paalam na ako na lalabas sa office nila at babalik sa dorm ko, nang makalabas ako ay nag lakad na ako papunta sa dorm ko ng may humila sa akin papunta sa isang sulok at tinakpan ang bibig ko, nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa nilalang na gumawa non.

"Shhh." Sabi niya at dahan dahang inalis ang pagkakatakip niya sa bibig ko.

"S-shadow.." tawag ko sa kanya, ngumiti siya sa akin saka ako hinalikan sa nuo.

"Pabalik na sila Dark." Bulong niya dahilan para matigilan ako, tumingin ako sa kanya ng puno ng gulat.

Mukhang kilala ko na kung sino ang kumuha sa pekeng ala-ala ni Shadow.

"Shadow." Tawag ko at tumingin sa mata niya.

"Pumunta ka ba sa loob ng building ng mga Steler?"tanong ko dahilan para matigilan siya.

Tama ako, siya ang kumuha ng pekeng ala-ala niya.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon